💗Chapter 38🔞

467 8 0
                                    

💗Friend's with benefits"❤️
Romantic-Comedy

💗Chapter 38🔞

#Mathew_POV

Maaga akong nagising sa araw na iyon. Yakap yakap parin ako ni Venus.

Bigla tuloy akong nakunsinsya.

Hinagkan ko ang noo nya.

Babawi nalang ako sa kanya.

Dahan dahan akong bumangon ayaw ko kasing maistorbo ang mahimbing nyang tulog.

Naghanda na rin ako ng almusal saka ko ginising si Mark.

Sabay na kming nag almusal ni Mark, ako na rin ang nagpaligo sa kanya at hinated ko narin sya sa school nila.

Maaga ako nagtungo sa trabaho. Pansin ko abala ang mga ka officemate ko sa nalalapit na kaarawan ni Mr.Gomez mamayang hapon.

Napansin ko na absent ngayon si Lea. May kailangan pa naman syang permahan sa mga ginawa kong papers.

Kaya tinawagan ko na sya.

Umabsent pala sya dahil kinailangan din nyang mamili ng isosout nya mamayang hapon.

At ang nakaka inis gusto pa nyang magpasundo.

Wala na rin akong magagawa kundi ang sunduin sya.  Dapat kasi sabay sabay kaming pumunta doon.

Habang naka upo ako sa napatingin ako sa cellphone ko. Gustong gusto kong tawagan si Venus kung ayos lang ba sya.

Ni hindi kami nakapag usap ng maayos kagabi dahil sa kalasingan ko.

Nahihiya akong kausapin sya. Wala kasi akong maisip na sasabihin.

Kailangan ko monang mag praktes ng sasabihin ko.

Matapos ang oras ng trabaho ay nagtungo na kami sa birthday party ni Mr.Gomez.

Sinundo na rin namin si Lea. Hindi sya nakasakay sa kotse ko dahil puno na kami sa kabilang sasakyan sya nakasakay.

Mabuti na rin yun dahil iniiwasan ko talaga sya. Ayaw ko kasi na mapag usapan kami at gawan ng issue.

Dahil baka mag silos ang mahal kong si Venus.

Nasa Birthday Party na kami.

Pakiramdam ko parang may nagtutulak saakin na umuwe na.

Hinanap ko yung cellphone ko.

Naiwan ko pala sa office at hindi lang iyon ang naiwan ko naiwan ko din doon ang maliit na kahon na nag lalaman ng singsing.

Itutuloy ko na ang pag ppropose sa kanya kahit walang props na nakapaligid. Ang iportante masabi ko sa kanya na gusto ko syang makasama habang buhay sa hirap at ginhawa..

Hindi na ako makapaghintay. Gustong gusto ko na talagang umowe at ibigay sa knya ang singsing.

Nagpaalam mona ako sa mga ka co-worker ko na uuwe na ako.  ang iportante na ibigay na namin ang regalo namin kay Mr.Gomez.

Kailangan ko pa kasing balikan sa office ang cellphone ko.

Palowbat na rin kasi iyon kaya kailangan kong magmadali baka tumatawag na si Venus.

Matampuhin iyon pag hindi ko agad nasasagot mga tawag nya. Hindi lang iyon magwawala sya sa galit.

Kaya lalo kong binilisan ang pagtakbo ng sasakyan ko.

Habang nag papark ako sa parking lot ay may napansin akong dalawang lalaki.

Hindi ko na pinansin dahil nagmamadali ako.

🌹Friend's with benefits🌹Where stories live. Discover now