CHAPTER 44

1K 36 0
                                    

CHAPTER 44

WALANG trabahong ibinigay si Sir Boss sa akin. At wala rin s'yang work today dahil kahapon pa lang ay naayos na lahat ng dapat ayusin sa Azula Hotel maging sa iba pa nilang company.

He even gave his employees a vacation trip. Dalawang linggo na bakasyon kung saan man ng mga ito gustong pumunta, together with their families. Si Travis na rin ang gumastos sa lahat ng expenses ng bawat pamilya ng kanyang employees, tanging mga sarili na lang nila ang kani-kanilang dala para sa bakasyong iyon. Kaya nga tuwang tuwa sina Kuya Migs at maging sina Yna nang malaman ang balitang iyon. Kahapon pa lang ay ready to go na ang mga ito sa kanilang vacation trip.

Nagulat nga rin ako nang malaman na binigyan n'ya ng plane ticket ang mga kapatid ko, even Alexis, para sa trip to Seoul next week. He invited Alexis para raw may kasama sina Moneth at Ranz na bumyahe palabas ng bansa. Sayang nga lang kasi hindi nila ako kasama. But then Travis promise me na sa susunod ay kasama na ako ng mga kapatid ko sa trip. And I decline the offer.

Jusko naman. Bakit naman may susunod pa? Hindi ko kayang tanggapin iyon lalo na at ang mahal-mahal kaya ng gastos n'ya sa lahat tapos may susunod pa?

Grabe, sobrang yaman talaga nila.

Kahit nga yata hindi na sila gumawa o magtrabaho may pera pa ring darating sa kanila ng walang kahirap-hirap.

Aasawahin ko na talaga 'tong boss ko eh. HAHAHA! Why not, 'di ba?

"May tanong ako," I asked them.

"Go on, crazy witch," Sage answered.

"Bakit ang puputi n'yong mga bampira? Uminom ba kayo ng gluta bago kayo naging isang ganap na bampira?"

"GLUTA? The heck with that?"

"Oo, gluta. 'Yong iniinom o tinuturok ng mayayaman para pumuti sila."

"You're really one of a crazy witch eh? It's normal for each one of us to be pale like this. Our body is dead but our soul and mind are alive. Anong gluta ang pinagsasabi mo?"

Tumango-tango naman ako. Malay n'yo naman 'di ba?

"May tanong pa ulit ako."

"What is it this time, Dollface? Make sure that it has sense, alright?" Si Tyron naman ang sumagot habang nakatutok na naman ang paningin sa cellphone ko.

"Kapag ba ang mga black american naging bampira, puputi rin sila?"

Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong living room. Pero agad ding nabasag iyon dahil sa pagkahulog ng ilang libro ni Sage na nasa ibabaw ng mesa. Laglag ang pangang napatulala ito sa kawalan. Umirap naman si Tyron sabay hagis sa akin ng cellphone ko. Mabilis ko naman iyong nasalo.

"I'm outta here! Masisiraan ako ng bait kapag nagtagal pa ako rito."

At naglakad nga paalis ng living room si Tyron. Si Sage naman ay tamad na nahiga sa sofa sabay tabon ng libro sa mukha.

Nakita ko naman ang pag-iling ni Travis habang tutok pa rin ang paningin sa laptop.

"What? Bawal bang magtanong?"

Walang sumagot. Bumangon si Sage saka walang pasabing umalis. Naiwan naman kaming dalawa ni Travis. Wala akong mapapalang matino sa lalaking ito kaya nagcellphone na lang ako.

"OH MY GOD!" Malakas kong bulalas ng makita kung anong laman ng gallery ko.

"WHAT? What happened?"

Nakaawang ang labi at hindi makapaniwalang hinarap ko kay Travis ang cellphone ko. Puro mukha ni Tyron ang nakasave sa gallery ko, at hindi lang iyon, may ilang pictures din na wala itong suot na pang-itaas kaya naman kitang kita sa larawan ang hubad nitong katawan.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon