༻40༺

57 2 0
                                    

Nakita ni Ciara na binitawan ni Mico and kanyang cellphone at bigla nalang pinaharurot ang sasakyan when the light turned green. Napatalon ang puso ni Ciara doon dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan, nakahawak na siya ng mahigpit sa handle para pag biglang prumweno si Mico ay hindi siya tatalsik sa windshield ng sasakyan nito.

Kitang-kita ni Ciara ang paghigpit ng kamay ni Mico sa manibela, making his biceps flex under his long sleeves shirt and his jaw ticked.

Napalunok si Ciara dahil dun, hindi niya alam kung bakit but she suddenly felt something she couldn't even explain.

"What the fuck is your problem?" Ciara asked quietly.

It was awkward since there wasn't any music playing inside the car. Nahihiya rin naman si Ciara kalikutin ang player kasi mamaya may masabi pa si Mico na hindi maganda sa kanya at ikakagalit nanaman niya 'yun.

"We can't go any further." Malalim na boses ang narinig ni Ciara. Her heart pounded wildly. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya o ano, basta iba ang pakiramdam niya.

"At bakit?" Tinaasan ni Ciara ng kilay si Mico when he glanced at her quickly. "Gusto mo kong kid—"

Umiling kaagad si Mico. "Alam mong hindi ko kayang gawin yan. At hindi ko gagawin yan."

Ciara bit her tongue just to hold back her retort. Hindi na siya nakapagsalita hanggang sa tinigil ni Mico ang kotse sa isang mall.

"Baba," aniya.

"Bakit muna tayo nasa Eastwood?" tanong ni Ciara

Pumikit ng mariin si Mico at nagpakawala ng isang buntong-hininga. "Dito tayo kakain, nandyan lang ang condo ko sa tapat. Hindi kita mahahatid sa bahay mo ngayon."

Nagulat si Ciara sa sinabi ni Mico kaya agad siyang napasigaw. "WHAT?" Sinapo niya ang kanyang noo. "Kailangan kong umuwi ngayon please, hindi pwede ito!"

"I'm sorry..."

Ciara glared at him. "Bakit ba kasi ikaw ang sumundo sa akin? Tapos hindi mo rin naman ako kayang ihatid sa bahay!" Iniwas ni Ciara ang masamang tingin niya kay Mico. "Fucking goddamnit!"

"Kung ibang babae ka lang, baka sinagot na talaga kita!" Madiin na sinabi ni Mico sa kanya.

Kunot-noong nilingon ni Ciara si Mico. "Anong pinagsasabi mo? Ano pinapalayas mo ko?!" Tumaas ang boses ni Ciara.

"Hindi!" Tumaas na rin ang boses ni Mico at kinagulat 'yun ni Ciara. "Wala kong sinasabing ganoon!"

"So ano nga ang sinasabi mo?!" Hinampas ni Ciara ang dashboard ng sasakyan ni Mico. "Ang problema kasi sa'yo hindi kita maintindihan—"

"GUSTO KITA!" Isang malakas na sigaw ni Mico. Nanlaki ang mata ni Ciara at nakita niya ang taas-baba ng dibdib ni Mico pagkatapos niyang sabihin 'yun. "'Yun ba ang gusto mong marinig?"

Ciara looked away and rolled her eyes. "Fuck it! I'm getting out of here." Tinalikuran niya si Mico at hinarap ang pinto ng sasakyan ngunit bago pa niya ito nabuksan ay agad na ni-lock ni Mico ang pintuan niya. "Why would you do that?" She sneered. "Get me out of here!" Nagtatangka ulit na bubuksan ni Ciara ang pintuan pero bago niya pa magawa 'yun ay lumabas na si Mico ng sasakyan niya at mabilis na umikot sa harap para daluhan si Ciara.

Nang nabuksan ni Ciara ang pintuan ng sasakyan ni Mico ay agad siyang na-off balance ngunit buti nalang ay agad siyang nasalo ni Mico bago pa siya mahulog ng tuluyan.

Her arms were wrapped around on the back of his neck and his arms were wrapped around her back, stopping her from falling any further. Ngunit isang bitaw lang ni Mico ay agad na mahuhulog si Ciara. Their faces were inches closer from each other at walang magawa si Ciara kundi tumitig sa mukha ni Mico dahil natatakot siyang gumalaw pa.

"Kung 'di ka lang nag-taray ngayon baka halikan na kita diyan eh," sambit ni Mico.

Tinulak ni Ciara ng buong lakas ni Mico. "Kadiri ka!" sabi niya at agad na inayos ang kanyang damit.

Ngumisi si Mico sa kanya as he crossed his arms and tilted his head to the side as he looked at Ciara. "Bakit hindi ka ba naniniwala na gusto kita at ang ganda-ganda mo?"

Ciara huffed bago niya tinalikuran si Mico. Kukunin niya sana ang kanyang cellphone sa bag niya para i-text sila Kelsey and Lorraine but her heart stopped when she felt a warm hand on her back.

"Halika na, kakain muna tayo," Mico told her, giving her a small smile.

Damn it, I Still Love You (ILY Series #2)Where stories live. Discover now