Part 16

64 20 0
                                    

Harrison Pov...

"Tanga ka ba Ashton alam mo ba sa ginawa mo pwede kang kasuhan ng rape" Galit na sigaw na sabi ni Emerson tsaka lumapit dito at hinawakan ang braso "Ikaw na lang ang kasama ko sa buhay at ngayon mawawala ka pa" Sabi nito at umiyak na rin.

"Hindi ako makapaniwala na gagawin mo ang bagay na to Ashton" Hindi makapaniwalang sabi ni Jasper tsaka tumalikod at hinilamos ang mukha.

"Ano ng gagawin ko?" Wala sa sariling tanong ni Ashton.

"Kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo" Sabi ko tsaka tinignan siya "Kahit kaibigan kita mali ang ginawa mo" Sabi ko at akmang lalabas na ng pinigilan ako ni Emerson.

"Hindi mo pwedeng gawin yan" Sabi ni Emerson lumapit si Jasper at pinigilan si Emerson.

"Tama si Harrison dapat pagbayaran ni Ashton ang ginawa niya" Sabi niya at lumuhod para alis ang kamay ni Emerson sa hita ko "Krimen ang Rape Emerson, mahal ko at kaibigan ko si Ashton pero mali ang ginawa niya" Sabi niya.

"Plsss bigyan ninyo ako ng oras" Sabi ni Ashton habang nakaluhod at nagmamakaawa "Alam kong mali ang ginawa ko at dapat ko itong pagbayaran pero "Sabi nito tsaka tumingin sakin ng umiiyak "Hayaan mo muna akong ayusin ang lahat nakikiusap ako" Pagmamakaawa niya.

Scarlett Pov...

Ang tagal ng wala ni Ashton sa Classroom niya nagkakagulo na ang mga istudyante niya kaya naman minabuti ko na hanapin na siya. Kakabalik ko lang ngayon ulit sa trabaho ko dito sa school sabi naman na ni Kuya kaya na niya nandoon na rin naman si Ate Eva para tulungan siya.

"Sure akong magkakasama na naman yung apat na yun" Sabi ko kaya naman mas binilisan ko pa ang pagpunta sa opisina ni Harrison baka mamaya nag bubugbugan na ang mga istudyante ni Ashton.

Pagkarating ko doon kakatok pa sana ako ng may marinig akong parang umiiyak kaya naman pumasok na ko, mukhang nagulat sila ng makita ako pero hinayaan ko na lang sila at hinanap kung sino ang umiiyak at doon ko nakita si Ashton nakaluhod siya habang umiiyak.

"Anong nagyari sayo Ashton?" tanong ko tsaka kinuha ang pamunas ko para ibigay sa kanya kaso bigla akong pinigilan ni Harrison na pinagtaka ko "Aray ko Harrison" Angal ko dahil masyadong masakit ang pagkakahawak niya sakin.

"Wag kang lalapit sa kanya" Sabi niya at hinigit ako.

"Harrison nasasaktan si Scarlett" Sabi ni Jasper tsaka lumapit sakin.

"Anong nangyayari sayo?" Sabi ko tsaka ko tinignan ang braso ko namumula ito dahil sa higpit ng hawak niya, hinawakan ni Jasper ang braso ko ng makita niyang namumula ito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya ng nod lang ako bilang sagot at tumingin ulit kay Harrison Magsasalita pa sana ako ng magsalita na ito.

"Wag kang lalapit sa rapist na yan" Sabi nito na kinagulat ko.

"HARRISON!!!" buong lakas na sigaw ni Emerson.

"Anong sinasabi mo?" Naguguluhan na sabi ko.

"Ni rape niya si Alexis at ngayon buntis si Alexis dahil sa kanya" Sa sinabi ni Harrison nanghina ako kaya naman napaupo ako sa sahig.

Di ako makapaniwalang ginawa yun ni Ashton, mabait at makulit na tao si Ashton wala sa personality niya na gagawin niya yun.

"Scarlett" Tawag sakin ni Jasper tsaka lumapit sakin "Ayos ka lang ba?" Tanong niya sakin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, tinignan ko si Ashton na nakatingin din sakin.

Nakaluhod siya sa sahig habang naiyak.

"Scarlett" Tawag niya sakin habang naiyak.

Sa hindi ko alam na dahilan bigla na lang ako na luha.

"Sorry" Sabi niya at umiyak na ng malakas.

"Jasper ilabas mo dito si Scarlett" Sabi ni Harrison.

Seryoso ang boses niya at nakatigin lang siya kay Ashton, masama ang pakiramdam ko dito may magyayaring masama dito.

"Emerson lumabas ka rin" Seryosong sabi nito ulit.

"Harrison anong gagawin mo? Pwede ba kumalma ka" Sigaw ni Jasper.

"Sa sitwasyong ganto walang sino man ang pwedeng huminahon" Sabi nito tsaka lumapit kay Ashton pinigilan pa siya ni Emerson dahil mukhang may balak tong suntukin si Ashton.

Ng susuntukin na niya si Ashton di ko alam pero bigla akong tumakbo para harangin siya at sa ending ako ang nasuntok ni Harrison napahiga ako sa sahig dahil sa lakas ng suntok niya sa pisngi ko.

"Scarlett" Sigaw ni Ashton tsaka lumapit sakin para alalayan akong umupo.

"Anong ginawa mo Scarlett?" Galit na sigaw sakin ni Harrison.

Tinignan ko to ng masama tsaka ako tumayo ng maayos para pantayan siya.

"Alam kong mali ang ginawa ni Ashton sobrang mali yun, pero sa tigin mo ba tama tong ginagawa mo, sa tigin mo ba matutuwa si Alexis kapag nalaman niyang balak mong saktan ang magiging tatay ng Anak niya, hindi ko alam kung anong merong relasyon kayo ni Alexis pero hindi tama tong ginagawa mo, parehong kaibigan mo ang nasasaktan dahil sa maling nagyari dadagdagan mo pa, hindi pa dapat ikaw ng umaayos nito hindi yung dinadagdagan mo pa ang problema" Galit na sigaw ko kay Harrison "May tamang paraan upang pag-bayaran ni Ashton ang kasalanan niya at hindi ito ang paraan upang pagsisihan niya ang lahat" Malakas na sigaw ko dito.

"Scarlett" Sabi ni Jasper tsaka lumapit sakin "Nadugo ang labi mo nagiiba na din ang kulay ng pisngi mo" Nag-aalalang sabi ni Jasper.

"Hindi ko alam kung anong relasyon meron kayo ni Alexis pero sigurado ako na hindi niya gusto tong ginagawa mo, kung gusto mong pagbayarain ni Ashton ang ginawa niya kay Alexis isumbong mo siya sa pulis o di kaya tanogin at hayaan mo si Alexis kung anong gusto niya gawin" Kalma kong sabi habang nakatungo "Sinabi ba sayo ni Alexis na bugbugin mo si Ashton para sa kanya" Sabi ko tsaka ako tumingin ng derestso sa mata niya "Hindi ko alam kung anong nararamdaman mo at hindi mo rin alam kung anong nararamdaman ni Ashton at Alexis sa nagyari sa ginagawa mo wala kang pagkakaiba kay Ashton inuuna ninyo ang sarap at pagiging kampante ng sarili bago isipin ang magiging resulta at maidudulot sa iba" Sabi ko dito.

"Alam kong galit ka at gusto mong ilabas ang galit sa sarili mo pero mali to, sa ginagawa mo pwede ka rin kasuhan kaya plss tumigil ka na at gawin natin to sa tamang paraan" Mahinahon kong sabi tsaka ko pinunasan ang labi ko at nadanggi ko ang pisngi ko kaya naman napainda ako ang sakit.

"Are you ok dadalhin kita sa clinic violet na ang pisngi mo" Nag-aalalang sabi ni Emerson.

"Ayos lang ako don't worry" Naka ngiting sabi ko.

"Saan ka pupunta Harrison?" Tanong ni Emerson ng makita niya naglalakad na si Harrison paalis.

Hindi ito sumagot at umalis na lang bigla.

My Sweet TeacherWhere stories live. Discover now