Chapter 28

120 2 0
                                    

Chapter 28(IN YOUR ARMS)

Ms. M
Salamat sa lahat. Gusto ko lang sabihin na ang pag-aasawa ay hindi minamadali. Dahil ito ay sagrado. Tnx 👇..😄

ThirdPersonPoV

"Maghiwalay na tayo Anaya." unang salitang binitawan ng isang taong naging mahalaga sa kanya.
Hindi makapaniwala si Anaya habang nakatingin kay Arthur habang nasa loob ng gate ito.

Pinuntahan pa sya nito matapos ang isang araw. At ngayon na andito na sya hindi nya alam ang kanyang sasabihin dahil sa binitawan nitong salita.

"Arthur? Anong pinagsasabi mo? Nagbibiro ka lang diba?." hindi sya makapaniwalang tanong nya rito dahil hindi nya alam kung totoo ba talaga ito?

Napabuntong hininga ito ngunit umiwas ng tingin sa kanya. Napabuntong hininga na lamang sya at gusto nyang makita ang mukha nito.

"Arthur? Anong ibig mong sabihin?." taka nya pang tanong dito bago hinawakan nya ang braso nito dahil nagugulat sya sa sinasabi nito sa kanya. Pumunta lamang dito sa bahay ngunit ito ang kanyang maririnig mula kay Arthur.

Tumingin ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay bago malungkot na tumingin sa kanya.
Habang hindi nya alam kung anong drama ito at baka nabingi lamang sya.

"Gusto ko ng makipaghiwalay sayo Anaya. Tapusin na natin kung anong mayroon sa atin dahil alam kong hindi tayo para sa isat isa. Kalimutan mo na iyong mga pangako ko sayo na papakasalan kita dahil nagsisinungaling lang ako noon. Wala akong maibibigay na magandang buhay sayo. Isa lang akong nagtatrabaho dito sa Hacienda. "sabi nito sa kanya habang malungkot ang mga mata nito.

Hindi sya makapaniwalang nakatingin sa mga mata nito at parang nabingi yata sya sa mga binitawan nito.

"Nakikipaghiwalay ka na sa akin? Bakit? Sa anong dahilan? Bakit? Ano ba ito? Nagbibiro ka diba?." hindi sya makapaniwalang napatingin dito ngunit umiwas lamang ito ng tingin ngunit nakita nya ang nangigilid nitong luha.

Binitawan nito ang kanyang kamay bago tumingin sa kawalan.
Habang hindi nya alam kung anong mararamdam nya kundi nasasaktan sya sa sinasabi nito sa kanya.

"Totoo iyon Anaya. Gusto ko ng makipaghiwalay sayo sa ayaw at sa gusto mo. Tapusin na natin ang kung anong namamagitan sa atin. Dahil alam kong talong talo na ako.." sabi nito sa kanya kaya napaluha na lamang sya sa unang pagkakataon.
Para sa lalaking unang lalaking tinanggap nya.

Hindi nya alam kung dahil ba ito sa kasalanan nya? Dahil parang nagtaksil sya kay Arthur.
Nakatingin lamang sya rito habang hindi makapaniwala.

"Bakit? Bakit mabilis kang sumuko? Akala ko ba mahal mo ako?." tanong nya rito ngunit hindi man lang ito tumingin sa kanya.

"Wag ka ng umasa pang mahal kita Anaya. Nawala na ang pagmamahal ko sayo. Kaya tanggapin mo na lang. May mga bagay talaga at taong kailangan pakawalan dahil hindi pwede. Dahil masasaktan lang. Talong talo na ako Anaya.." tumingin ito sa kanya at nakita na ang pagbuhos ng luha nito.

Nakita nya kung paano ito umiyak at alam nyang nasasaktan ito.

"Ayaw ko ng ipagpatuloy kung anong mayroon sa atin. Talong talo na ako una pa lang. Walang akong maibibigay na magandang buhay sayo kung ako ang makatuluyan mo.
Marahil wala kang alam ngunit gusto kong malaman mo na lalaki akong nasasaktan din Anaya. Tumingin ka sa paligid mo at doon mo na lang itutok ang sarili mo wag sa akin.
Dahil tama nga sya, magiging impyerno ang buhay ko kapag patuloy akong lumapit sayo. "sabi nito sa kanya habang lumuluha.

Hindi nya mapigilan ang kanyang sarili na umiyak habang nakatingin kay Arthur. Pakiramdam nya ay nasasaktan sya sa mga sinasabi nito.

"Isinawalang bahala ko ang lahat Anaya dahil mahal kita. Pero sa pagkakataon ito mas marapat na pumili ako sa ikabubuti natin. Dahil iyon ang dapat. Kung sakalin man malaman mo ang lahat wag mo ng balakin na lumapit sa akin dahil masasaktan ako. Pinapaubaya na kita sa kanya dahil alam kong wala akong laban. Kahit mahirap para sa akin ito pero para lang din ito sa kabutihan natin.. "sabi pa nito sa kanya bago pinunas nito ang luha sa mga mata nito.

IN YOUR ARMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon