CHAPTER 19

1.1K 41 1
                                    

CHAPTER 19

IT'S BEEN what? Two days? Yeah, it's been two days since that unexpected accident happened.

At two days na rin akong pinag-iisip nang pangyayaring iyon.

Nang tanungin ko si Sage kung paano s'ya nakapunta sa ibaba ng ganoon kabilis at kung anong nilalang ba ito. Tinawanan lang ako ng siraulo.

Sa tuwing napapatingin ako sa kanya, tatanungin ko s'ya tungkol sa nangyari. Pero isa lang ang isasagot n'ya sa akin.

"I run as fast as I could so I can saved you, stupid witch. Sino ba kasing stupido ang aakyat sa hagdan para lang ayusin ang kurtina ng mag-isa? Nagpapakamatay ka ba?"

Iyan ang palagi n'yang isasagot sa akin kapag nagtatanong ako.

Napapaismid na nga lang din ako dahil dati crazy witch lang ang tawag nito sa akin, pero ngayon stupid witch na rin.

Pero sa huli nagpasalamat pa rin ako dahil kung hindi sa kanya, siguro bumagsak na ako at nabalian ng buto. Kahit na may panglalait pang kasama kapag nagsasalita s'ya.

Okay na rin. At least ngayon alam kong hindi masamang tao si Sage. Ang puso pa rin naman s'ya. Masungit nga lang talaga.

At ngayon nga ay tumigil na rin ako sa pangungulit na magtanong. Wala rin naman akong makukuhang matinong sagot mula sa kanya, makatatanggap pa ako ng panglalait.

"Ms. Montecarlos?"

Napatingin ako kay Sir Boss.

"Yes, Sir Boss? May ipag-uutos ka ba?"

Sunday afternoon dumating si Sir Boss kasabay nina Nanay Wilma. Linggo kasi ng umaga ay wala ng bagyo kaya nakauwi na rin ang boss ko at dinaanan na rin nila sina Nanay Wilma para isabay papunta dito.

At ngayon nga ay Monday na. Meaning work day na ulit.

And speaking of Monday...

Ngayon ang unang araw ng pasukan sa Oxford del Silvenia na nasa Central.

"Si Hanz ang sasama sa'yo papunta sa OdS. Ihahatid kayo ni Migs papunta roon. Isa lang ang gusto kong ipaalala sa'yo, Ms. Montecarlos."

"Ano po iyon Sir Boss?"

Sumeryoso ang boss ko habang nakatitig sa akin. Tila ba may gustong sabihin pero hindi n'ya mabigkas.

"Huwag kang lalayo kay Hanz kapag nasa OdS na kayo. If you want to live and go back here safe and sound, sundin mo ang sinabi ko. Don't ever leave Hanz's side, okay? Do you understand, Ms. Montecarlos?"

Kahit hindi ko maintindihan kung bakit, tumango pa rin ako.

Siguro nag-aalala lang si Sir Boss na baka mawala ako sa school na iyon, lalo pa't bago pa lang ako.

Naiintindihan ko naman. Pero...

Nag-aalala ba talaga sa akin si Sir Boss? Ah, siguro dahil ako pa lang ang medyo nakakatagal na secretary sa kanya. Mahirap nang maghanap ng bago.

Susundin ko na lang ang utos ng nakatataas, hindi naman mahirap eh.

"Sige po, Sir Boss!"

"Before 5:30 ay maghanda ka na. Darating si Migs at Hanz para sunduin ka."

"Okay po, Sir Boss?"

"Pwede ka ng lumabas. Wala ka naman nang gagawin."

Tumango naman ako bago lumabas ng opisina. Paglabas ay nakasalubong ko naman si Sage na galing yata sa library n'ya.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now