Tapos anong kasunod, mga karumaldumal na pictures o 'di kaya naman ay videos n'ya? Jusko naman! Gagawin pa yatang porn site ng lalaking iyon ang cellphone ko.

"That f*cker! Give me that!" Inis na bulalas ni Travis.

Mabilis na naitago ko ang cellphone sa aking likuran. "Bakit? Anong gagawin mo sa cellphone ko?"

"Stupid! I'll erase those dammit photos."

"Weh? Baka naman bigla mong itapon ah."

Tiningnan n'ya ako ng may makahulugang tingin.

"Ayaw mo? Bakit? Tititigan mo tuwing gabi ang mga pictures na 'yan?"

Nanlaki ang mga mata ko. "HOYYYY! Wala akong iniisip na ganyan ah! Oh, ayan!" Inihagis ko sa kanya ang cellphone ko. Kinuha naman n'ya iyon at may kung anong pinagpipindot-pindot doon.

"There, done!" Binalik na n'ya sa akin ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay burado nga lahat.

Enebeyern! Seyeng nemen! CHAROT!

Nang binalik ko kay Travis ang aking tingin, seryoso na ulit ito sa pagtatype sa kanyang laptop.

Kinagat ko ang ibabang labi nang may biglang pumasok na kakatihan sa isip ko. Grabe, kakatihan talaga? Hindi ba pwedeng pang-remembrance lang. Nang masiguradong hindi s'ya nakatingin, itinapat ko ng pasekreto ang camera sa pwesto ni Travis.

Bakit gano'n? May favoritism yata si God nang magsabog s'ya ng kagwapuhan. Kahit mukhang galit at hindi ngumingiti, gwapo pa rin ang lalaking ito.

HMP! Edi s'ya na, s'ya na ang pinagpala ng lahat.

MY GOSH!

Why so hot, Sir Boss?

Emeged!

Nandito na naman ako, pinagnanasaan ko na naman ang magaling kong boss na walang kaalam-alam sa kalokohang pinaggagawa ko.

Kapag ako nahuli nito, lagot na. At iyon na nga ang sinasabi ko...

"Am I that really handsome eh? Kung kukuhanan mo ako ng litrato, dapat nakaharap ako."

Kitang kita ko sa screen ng cellphone na nakatapat kay Travis ang kanyang paglingon sa akin. Sumilay ang nakaloloko pero at the same time ay nakakaakit na ngiti. Sakto naman na napindot ko ang screen dahil sa panginginig ng daliri ko. Kaya ayun...

Huli pero hindi kulong.

"Oh my gosh!!!" Muntik ko nang mabitiwan ang cellphone nang makita ang kinalabasan ng shot.

Sobrang gwapo ni Travis. Kung gwapo na s'ya, mas gumwapo pa. With that naugthy smirk he showed in the photo, mapapasabi ka na lang ng...

Bakit may gwapong demonyo sa harap ko?

S'ya 'yong epitone of innocent handsome and naugthy devil. He can be the man na kaya kang utusan na gumawa ng kasalanan kahit ayaw mo.

"Pang model na ba?"

Naitago ko agad ang cellphone sa ilalim ng unan.

"A-anong pinagsasabi mo d'yan?"

"You know what I mean. Pero sige na nga, iisipin ko na lang na wala kang ginawa."

"Wala naman talaga!"

"Sure, if you say so." Ngunit hindi pa rin n'ya inaalis ang ngisi sa labi na mas ikinainis ko.

Kakahiya ka, Arissa! Gagawa ka na lang din ng kalokohan, papahuli ka pa. Halatang halata ka, gaga!

"Wala nga sabi akong ginagawa."

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon