CHAPTER 48

1K 39 1
                                    

WARNING!

MATURED CONTENT | RATED-18

Patnubay at gabay ng nakatatanda ang kailangan. Maaaring may tema, eksena at lengwahe na hindi naaangkop sa mga batang may inosenteng isipan.

Pero kung wala namang nakatingin at hindi mo ipapaalam, baka pwede naman. Basta may warning, mas exciting. Charot~

READ AT YOUR OWN RISK!


CHAPTER 48

"DAMN YOU, THIRD!"

Umalingawngaw ang malakas at galit na baritknong boses ni Travis sa buong kabahayan.

Napasigaw ako sa gulat nang sa isang iglap ay nasa harapan na ni Sage si Travis. At walang sere-seremonyas na kwenilyuhan nito ang pinsan at malakas na hinagis sa pader.

"WHAT HAVE YOU DONE, THIRD?! I told you earlier that don't f*cking go home, right? AND YOU DIDN'T LISTEN!"

One word.

Scary.

I haven't heard Travis' voice this way before. Masungit at mabilis s'yang mairita, oo. Masakit din s'yang magsalita kapag naiinis na at the same time kapag nang-aasar. Pero ibang iba na kapag nagalit na talaga s'ya. He's way different when he pissed and that's scary.

But right now, he's pissed but calmed.

And that's more scarier.

May posibilidad na hindi mo s'ya mapipigilan sa kung ano man ang kanyang gagawin kung sakali.

Nagsumiksik ako sa kabilang side. I'm scared, yeah! But I'm not scared because of Travis. I'm just scared of what might have happened between this two.

Gusto kong pigilan kung ano man ang maaaring mangyari. Pero baka ako naman ang madamay. Wala akong laban sa mga bampirang katulad nila. I'm just a normal human here.

Hinablot muli ni Travis ang kwelyo ng pinsan at walang kahirap-hirap na iniangat nito ang lalaki pasandal sa dingding.

Nagpumiglas si Sage pero mas malakas sa kanya si Travis.

Anong gagawin ko?

Nagkakasakitan na sila.

"Nawarningan ko na si Sec last time. And now, here you are."

Travis chuckled. Nakangisi itong mas hinigpitan pa ang pagkakasakal kay Sage. Ngunit agad ding nawala ang ngisi nito at napalitan iyon ng masamang tingin.

"WHAT'S MINE, ONLY MINE!"

Napasigaw ako sa gulat ng hinagis ni Travis si Sage sa living room. Parang papel na tinapon lang n'ya ang pinsan at tila hindi manlang nahirapang gawin iyon. Akala mo'y isang magaang bagay na inilipad ng hangin si Sage pabagsak sa ibaba.

Mabilis na tumayo ako at nag-aalalang dinungaw ang pinagbagsakan ni Sage.

Nang makita ko s'yang nakatayo na ito habang nagpupunas ng dugo sa pisnge. Nasugatan yata ng mesang gawa sa kahoy na pinagbagsakan n'ya.

"S-sage..."

Kahit papaano'y nag-aalala pa rin ako kahit na takot na takot ako sa kanya kanina.

Nang nag-angat ng tingin si Sage ay nakangisi na ito. Wala na rin ang sugat na natamo sa pagbagsak kanina.

Ano bang aasahan ko, hindi nga pala sila ordinaryong tao. Kahit pa magrambulan sila maghapon ay wala lang sa kanila ang sakit ng katawan na matatamo. O baka nga hindi rin sila nasasaktan kahit pa hampasin ng kahoy at bakal. O kahit itapon at tumama pa ang katawan sa kung saan ay ayos lang.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now