Chapter 23

140 1 0
                                    

Chapter 23(IN YOUR ARMS)

ThirdPersonPoV

PAG-IIWAS lamang ang tanging solusyon para kay Anaya matapos ang lahat ng iyon. Hindi nya makalimutan kung paano sya nito halikan sa kanyang balikat. Si Hector? Gusto nyang isumbong ngunit parang tikom ang kanyang bibig sabihin iyon.
Parang may nagawa syang mali kay Arthur. Parang nakagawa sya ng mali dahil dumampi lang ang labi nito sa kanya balikat na walang nangyayari sa kanya ng ganoon sa iba. Hindi nya alam kung bakit ganito sa kanya si Hector hindi naman nya nagawang magsumbong dahil parang hindi nya kaya. Dahil ang gusto lamang nya ay makapag-aral ngunit bakit ganito ang bahay na kanyang tinitirhan? Maayos na sana kung hindi nya nakilala si Hector. Maayos sana kung si Sir Augustus lang pero hindi lang talaga nya maintindihan kung bakit ganito.
Kung bakit ganito ba talaga ang magiging buhay nya habang kasama si Hector? Kung maaari ayaw nya at wag na lamang intindihin.

"Akala ko iha natutulog kana? Hindi ka man lang nakihalubilo sa mga tao sa labas." sabi sa kanya ni Sir Augustus habang kumakain ng hapunan. Nasa alas diyes na ng gabi pero kumakain pa lang sila. At nakikain na lamang sya dahil hindi sya kumain kanina habang may mga bisita sa bahay.

Ngumiti sya rito ng tipid.

"Ah Pasenya na po Dad hindi lang talaga nya ako sanay makihalubilo sa mga tao lalo na kung hindi ko kilala." tugon nya rito kaya napatango tango ito.

"Ayos lang iyan pero kailangan mo rin sanayin ang sarili mo lalo na at ilang araw na lang papasok ka nasa paaralan."sabi nito sa kanya habang nakakatingin sa kanya kaya napatango tango na lamang sya ng dahan dahan bago kumain na lamang ng pagkain.

"Oh kain ka pa. Maraming ulam na ipinaghanda ko lalo na at may lechon pa." sabi nito sa kanya kaya tipid syang ngumiti rito. Bago nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Nagkulong lang talaga sya sa loob ng kanyang kwarto ng makita nya si Hector na malamig ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Ayaw nyang makita ito kung maaari dahil hindi nya kaya. Kaya mas mabuti na lamang na wala si Hector habang kumakain sya.

Nagpatuloy na laman sila sa pagkain habang paminsan minsan ang pagtatanong sa kanya ni Sir Augustus sa kanya kaya tipid lamang sya kung magsalita na hindi naman yata nito pinapansin.

"Gilda? Nasaan si Hector bakit hindi pa sya bumababa? Hindi ba sya kakain?." maya mayang tanong ni Sir Augustus sa kasambahay kaya napatigil sya.
At napatingin kay Ate Gilda na may dala itong juice dahil nagpatimpla si Sir Augustus.

"Naku sir hindi ko po alam pero mukhang lasing ata si Senyorito. Kaya walang balak bumaba." tugon nito kay Sir Augustus kaya napapikit na lamang ito.
Natahimik na lamang syang nakikinig sa usapan dahil tapos naman sya at umiinom na lamang ng tubig.

"Ano na naman ang problema ni Hector? Lasing? Hindi ba maalis alis sa buhay nya ang alak?." napapikit na lamang ito.
Napalunok na lamang sya ng ilang taon beses.

Napatingin sa kanya si Sir Augustus kaya nagtataka na lamang sya.

"Iha? Pwede mo bang puntahan si Hector sa kwarto nya? Tingnan mo kung lasing o baka wala lang talagang balak kumain." sabi sa kanya ni Sir Augustus kaya lumaki ang kanyang mga mata.

"Ho? Ako po? Pwede si Ate Gilda na lang?." bago sya napatingin kay Ate na nagtataka naman napatingin sa kanya na aalis na yata ito.

Pero napangiti na lamang sya ng tipid ng mapagtanto ang kanyang sinabi.
Dahil parang ayaw nya talaga at baka magalit sa kanya si Sir Augustus dahil parang sinasabi nyang ayaw nya. Dahil iyon ang totoo.

Matiim na nakatingin sa kanya si Sir Augustus bago tumango tango na lamang.

"Ayaw mo ba? Baka kung ikaw ang pupunta kakain iyon. Pwede ba Anaya?." sabi nito sa kanya kaya napangiti na lamang sya ng tipid bago tumango.

IN YOUR ARMS Where stories live. Discover now