Part 12

61 27 0
                                    

Eva POV

Nakatayo lang ako sa labas habang tinitignan si Owen sa salamin, isang araw na ang nakalipas at sabi ng mga doctor gigising siya kaagad pero lumipas na ang isang araw wala pa rin paramdam si Owen kung gigising pa ba siya.

Hinawakan ko ang salamin at doon ko na kita ang engagement ring na naka sout sa daliri ko, sa hindi ko maintindihang dahilan bigla na lang akong naiiyak, pinunasan ko ang pisingi ko tsaka huminga ng malalim.

"Tama na Eva" Sabi ko sa sarili ko tsaka tumalon talon para ma relax, "Sabi ni Owen wag kang iiyak" Sabi ko kung ano-ano pa ang sinabi ko sa sarili ko pero mas palaban ang luha at emotion ko kaya naman napa-upo na ko at umiyak na ng grabe.

Alam kong dadating ang araw na to sa buhay namin ni Owen, kaya naman hinanda ko na ang sarili ko sa gantong pangyayari pero iba pa rin kapag ito na nangyayari na at nasa harapan mo na ang lahat, lahat ng pinaghandaan mo mawawala lang ng parang bula.

Hindi ko kaya na mawala si Owen sa buhay ko marami na kaming pinagsamahan at pinagplanuhan para sa buhay namin at sa magiging pamilya namin, nakikita ko sa mga mata ni Owen na sobrang saya niya kapag nagpapag-usapan namin ang tungkol sa magiging pamilya namin at hindi na siya makapaghintay na mag karoon kami ng mga Anak. Kaya sana magising siya mabait na Anak, kapatid at tao na Owen hindi niya deserve ang nangyayari sa kanya ngayon.

Napatigil ako sa kakaiyak ng mag vibrate ang cellphone ko sa bulsa, pinunasan ko ang mga pisngi ko tsaka ko kinuha ang phone ko.

"Si Scarlette" Sabi ko tsaka tumayo. Hindi ko alam ang gagawin sabi ni Owen Wag sasabihin kay Scarlette ang nagyari sa kanya ngayon pero mukha namang alam na niya dahil hindi siya sakin tatawag kung hindi niya alam. Pipindutin ko na sana ang answer ng may tumungo kaya napalingon ako kay Owen.

"Owen" Sabi ko tsaka nagtatakbo ng mabilis papasok sa kwarto niya "Owen Owen Owen" Tawag ko sa pangalan niya napaluha ako ng tumingin siya sakin "Gumising ka na" Sabi ko tsaka napaiyak na naman. Hinawakan niya ang pisngi ko tsaka nagsalita

"Sabi ko sayo wag kang iiyak di ba" Sabi niya hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko

"Wag ka munang magsalita" Sabi ko sa kanya "Tatawag lang ako ng doctor" naiiyak na sabi ko sa kanya, hinalikan ko siya sa pisngi tsaka ngumiti sa kanya, "I Love you always"

Scarlette POV

"Hoy" sabi ni Alexis mula sa likod ko tsaka umupo sa katabing upuan

Nasa beach kami ngayon, nakaupo lang ako dito di kasi ako fan ng dagat e

"Ayos ka lang ba?" biglang tanong nito sakin kaya naman napatingin ako dito

Nainom siya ng juice ngayon, ang sexy talaga nito ni Alexis e pagtapos niya umunom humiga siya at nagpaaraw

"Ayos lang, Bakit mo napatanong?" tanong ko pabalik dito.

"Nasa beach kasi tayo tapos ganyan sout mo" chill lang na tanong nito habang nakapikit.

Napatingin tuloy ako sa sout ko naka crop top ako tsaka pants na maluwag, wala naman mali sa sout ko coordinates clothes ang tawag dito.

"Wala naman mali sa sout ni Scarlette a" sabi ni Jasper na papalapit samin habang may dalang drinks, naka manipis na polo shirts siya pero di nakabotones yung itaas habang naka beach short at shades, paglapit niya sakin inabot niya sakin yung dala niyang drinks at umupo sa kabilang upuan.

"Salamat" Sabi ko sabay inom ng juice.

"Swimming tayo" Yaya ni Jasper

Bigla naman napatawa si Alexis tsaka tumayo at umunat unat.

My Sweet TeacherWhere stories live. Discover now