Part 11

81 35 0
                                    

Scarlette Pov

Nag-aayos ako ngayon ng mga gamit na dadalhin ko para sa bakasyon naman, malayo pala yung pupuntahan namin akala ko pa naman sasakay lang kami ng kotse at babyahe yun pala need pa naman sumakay ng airplane.

"Mom, parang ayaw mo na kong pauwiin dito a." reklamo ko kay Mommy.

Halos ilagay na niya lahat ng damit ko sa maleta.

"Magtira ka naman para sa cabinet ko." sabi ko sabay tayo at punta sa walk in closet ko, "Parang wala ng laman to o nasa maleta ko na." sabi ko sabay turo sa mga cabinet kong halos kapiraso na lang ang laman.

"Malayo ang pupuntahan mo anak ko." sabi niya sabay sunod sakin dito sa walk in closet ko, "Mas maganda na tong Marami kang dala kaysa sa wala." sabi niya sabay kuha ulit ng damit.

"Tama na yan." angal ko tsaka kuha ng mga damit ko sa kamay ni Mom, "May problema ba kayo?" tanong ko dito habang binabalik ang mga damit sa cabinet.

Pero di niya ako sinagot dahil lumbas na siya at umupo sa kama habang inayos ang mga damit ko, matamlay naman akong sumunod dito tsaka niyakap siya sa likod.

"Saglit lang naman ako doon uuwi din ako." sabi ko kumarap sakin si Mom at gumiti.

Napapansin ko this past few days malungkot at matamlay ang bahay ganun na rin yung mga nakatira dito.

"May problema ba kayo? nararamdaman ko kasing may problema e." tanong ko pero niyakap lang ako ni Mommy sa tiyan.

Nakatayo kasi ako habang siya nakaupo.

"Tahan na promise babalik ako dito sa bahay." sabi ko kay Mom habang hinahawakan ang buhok niya.

"Alam ko naman yun." sabi niya tsaka humarap sakin.

Nagulat ako dahil umiiyak si Mom.

"Alam kong di mo kami iiwan ng Daddy mo." Sabi ni Mommy

Umupo ako sa tabi niya tsaka siya niyakap.

"Mommy mag-babakasyon lang ako, makaiyak ka naman diyan parang mag-aasawa na ako." natatawang sabi ko dito.

"Sinong mag-aasawa?" Sabi ni Dad na kakapasok lang sa kwarto ko.

Mukhang kakauwi lang niya galing sa office kasi naka office attire pa siya. Bumitaw si Mom sa yakap ko tsaka tumayo at humarap kay Dad.

"Nandiyan ka na pala ipaghahain lang kita ng pagkain." Sabi nito tsaka lumapit sa pinto kung saan nandoon din sa Dad.

Paglapit ni Mom doon hinawakan siya ni Dad sa balikat at may sinabi, mahina lang yun kaya di ko narinig. Gusto ko man magtanong pinili ko na wag na lang dahil sa huli ang sasabihin lang nila wala lang at pagod lang sila kaya sila ganyan at isa pa ayaw ko ulit pagsabihan ng masakit tulad ng sinabi ni Mom noong nakaraan kaya mas minabuti ko na lang na wag na magtanong kung anong problema hahayaan ko na lang na sabihin na ang nila sakin yun.

Hindi ko na lang sila pinansin at tinuon na lang ang atensyon sa mga gamit ko, kinuha ko yung mga damit kong di ko naman kailanagan at binalik na sa closet ko, naramdaman ko naman na sumunod sakin si Dad.

"Hayaan mo na ang Mommy mo, alam mo naman ngayon ka lang magbabakasyon na hindi kami kasama." Sabi ni Dad sakin tumayo ako at tumingin sa kanya tsaka gumiti.

"Sabay na ko kay Mom, Dad." Natatawang sabi ko tsaka lumapit dito, "Thank you Dad." Sabi ko tsaka siya niyakap, niyakap naman niya ako pabalik.

"Para saan?" tanong niya humiwalay ako sa yakap at tumingin kay Dad.

"Kasi pinayagan mo na akong magbakasyon sa malayo kasama ang mga kaibigan ko." Natatawang sabi ko. "Nagdadalawang isip pa ko nung una kung magpapalaam ako sayo or wag na kasi alam ko na di mo ko papaya." Sabi ko tsaka lumakad pupunta sa kama ko para ayusin na yung mga gamit kong natira.

My Sweet TeacherWhere stories live. Discover now