"T-travis."

"Bakit bumangon ka na? Dapat nagpapahinga ka pa. Makakasama sa kalusugan mo ang pagiging pasaway mo, Arissa."

"P-pero... nagugutom na ako. Saka okay naman na ang pakiramdam ko. Sinat lang 'to."

"Sinat? Go back to bed, now! Dadalhin ko na lang dito ang pagkain mo."

"P-pero—"

"No more buts and do what I say!" Saka n'ya ako tinalikuran at bumalik sa ibaba.

Wala naman akong nagawa kundi ang bumalik sa kama at humiga. Nakaramdam na naman kasi ako ng pagkahilo at medyo hinahalukay din ang sikmura ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang makaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan.

Napatakbo ako sa banyo at doon sumuka. Pero wala namang lumalabas, dumidigwa lang ako pero walang lumalabas.

Naghilamos ako at nagmumog para mahimasmasan. Napasandal ako sa dingding habang hinihingal. Sobrang sama ng tiyan ko, ano bang nakain ko?

"Arissa? Where the hell are you?"

Sumilip ako sa pintuan ng banyo ng marinig ang malalim na boses ni Travis.

"N-nandito ako. Sa banyo."

Nagmamadaling ibinaba nito ang tray na may lamang pagkain sa gilid ng kama saka ako nilapitan. Inalalayan n'ya akong maglakad papunta sa kama.

"What happened? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo? Dapat kasi hindi ka muna bumangon kung masama pa ang pakiramdam mo."

Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko na lang s'ya sa kanyang ginagawa.

Kinuha nito ang tray saka iyon nilagay sa harapan ko. Pero nang maamoy ko ang pagkaing naroroon, napatayo ako at napatakbo pabalik ng banyo. At doon ko muling ibinuhos ang sama ng aking sikmura at tiyan.

Naramdaman ko ang marahang paghagod ni Travis sa aking likuran habang sumusuka ako sa lababo.

"Hey, do you feel something in your tummy?"

"Ang baho ng pagkain. Papakainin mo ba ako ng panis?"

"What? What are you saying? Why would I do that? And besides, kaluluto lang ng sopas kaya bakit babaho iyon? What's happening to you, Arissa?"

Nakapikit na sumandal ako sa sink bago umiling.

"H-hindi ko rin alam. Basta mabaho ang pagkaing dinala mo. Ayoko n'yan. Hindi ako kakain, matutulog na lang ako," aniya ko saka naglakad palabas ng banyo at ibinagsak ang sarili sa kama.

Hindi ko na pinansin pa ang mga sinasabi ni Travis hanggang sa makatulog na naman ako.

IT'S BEEN two days since I lost my apetite in food, madalas din ang pagsusuka ko lalo na sa umaga at palagi rin akong inaantok. Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa katawan ko.

Kapag hindi ko nagustuhan ang amoy ng pagkain o kahit makaamoy lang ako ng pabango na hindi ko gusto ang amoy, madali akong mairita. Minsan pa nga ay parang mas boss pa ako kay Travis dahil sa inaasta ko, na hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng tapang ng loob sa mga pinaggagawa ko.

Napaiinitan ko rin si Travis kapag nasa mood ako. Pansin ko rin ang mabilis na pagbabago ng aking mood. Minsan masungit, minsan naman masaya na akala mo'y hindi na mapapatigil sa pagtawa. Kahit hindi naman nakakatawa ang pinapanood ko sa laptop, bigla na lang akong tumatawa o umiiyak.

Mas nagiging emotional din ako.

Kahit na kaonting bagay lang o salita mula kay Travis ay umiiyak ako kahit hindi ko alam kung bakit. Minsan naman kapag sweet sa akin ang lalaki ay sobrang saya ko na parang gusto kong magsimbang bigla at ipanalangin na sana huwag muna s'yang kunin ni Lord. At may pagkakataon din na nagtungo ako sa hacienda ng mag-isa at nagsagawa ng handaan kahit wala namang may kaarawan o pagtitipon.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon