💗Chapter 34🔞

513 11 0
                                    

💗Friend's with benefits"❤️
Romantic-Comedy

💗Chapter 34🔞

#Mathew_POV

Hindi ako gumising ng maaga dahil day off ko ngayon.

Kapag day off ko hindi ako ginigising ng maaga ni Venus.

Tinatamad akong bumangon dahil wala naman akong maisip na gagawin ko.

Wala akong mapaglilibangan. Pinilit ko paring bumangon.

Pagkalabas ko ng kwarto ay Napansin kung abala sa paglilinis si Venus. Aba ang sipag sipag nya ngayon.

Lumapit ako sa kanya at nyakap ko sya mula s likod.

"Ano kaba! Iniisturbo mo ang ginagawa ko. Nakahain na ang almusal mo kaya mag almusal kana." Sabi nya

Aga aga ang sungit sungit nya. Naglalambing lang naman ako.

Hinalikan ko mona sya sa pisngi bago kumawala sa pagkakayap ko sa kanya.

"I Love you." Pahabol kung sabi

"I love u too." Sagot nya saakin pero abala parin sya sa ginagawa nya.

Kumain na ako ng almusal at naisip kong linisin din ang sasakyan ko. Matagal tagal na rin bago ko yun nalinisan.

Pagkatapos kong mag almusal ay pumunta na ako sa parking lot at naglinis ako sa loob ng sasakyan. Ang daming basura lalo na sa second seat.

Habang naglilinis ako sa loob ng sasakyan ay hindi ko inaasahan na makikita ko doon ang maliit na kahon na pinaglagyan ko ng sing sing.

Agad kung dinampot iyon at tiningnan ang laman.

Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil sa wakas nahanap ko rin yung sing sing. Dito ko pala naiwala sa loob ng sasakyan.

Sa wakas hindi na ako mahihiyang magpropose.

Sa katunayan,  noong mag propose ako sa kanya dati. Nahihiya ako dahil wala akong naibigay na singsing. At diko binanggit na naiwala ko yun kasi baka magwala yun.

At hito na mabibigyan ko na sya ng sing sing. Hindi nasayang ang pinaghirapan ko para ipunin ang pinagbili ko rito.

Masaya kong ipinag patuloy ang ginagagawa kong paglilinis. Labis labis ang nararamdaman kung tuwa sa araw na ito.

Katatapos ko lang linisan ang sasakyan nang biglang may tumawag sa cellphone ko.

Kaya dali dali kong sinagot ang tawag.

Ibinalita saakin ng ka officemate ko na kaarawan bukas ng boss namin kaya kailangan makadalo ako sa birthday party ni Boss.

Bkit kinailangan pa nilang ipagdiwang ang kaarawan ni Mr.Gomez e matanda na sya.

Kailangan na nyang mag retiro.

Hay naku. Napabuntong hininga nalang ako.

Pumasok na ako sa bahay  nakita kong nagluluto si Venus ng Lunch namin.

"Wow. Ang sipag talaga ng Reyna ko.  " Nakangiti kong sabi.

"Sempre kailangan kung magsipag."
Sabi nya.

"Kailangan bigyan kita ng Regalo."

"Ano naman!"

"Idi power hug!"

Dali ko syang hinila at nyakap sya.

Nag angat sya ng tingin saakin habang ykap yakap ko sya.

"Kainis ka talga!" Sabi nya

🌹Friend's with benefits🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon