𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟎

Start from the beginning
                                    

Pikon kasi.

"HAHAHAHAHAHAHA gage kita niyo mukha niya? asar na asar e!" Labas pa lang ng room alam na namin kung kaninong boses iyon.

Ang lalaki talaga ng mga bunganga e.

"Lt niya nakng HAHAHAHAHAHA."

"English english pa kasi, kala niya naman papatalo tayo duh."

Iyan lang naman ang mga naintindihan ko sa usapan nila dahil sabay sabay silang tatlo magsalita.

"Hoy! Iingay niyo labas pa lang ng classroom rinig na agad mga bunganga niyo." Bungad agad ni Kai sa tatlo.

"Talaga? Di namin napansin HAHAHAHAHA." Napailing na lang ako sa sagot ni Gav.

"Ano ba pinagtatawanan niyo? May ginawa na naman kayo kalokohan?" Tanong ko nang makaupo na sila, yung dalawa sa harap namin umupo habang si Pj sa tabi ni Kai.

𝙂𝙖𝙫𝙞𝙖𝙣 - 𝙎𝙚𝙫𝙞𝙚𝙣
𝙈𝙖𝙭𝙞𝙡𝙚𝙞𝙜𝙝 - 𝙆𝙖𝙞 - 𝙋𝙟

So bale ganiyan upuan namin, nasa may bandang dulo kami nakapwesto.

"Wala kami ginawa pero may nakabungguan si Sevien." Iiling iling na sagot ni Pj.

"Sino? Di kasi natingin sa daan kaya dami nakakabungguan e." Sabat naman ni Kai kaya napasimangot si Sev.

"Siya kaya tong di tumitingin sa daan! Nasa gilid na nga kami nabangga pa rin ako tapos siya pa tong galit kasi lumipad daw selpon niya. Bwiset na babaeng yun." Gigil na gigil ang Sevien niyo.

"Ano ba kasi nangyari?" Tanong ko, bagal e di na lang magkwento baka bigla pumasok si Ms. Goddess of Mt. Everest e.

"Habang naglalakad kasi kami papunta dito nagdadaldalan kami tapos nung paliko na kami sa hagdan may biglang babae na sumulpot ayon sumalpok sa katawan ni Sevien pangkdrama nga pagbagsak nila e." May pahagikhik pa ang Gavian sa dulo.

"Pano ba naman kasi, dahil sa bilis ng pagreact ng katawan ko hinila ko sa bewang yung babae tapos kaysa siya yung humagalpak sa sahig inikot ko siya kaya ang ending ako tong bumagasak sa sahig habang siya sa ibabaw ko." Iiling iling na sagot ni Sev.

Ay ay sayang hindi ko nakita yun, edi sana na-picturan ko na hays.

"Naks naman pwede na nga pangkdrama HAHAHAHA." Kai said while chuckling.

"Pero in fairness guys, maganda yung girl sumablay nga lang sa ugali HAHAHAHAHA." Hagalpak naman ni Gav.

Kapal nito.

"Ang sama mo, atleast siya maganda, eh ikaw? Pangit na nga ugali pati ba naman mukha. Pero ano ba ginawa niya sainyo?" Sabat ko matapos kong salpakan ng candy bunganga ni Gav ingay e.

Nagpout pa nga kaya nginiwian ko siya, kala mo cute mukhang asong ulol naman.

"Wala nagenglish english lang, minura pa nga si Sev sabi niya 'bitch, are you blind?!' blah blah." Sagot naman ni Pj may paarte arte pa ng accent e.

"Ay weh? HAHAHAHAHA ano sagot mo Sev?" Ang saya saya naman talaga ng Khaiden.

"Inasar ko lang lalo sabi ko 'hey you! Don't you know that I'm just here not there and everywhere?' tapos ayon may sinabi sabi pa siya bago magwalk out." Pot- ebarg na talaga to.

"Naknam, hindi na kita kilala jusko." Iiling iling na sagot ko na ikinahagalpak nila.

"HAHAHAHAHA c'mon Max! Are you not proud? I make that rude girl walked out!" Tila proud na aniya na nginiwian ko lang.

"Di kinaya mga broken English ni Sev kaya nagwalk out HAHAHAHAHAHA." Sabat naman ni Pj.

"Nakilala niyo ba yung girl?" Tanong naman ni Kai.

UnexpectedWhere stories live. Discover now