CHAPTER 16

1.1K 41 1
                                    

CHAPTER 16

I DON'T think this will be a good idea. Me? With this two? I don't think it'll be great.

I don't know, I just felt it.

Or is it just me?

Though I don't know what's bothering me, really. Minsan ko lang kasi sila nakasama at napakaikling oras pa iyon. Maiilang pa ako syempre.

Pero siguro katulad sa isa nilang pinsan, kailangan ko na lang din mag-adjust. Ngayong gabi lang naman at bukas. Sa Sunday ay darating na rin naman si Sir Boss.

At isa pa, dito sila nakatira sa mansion kaya kailangan ko talagang makitungo ng maayos sa dalawa. Sasanayin ko na lang ang sarili ko na makakasama ko ang tatlong Cordova dito sa mansion.

"Kanina pa kayo?" I asked them.

"Ah, not really?" Patanong na sagot ni Tyron. Napaismid ako.

Anong oras na ba?

Nilingon ko ang wall clock na nasa living room.

1:30 am na pala?

"Kumain na ba kayo? Baka kasi nagugutom kayo, ipagluluto ko kayo ng pagkain. Steak lang din ba ang kinakain n'yo? Eh red juice?" Sunod-sunod kong tanong.

Umiling iling si Tyron sabay upo.

"Don't bother Dollface. We're good. Ikaw? Bakit gising ka pa? Did we really disturbed your sleep?"

"A-Ah... H-Hindi naman. Naalimpungatan lang ako kaya ako bumangon."

Napatingin ako kay Sage nang patunugin nito ang dila. Paulit-ulit na parang naglalaro lang.

Nakakairita ang tunog no'n, pramis. Pero hindi ko pinahalata.

"It looks like you're also the one who cooked Travis' meal, am I right?" May inis sa boses ni Sage ng itanong n'ya iyon.

Tumango ako. "O-Oo. B-Bawal ba? Utos n'ya kasi eh. Baka tanggalin ako sa trabaho kapag sinuway ko."

"There's nothing wrong about it."

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi may masama na sa ginagawa ko.

"I'm just curious about something..."

"A-Ano 'yon?"

Bakit nauutal ako?

Sheyyttt! Arissa ayusin mo ang dila mo.

"Kung ikaw ang nagluluto, hindi ka ba nacucurious kung anong KARNE at JUICE ang inihahanda mo?"

Natigilan ako.

Bakit naman curious si Sage doon? He even emphasize the word karne at juice.

"Ahmm... Hindi naman pumasok sa isip kong macurious tungkol sa bagay na iyan. Mukhang karne naman ng baboy ang niluluto ko. At 'yong juice..." Doon ako natigilan.

Naalala kong napagkamalan ko nga palang dugo ang red juice na iniinom ni Sir Boss.

Pero wala namang dahilan para maging dugo iyon kaya tinaboy ko na lang ang idea na iyon sa utak ko.

I saw Sage's side lip curved and it turns into a small smirk.

Nagtaasan ang balahibo ko sa braso dahil sa paraan ng pag-ngisi ng lalaki sa akin. Nakakatakot na nakakakilabot. Pakiramdam ko anytime may pwede s'yang gawin na masama sa akin.

Alam n'yo, nahahalata ko na eh. Simula pa lang iba na ang trato sa akin ng lalaking ito. Doubt ako na dahil lang sa allergic DAW ito sa babae.

May iba pa, at ramdam ko iyon.



Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now