Chapter 60

89 3 0
                                    

Chapter 60(IN YOUR ARMS)

Ms. M
Maraming salamat sa inyong lahat guys.



ThirdPersonPoV




HINDI ALAM ni Anaya kung anong problema ni Hector. Nagtataka sya kung anong nais sabihin nito sa kanya na parang nahihirapan pa.
May araw na parang may gusto itong sabihin sa kanya na kakausapin sya pero hindi naman natutuloy. Pakiramdam nya tuloy may tinatago ito na kahit wala naman ba? Kahit nagtatanong na sya kung anong nais sabihin nito sa kanya.
Naiintindihan nya kung wala itong masabi dahil baka wala naman talaga?

Dumaan ang mga araw sa tingin nya ayos naman na ang kalagayan nito.
Naging maayos na kaonti ang mukha nito ngunit naroon parin ang bakas ng pagkaka-aksidente ni Hector. Ngunit ang hindi nya maintindihan kung kailan gagaling ito.
Gusto at nais nyang gumaling ang asawa nya dahil ayaw nyang nahihirapan ito. Kung pwede lang sana wag mahirapan at magawa na nito ang mga bagay na ginagawa nito dati.
Kahit may bumibisita kay Hector at laging inaaalam ang kalagayan ng mga binti nito. Umaasa parin sya na gagaling ang asawa dahil parang mahirap makita na nakaupo ito sa wheelchair.

At dahil ayos naman si Hector hindi naman katulad ng dati ay napagpasyahan nang umalis nila Sir Augustus at Ma'am Solidad.
Dahil bumalik na sa Sweden dahil doon naman talaga ang tirahan nila.
At kahit ganoon talaga ang buhay naiiwan na lang si Hector at sya.
Dahil sa tingin nya umalis na rin si Hendrick at asawa nito patungo sa Sweden at akala nya mananatili pero hindi pala.
At nabanggit sa kanya ni Hector na gusto nitong sumunod doon dahil doon na lang daw sila titira siguro wala pang kasiguraduhan kung kailan.
Dahil buntis sya at nag-aaral pa. Parang ayaw nga sana ni Hector na mag-aral sya dahil buntis sya pero sinasabi naman nyang ayos lang sya at kaya pa naman nya.

Kaya naman nya at kakayanin sa kanila ng lahat. Na minsan hindi maiwasan malungkot dahil wala na ang kanyang ama.
Paano nya iiwan ang bansang ito kung naroon ang alaala ng kanyang ama? Paano ba mabuhay na wag malungkot? Hindi na lang nya sinasabi kay Hector ang kanyang nararamdaman dahil ayaw nyang mag-alala ito.

"Aalis na ako." sabi nya kay Hector na nakatingin lang sa kanya habang seryoso ito.
Hindi nya alam kung anong iniisip nito habang nakatingin sa kanya.

Nakaupo ito sa wheelchair na nakasanayan na nito.

"Wala ka bang sasabihin? Aalis na ako ah? Ingat ka rito. May kasama ka naman si Ate di ba? Hindi ka naman magugutom. Tawagin mo na lang sya pag may kailangan ka dahil wala ako rito dahil nasa school ako." sabi nya kay Hector na habang nakatingin sa kanya.

Napangiti na lang sya at napabuntong hininga na lamang. Agad syang lumapit dito at hinalikan ang labi nito saglit kaya napakurap kurap ito.
Humiwalay sya rito.

"What?." tanong nito sa kanya.

Napangiti sya sa tanong nito.

"What? Hinalikan kita dahil aalis na ako patungo sa school diba?." tugon nya rito.

"Okay, take care of your self. Lagi kang mag-iingat kung hindi lang sana ako ganito maihahatid kita sa school nyo. But the driver is there to pick you up and pick you up from school. Always wait for him and wag kang sasakay sa iba. Always wait for him. Is it clear? While I'm not good yet, sya ang maghahatid sayo.."sabi sa kanya kaya napatango tango naman sya.

"Yes Sir naintindihan ko po." tugon nya rito.
Ngumiti ito sa kanya ngunit tipid.
Sumenyas ito na lumapit sya rito at tiningnan ang kanyang suot bago nakatingin sa kanya tiyan.
Lumapit sya rito. Hinawakan nito ang kanyang tiyan na may konting umbok na nga lang.

"Pati si baby alagaan mo sya. You will always remember that I love you so much. You are my family now. I hope you don't leave me Anaya." seryoso nitong sabi sa kanya. Natawa na lang sya dahil sa lagi nitong sinasabi sa kanya nasanay na sya. Nasanay na syang sabihin nito na wag nyang iiwan ito at bakit naman nya iyon gagawin? Asawa na nga nya ito diba?

IN YOUR ARMS Where stories live. Discover now