Chapter 58

87 3 0
                                    

Chapter 58(IN YOUR ARMS)





ThirdPersonPoV


"Buo na ba talaga ang desisyon mo Anaya? Hindi ka ba nabibigla?." tanong sa kanya ni Sir Augustus na habang nakatingin ito sa kawalan.
Tinawag lang sya nito at nagtungo sya hardin kung saan naroon ito. Hindi nya alam kung anong sasabihin ni Sir Augustus pero nagtungo na lang sya para makausap ang naging ama nya na si Augustus.

Napatingin sya kay Sir Augustus at tipid na ngumiti ngunit malungkot na umiwas ng tingin.

"Opo Dad.." tugon nya rito.

Mahabang katahimikan ang nabalot sa kanila. Alam naman nya kung bakit pero iyon ang totoo.
Tumikhim ito at napabuntong hininga.

"Nasabi sa akin ni Hector na gusto mong umalis dito sa lugar na ito. Hindi ba nabibigla ka lang iha?." tanong nito sa kanya kaya napatingin na lang sya sa kawalan.
Mahirap man isipin pero iyon ang totoo dahil hanggang ngayon narito parin iyung sakit na kanyang nararamdaman.
Paminsan minsan naiisip nya ang kanya ama at ina na iniwan na lamang sya.
Ulila na sya at ang naging asawa na lang nya at naging bagong pamilya nya na lang ngayon.

"Dad, buo na po ang pasya ko kung saan man ako dadalhin ni Hector. Dahil hindi ko lang po talaga kaya na manatili sa lugar na ito kung lagi kong naalala ang mga magulang ko. At saka wala naman na po akong maiiwan dito. Iyung kaibigan ko po umalis naman na kaya wala na sigurong maiiwan pa. "tugon nya rito kahit malungkot ang bawat sinasabi nya.
Masakit parin sa kanya at hindi maalis sa kanya iyon?

"Paano ang pag-aaral mo iha? Diba malapit ka ng matapos baka pwede mong tapusin mo muna." sabi nito sa kanya kaya napatingin sya rito.

"Lilipat na lang po ako ng school Dad. Alam po iyon ng anak nyo. Mag-aaral parin po ako kahit buntis po ako. Saka mas masasaktan parin po ako kapag dito parin ako sa lugar na ito. Siguro mas mabuting umalis na lang po. "tugon nya kay Sir Augustus.

Napatingin ito sa kawalan at napabuga ng hangin. Napaiwas na lamang sya ng tingin at hindi mapigilan ang sarili na wag malungkot.

"Kung iyan ang gusto mo susuportahan kita. Pero sana sa bawat araw lagi mong maintindihan ang anak ko Anaya. Sana manatili ka sa tabi nya." sabi ni Sir Augustus.

"Po?." taka nyang tanong dito pero hindi ito makatingin sa kanya.

"Sana matanggap mo sya sa buhay mo ng buong buo at wag mo syang iiwan." sabi ni Sir Augustus habang hindi parin nakatingin sa kanya.
Napatango tango na lamang sya dahil sa sinabi nito.

"Opo Dad.. Hindi naman po iyon mangyayari." tugon nya at napahinga na lamang ng malalim.

Mahabang katahimikan ang mamayani sa kanila at hindi na lamang sya ng nagsalita pa.
Hanggang sa tinapik sya nito sa kanyang balikat at nagpaalam na mauuna nang pumasok sa loob.

Napahinga na lamang sya ng malalim at malungkot na tumingin sa kawalan.
Napahaplos pa sya sa kanyang tiyan na nararamdaman nyang lumalaki na pala. Hindi magtatatagal mahahaplos na nya ang kanyang tiyan na malaki na. Kahit mahirap pero iyon yata ang ginagampanan ng isang nagiging ina ang magluwal ng sanggol.

Napangiti na lamang sya ng malungkot habang hinahaplos ang kanyang tiyan. Ayaw nyang may mangyaring masama sa kanyang anak kaya pinipigilan nya ang kanyang sarili na umiyak at damdamin ang mga nangyayari sa kanya. Pero kahit ganoon hindi parin nya maiwasan at minsan nakikita nga ang kanyang sarili na pilit pinipigilan ang sarili na umiyak.

Napasinghot sya at dahan dahang pinahid ang butil ng luha sa kanyang mga mata na hindi na napagilan pa. Tumingin sya sa langit at para hindi mahulog ang luha sa kanyang mga mata.

IN YOUR ARMS Where stories live. Discover now