Chapter 20

173 2 0
                                    

Chapter 20(IN YOUR ARMS)



ThirdPersonPoV

Pagbaba pa lamang nya mula sa kanyang kwarto ay nakangiti na si Sir Augustus sa kanya. Hindi nya alam kung anong magiging reaksyon nya dahil pinapatawag sya nito dahil hindi nya alam baka mayroon lang sasabihin sa kanya.

"Dad? Ano pong sasabihin nyo?." tanong nya rito bago naupo upuan kaharap ito. Ngumiti ito sa kanya bago nagsalita.

"Si Hector gustong umikot dito sa Hacienda. Pwede mo ba syang samahan? Dahil tingin ko gusto mo rin umikot habang wala ka naman ginagawa sa bahay." sabi nito sa kanya kaya napangiti na lamang sya hind makapaniwala.

"Po? Ano po?." inulit nya pa kahit alam nya na iyon ang sinabi nito sa kanya ngunit hindi lang talaga sya makapaniwala sa sinabi nitong si Hector?

Napangiti ito bago inulit nito

"Si Hector, pwede mo ba syang samahan? At ngayon lang sya iikot baka may oras ka para samahan sya? Bibisitahin din yata ang mga magsasaka dito sa hacienda." sabi nito sa kanya kaya napatahimik sya.

Dahil ang totoo ayaw nyang makasama si Hector dahil kakaiba ang taong iyon. Akala nito hindi nya masyadong naiintindihan ang sinabi nito pero oo. Naiintindihan nya ito ngunit galit ba ito sa kanya? Kahit pakiramdam nya kalmado ito ngunit kakaiba ito. Ang mas mabuti na lang umiwas pero bakit magpapasama pa sa kanya? May mga tao naman dito sa bahay bakit sa pa ang sasama?

"Dad? Ano po kasi." hindi na sya natapos nyang magsalita ito.

"Ayaw mo ba? Wag kang mag-alala hindi ka naman mawawala basta kasama mo si Hector. Saka ngayon lang naman ito. Pagbibigyan mo ba ako?." sabi nito sa kanya kaya napilitan na lamang syang ngumiti bago tumango na lamang.

"Nagpapasama po ba sya sa akin? May iba naman po yatang makakasama si Hector? Dad?." gusto nya talagang wag makasama ito. Kaya kung maaari wag na lang baka kung magalit ito patayin na lamang sya lalo na at nakita nyang may baril ito.
Hindi parin sya tiwala sa taong iyon lalo na at hindi yata alam ni Sir Augustus ang ginawa ng anak nito.

"Ayaw mo ba talagang makasama ang anak ko? Nagpapasama sya sayo dahil gusto ka nya yatang makasama. Sige na.,gusto ko syang samahan mo sya. Pwede ba iyon? Kahit para sakin na lang Anaya.." sabi nito sa kanya kaya wala syang nagawa kundi tumango na lamang.

Dahil mukhang gusto talaga ni Sir Augustus na makasama nya si Hector na nagpapapasama sa kanya? Anong kakaibang gamot ang nainom nito bakit gusto syang makakasama?
Totoo ba talaga iyon?

"Sige na magbihis ka muna dahil mamaya bababa na iyon." sabi nito sa kanyang kaya napangiti na lamang syang tumayo bago umalis sa harapan nito bago umakyat na lamang sa taas.
Bago tamad na tamad pa syang magpalit ng damit.
Nakapantalon sya at maluwang na t-shirt dahil pupunta sila sa lugar labas ng bahay na ito. Itinali na rin nya ang kanyang buhok bago naisipan na lamang nyang lumabas.
Kahit ang totoo ayaw nya talaga makasama si Hector dahil kakaiba ang taong iyon. Normal ba talaga ang mga mata nitong malamig? Simula ng dumating sya sa bahay na ito hindi man lang nya nakitang ngumiti ito sa kanya. At kung ayaw nito sa kanya wala rin syang pakialam basta nanahimik ang tulad nya at wag lang syang istorbohin.

Parang ayaw gumalaw ng kanyang paa habang pababa sa hagdanan. Parang ayaw nyang sumama kay Hector dahil hindi nya maintindihan ito. Ngunit naglakas loob na laman syang bumaba na walang agam agam dahil kung ito mismo ang nagyaya sa kanya. Anong gagawin ba nito sa kanya? Gagawin alalay? Wag na lang.

Napangiti na lamang syang tipid ng makitang naroon si Hector na parang may kausap ito sa phone. Wala si Sir Augustus siguro dahil may importante naman pinuntahan.

IN YOUR ARMS Where stories live. Discover now