35. Light-year

Comincia dall'inizio
                                    

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at tinanggal ang mga kamay niya sa mata ko at hinila siya patayo.

Inayos niya ang pagtayo niya nang hindi tumitingin sa akin. "Go, magpalit ka na." Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng ulo niya at hinaplos ang buhok niya. Alam kong kinakabahan siya dahil sa mukha niyang hindi maiharap sa akin.

Nagsimula na rin siyang kumuha ng damit niya at pumasok sa CR kaya't naiwan ako sa loob ng kwarto niya. Lumapit ako sa study table niya at itinuon ang atensyon sa mga gamit doon.

Walang masyadong design ang pader na nasa harapan niya kaya niregaluhan ko siya ng isang poster board na ipinasadya ko ang design na binubuo ng solar system. Not the design of it na makikita sa libro. Just a cute and simple design kung saan may mukha 'yong mga planets, moons, 'tsaka sun, tapos pastel lang ang kulay.

Syempre, hindi ako mag-iiwan kay Evie nang wala ang sarili ko. Pinalagyan ko rin ng isang babae at lalaki na nakaupo sa moon na representation ni Cosmos at Starr, pero sa totoo ay ako talaga 'yon at siya.

Nilingon ko siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nakasuot na ulit siya ng cotton shorts at malaking shirt. Umupo na ako sa wooden chair at siya ay dumiretso sa swivel chair niya.

"Sa'n na 'yong niregalo ko sa 'yo?" tanong ko. Agad siyang tumayo at mabilis na pumunta sa travel bag niya na sinundan ko lang ng tingin. Binuksan niya iyon at dahan-dahang inilabas ang poster board at ipinakita sa akin nang nakangiti.

Ipinatong niya ito sa ibabaw ng lamesa at tumingin sa pader. Buti na lang at may pako na rito na dating pinaglalagyan niya ng welcome design. Hinayaan ko siyang isabit doon ang board at ayusin. Halata sa mga kilos niya na nagustuhan niya ang regalo ko.

Kapag nanliligaw sa isang tao, dapat alam natin ang gusto nila para dagdag points. Kahit maliliit na details mahalaga, nagpapatunay na nagpe-pay attention tayo nang maigi sa kanila.

"Thank you, Gabriel." May dalawang mood si Evie na nagugustuhan ko. Una ay kapag nagiging komportable siyang lumapit at dumikit sa katawan, ko, at ang pangalawa ay kapag nahihiya siya sa akin, pero mas gusto ko 'yong una.

"Ano sa tingin mo ang pag-uusapan natin ngayon?" Inilagay ko ang siko ko sa hita ko at inilapit ang mukha ko sa kaniya.

Mabilis niyang inilagay na naman ang mga kamay niya sa mata ko kaya wala akong makita. Ilang segundo ko ring hinayaan na gawin niya 'yon nang maingat ko ulit itong tanggalin. Hinawakan ko iyon at inilagay sa magkabila kong pisngi.

"Ano'ng ibig sabihin ng sinasagot mo na 'ko?" Napalaki ang ngiti ko habang siya ay ginagapangan na ng inis sa mukha. Umungot siya dahil sa inis at hiya at muling tumingin sa akin.

"S-sinasagot na nga kita." Natawa ako nang kaunti nang mahalata sa boses niya na napipilitan lang siyang ulitin ito.

"Ano ngang ibig sabihin n'on?" Pinigilan ko ang malakas na pagtawa habang nakatingin sa bahagya niyang namumulang mukha.

"Alam mo na ibig sabihin n'on."

"Ano nga?"

"G-girlfriend mo na 'ko," mahina niyang sagot na muntik nang maging bulong.

"Ano ulit? Hindi ko narinig." Bahagya kong ipinilig ang ulo ko.

"Girlfriend mo na 'ko," pag-uulit niya nang mabilis na parang naghalo-halo na ang mga letra nito. Pero tumigil na ako at hindi ko na siya kinulit pa. Sapat na sa akin ang mga salita na 'yon para patalunin ang mga lamang-loob ko dahil sa saya. Parang bigla ko na lang ulit gustong sumayaw gaya ng ginawa ko sa kanila noong pasko.

"At ako, ano mo 'ko?" Kulang na lang ay irapan niya ako dahil sa pagkainis sa ginagawa ko.

"Boyfriend. B-boyfriend na kita."

Kung susukatin ang ngiti ko ngayon . . . siguro ay abot langit. Ibinuka ko ang mga braso ko. "Yakap?"

Napatingin siya sa akin nang may pagdadalawang-isip, pero nang magtagal ay tumayo siya sa kinauupuan niya at agad na yumakap sa leeg ko. Iniyakap ko ang braso ko sa baywang niya at hinigpitan ito.

I can say that this relationship was not built by words, it was just by staying and being patient.

"Pwedeng tayo lang muna makaalam nito?" tanong niya nang nakayakap pa rin sa akin.

"You mean, sa 'ting dalawa lang talaga? Hindi pwede sabihin sa friends, sa family. . . ."

"Hmm." Hinaplos ko ang likod niya. Gusto kong sabihing ayaw ko, gusto kong malaman nina Mommy, nina Jay, ng parents niya, malaman ng ibang tao, but knowing Evie, alam kong may pinaghuhugutan siya kung bakit gusto niyang sa amin muna.

"Okay, sure." Oh man, akala ko may maipagyayabang na 'ko.

"Thank you."

Your UniverseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora