Chapter 35

138 3 0
                                    

Chapter 35(IN YOUR ARMS)

Ms. M
Maraming salamat sa inyong lahat. Gusto ko lang sabihin na.
"Bilang isang ina o ama maging malapit kayo sa inyong mga anak. Magkaroon kayo ng oras sa kanila kahit sa tingin nyo maayos lang sila.
Magtanong kayo sa kanila kung anong problema o ano ang nangyayari dahil minsan ang inyong mga anak may nangyayaring masama kagaya ng napapanood sa mga balita. "😃🙂

-au revoir. Bye!

ThirdPersonPoV



HIYA ANG NARARAMDAMAN ba ni Anaya? Hindi nya alam kung maiinis sya pero hiya ang kanyang nararamdaman. Dahil naalala nya ah mga katangahan nyang nagawa kay Hector? Habang kasama ito at hindi naman nya alam kung ano bang magandang gawin para harapin ito?
Hindi lang nya talaga maintindihan kung bakit nagkakaganoon sya? Alam nya sa kanyang sarili na parang nagbago lalo na kung paano nya ito titigan habang nasa gitna ng ulan. Kung paano nya hangaan ang kagwapuhan nito? Dahil ngayon lang ba nya nakita ang mukha nito? Iyong mukha ba nitong laging galit noon? Mukhang galit kung tumingin nga lang pero hindi naman nanakit?
Maraming nagawa si Hector sa kanya noon pero matagal na iyon? Nagbago na ba talaga ito?

At ngayon hindi nya alam kung paano ba nya haharapin ito? At kung maari iiwas na lang sya pero walang silbi dahil hindi sya makakaiwas dito?
Sa daming ginawa nyang kahihiyan sa buhay nya. Nagawa nya pang yakapin ito na para bang wala lang? Eh kung pagsalitaan nga nya ito.

Dapat magalit sya pero bakit biglang nagbago? Parang hindi na ba sya nagagalit dito? Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili. Pakiramdam nya isang katangahan ang lahat.

Kanina pa sya paikot ikot sa loob ng kwarto. Matapos nyang maligo dahil nabasa sya. At nakakahiya pa roon dahil nilabhan na lang nya ang jacket nito. Dahil nagkaroon sya at walang preno talaga ang bibig nito. Hindi ba ito nahiya na sabihin na lang iyon sa harapan nya? Alam nyang kakaiba talaga pero para saan pa? Nakita naman yata na nito ang katawan nya?

Magagalit ba sya roon pero? Kinikilabutan na lamang sya kapag naiisip iyon. Paano kaya kung magkaroon sila ng anak? Ang ibig nyang sabihin ay gustong magkaanak sila ni Hector.
Dahil ba matanda na ito? Dahil wala pang apo si Sir Augustus? Pero andyan naman si Hendrick para pagbigyan ang gusto ng ama nito.

Pero kung sa kanila ba? Kakayanin kaya nya? Malaki ba si Hector? Hindi naman na sya tanga sa ganoon pero tinuro nga kasi. Kung paano gumawa pero wala sa isip nya iyon. Pero parang gusto talaga si Sir Augustus na magkaanak silang dalawa? Paano na lang ang mararamdam nya? Hindi biro ang magkaanak at parang hindi nya kaya.
Wala sya isip nya iyon? Pero kung iniisip nya iyon wala ngang namamagitan sa kanila.
Dahil hindi naman talaga sya nito mahal.
Dahil ganoon din sya? Dahil ang lahat ng iyon ay kagustuhan lang ni Sir Augustus.

Napabuntong hininga na lamang sya bago lumakad lakad sa loob ng kwarto. Kinuha nya ang suklay dahil hindi nya pala napansin na hindi pa pala sya nakakapagsuklay dahil naiisip nya ang mga nangyayari..

Umupo sya upuan at humarap sa salamin para magsuklay sana pero napatigil sya ng may kumakatok sa pintuan kaya agad syang nagtungo para tingnan kung sino ang kumakatok.

Nagulat pa sya ng buksan nya ang bawat pintuan at hindi nya inaasahan na makikita nya ito sa tapat lang ng pintuan nya.
Seryoso ang mukha nito habang nakatingin lang sa kanya na parang naghihintay lang itong magsalita sya.
Sya naman ay hindi maintindihan kung bakit napatitig na lamang sya rito.
Basa ang buhok nito na amoy na amoy nya ang amoy nito.
Bagong ligo ito na mukhang fresh talaga ang hitsura nito.

Napalunok na lamang sya bago umiwas ng tingin.
At parang hindi yata sya magkapagsalita at nanunuyo ang kanyang lalamunan. Pakiramdam nya ay nagiging tanga na sya.

IN YOUR ARMS حيث تعيش القصص. اكتشف الآن