Part 21

52 16 0
                                    

Ian Pov

2:OO am na pero kakauwi ko lang sa bahay galing sa trabaho, ako lang mag isang umuwi ngayon dahil nauna ng umuwi si Sopia, sunod sunod kasi ang mga meeting ko ngayon overseas kaya naman inaabot na ko ng gabi alangan naman sila ang mag adjust sakin.

Pag kagarahe ko ng kotse pummasok na ko sa bahay, lahat ng ilaw patay na maliban sa mga ilaw sa labas ng bahay, pag pasok ko dederetso na sana ako sa kwarto ng mapansin kong bukas ang ilaw sa dinning area kaya naman pumunta ako doon at habang palapit ako may naririnig akong ingay na parang nag pipindot sa laptop at di nga ako ng kamali, naabutan ko si Scarlett na busy sa harap ng laptop nito.

Lumapit ako doon tsaka binaba ang mga gamit sa lamesa at pumunta sa ref para kumuha ng maiinom.

"Kakauwi mo lang Kuya?" Tanong nito sakin.

"Oo busy kasi ngayon sa cumpanya eh" Sabi ko sabay inom ng juice pag tapos ko lumapit ako kay Scarlett at tinignan ang laptop niya "Work?" Tanong ko

"Oo eh distribution na ng mga cards ng mga bata next week kaya need ko na to tapusin" Sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"Ok, pero matulog ka na anong oras na" Sabi ko dito tsaka kinuha ang bag ko "Bukas mo na ipag patuloy yan" Lumapit ako dito at hinawakan siya sa balikat "Ilang linggo ka ng walang maayos na tulog at kain at di ko alam kung bakit at anong pinag kakaabalahan mo sa buhay pero Scar alagaan mo ang sarili mo, ayaw ko na pati ikaw mag kasakit katulad ni Owen" Sabi ko tsaka tinapik tapik ang balikat niya.

"I will Kuya" Sabi niya tsaka sinara ang Laptop niya "Ito na matutulog na" Sabi niya tsaka tumayo "Pero kukuha muna ako ng gatas para makatulog ako agad" Sabi nito ng nod lang ako tsaka siya tinignan

"Mauuna na ko" Sabi niya kumaway lang to sakin kaya naman umalis na ko.

Halata sa mga mata ni Scarlett na babagsak na to, kulang na kulang na siya sa tulog at di ko alam ang dahilan bakit lagi siya na pupuyat, sobra naman na ang pag pupuyat niya para sa trabaho niya. Nasa ikalimang hakbang na ko ng hagdan ng may marinig ako nabasag mula sa kusina kaya naman tumakobo ako pupunta doon at doon ko nakita si Scarlett na naka luhod habang hawak ang kamay na dumudugo, kaya naman ang madali akong lumapit dito at tinayo siya.

"Ako na dito" sabi ko tsaka siya inalalayan papuntang sofa "Diyan ka muna" Sabi ko tsaka pumunta na sa kusina para imisin ang basong nabasag st doon ko na kita yung kutsilyo katabi ng apple, mukhang may balak siyang hiwain yung apple pero nasugatan siya at nadangi yung baso ng gatas, pag tapos ko linisin yun kinuha ko na ang first aid kit at pumunta na kay Scarlett sa sofa pero mukhang huli na ko.

Binalot niya sa panyo yung sugat niya at tulog na tulog ng nakasandal sa sofa, sa kaantokan niya na disgrasya pa siya. Lumapit ako sa kanya at nilinis ang sugat niya, nasugatan niya yung palad niya at mukhang malalim yun mabuti na lang expert ako sa mga ganto, nasanay ako na ako ang gumagamot sa mga sugat nila ni Owen nung mga bata pa kami, ayaw ko kasi silang ipahawak sa mga doctor or nurse nun kasi naniniwala ako dati na kaya may sakit si Owen sa puso ay dahil sa kanila, araw araw ba naman nun lagging may pumupunta sa bahay naman para tignan si Owen at bawat punta nila nakikita ko kung paano nahihirapan at mas nag hihina si Owen pero mabuti na lang nalinaw ko na ang sarili ko na di nila kasalanan yun.

Pag tapos kong gamutin at hugasan yung sugat ni Scarlett niligpit ko na muna lahat ng ginamit ko tsaka siya binuhat papunta sa kwarto niya, pinahiga ko siya sa kama niya tsaka siya kinumutan, sa sobrang kaantukan niya hindi man lang siya nagising nung ginagamot ko yung sugat niya. Palabas na sana ako ng kwarto ni Scarlett ng makita ko yung regalo ko sa kanya nung ng debut siya, isa siyang music box pero customize kapag binuksan mo siya may video na kusang mag paplay at may dalawang lalaki at isang babaeng umiikot Ikot kasabay ng kanta. Binuksan ko yun at doon ko ulit nakita kung anong video ang binalagay ko doon, video yun kung saan unang beses namin nakita si Scarlett at sunod nun ay yung video kung kailan una kumain si Scarlett ng solid food kung saan kami ni Owen ng papakain at nung unang ligo niya kung saan kami ulit ni owen ng paligo sa kanya, lahat ng first time ni Scarlett na kasama kami ni Owen at nandoon sa video. Mabuti na lang masipag ang mga magulang namin mag video video nung mga bata pa kami.

My Sweet TeacherWhere stories live. Discover now