1

86 5 0
                                    

"Wala ka namang gagawin ngayon diba?" tanong ni mama habang kumakain kami ng breakfast, maaga akong nagising kaya naabutan ko pa sila ni Papa na kumakain ng almusal.

"Wala naman po bakit?" tanong ko.

"Samahan mo lola mo mag pa check up mamaya."

"Si ate Nena?" tanong ko sa nag aalaga sa kanya. Mag isa na kasi ni lola sa bahay niya, patay na kasi si lolo, iyong personal nurse nalang niya ang kasama niya, binibista naman namin siya during holidays and if may free time kami.

"Umuwi ng province, tinakbo sa hospital kasi nanay niya." sagot ni Mama.

Pumayag nalang din ako at naghanda na pagkataoos kung kumain, susunduin ko pa si lola sa bahay niya, ayaw pa naman nun ang tinatanghali.

I just wear a casual clothe, a plain mint green shirt and jeans with my white shoes.

I got my purse, phone and car keys at gumayak na ako.

Pagdating ko nga ay naghihintay na si lola sa harap ng gate ng bahay.

"La, 'bat di ka sa loob naghintay, ang init pa naman dito." saad ko habang inaayos ang seatbelt niya.

"Nako mag pa-park ka pa kung sa loob kita hinintay. Tara na at baka marami ng pila." sagot nito

"Kalo ko ba appointment iyon " nagtataka kong tanong habang nag dradrive na.

"Oo, pero kahit na, marami kaming nagpapa appointment." sagot nito. Tumango tango nalang ako.

If hindi lang dahil kay lola ayaw ko sanang pumunta ng ospital, isa ito sa mga pinakaayaw kong lugar, amoy palang nasusuka na ako.

"Dito ka pala nag papacheck up la, iyong si Denise kung naaalala mo? yung kaibigan ko mula highschool? dito siya nagtratrabaho." saad ko habang nagpapark sa basement.

"Ah iyong kasama mo noong umaakyat sa puno ng mangga sa bahay tapos ibebenta niyo sa paaralan? nakita ko siya noong huli kong check up dito, akalain mo iyong batang iyon, nurse na pala ngayon." sagot niya.

Natawa naman ako sa ala-alang iyon. Totoong tinitinda namin 'yon sa school noon, kala mo naman di kami binibigyan ng allowance ng mga parents namin dati. Pero kasi ang sarap sa pakiramdam na iyong pera na ginagastos mo eh gaking mismo sa pagod mo. Naranasan narin namin mag tinda ng street food noon, basta pagkatapos ng klase namin sa hapon ay dederitso kami sa bahay ni lola para mag set up. Doon namin pinila ang location dahil mas maraming tao roon mesa sa subdivision namin.

Sumakay kami ng elevator, pinindot ko ang floor kung saan kami pupunta.

"Balita ko may kasintahan na iyong si Denise." saad ni lola habang hinihintay namin ang pagtaas ng elevator.

"Opo, nurse din po pero sa ibang ospital siya nagtratrabaho." sagot ko.

"Eh ikaw?"

"Po?"

"Ikaw, wala ka pa bang kasintahan? malapit ka ng mag trenta ah." sagot nito

"Si lola naman, may tatlong taon pa 'no." rason ko.

"Sus, iyong tatkong taon na 'yan, mabilis lang yan lumipas. Wala ka bang balak mag asawa?" sagot nito

"Di naman po sa wala, pero hindi pa po ata ito ang tamang oras para sa akin. Di naman ako tatakbo if may dumating eh. Alam niyo naman po ako, ngayon lang nagkaroon ng time para sa sarili. I've been working non-stop since I graduated in college, ngayo lang talaga ako nagkaroon ng oras para sa sarili."

Sakto naman ang pagbukas ng elvator.

"Sa totoo lang, ayos lang naman na di ka mag asawa kung ayaw mo talaga. Napapansin ko lang kasi na parang wala kang interest sa mga lalaki, o baka naman mga tulad mo ring babae ang tipo mo." saad ni lola na nagpatawa sa akin.

Medyo marami narin tao nung nakarating kami, 10 narin kasi ng umaga, pero mabilis lang din kaming nakapasok dahil nasa priority line si lola.

Pag pasok namin sa opisina ng Doktor ay nagukat ako nang makitang si Dr. Hansel ito, tapos si Denise pa ang secretary niya ngayon.

Binalingan lang ako ni Hansel saglit maaring namukhaan niya ako, pero bumalik din agad kay lola ang boung atensyon nito.

Si Denise naman ang pinipigilan ang sarili dahil nasa trabaho siya kaya nag ngiti lang kami, madalas kaming mag kausap through social media pero mailap lang kaming magkita ng personal ngayon dahil busy kami sa trabaho, lalo na siya, pero di naman 'yon nakabawas sa pagkakaibigan namin.

Mostly sa nga sinasabi ni Dr. Hansel ay di ko maintindihan dahil sa mga terms nito, mga basic lang ang nagegets ko pero nag notes parin ako sakali, si lola naman mukhang alam na alam na niya ang mga ibigsabin nito.

Meron siya weak lungs, nakuha niya dahil narin sa kanyang edad.

May nga test pang gagawin kay lola, sabi ko naman na sasama ako kaso sabi niya kaya niya na daw kaya nagkape muna ako sa lounyng ospital kasama si Denise.

"Omg gurl, di ko inexpect na makikita kita today, kumusta naman ang pagiging unemployed mo?" biro nito.

"Masaya, kaya kung ako sayo mag resign ka narin." biro ko.

"Gaga, kung kasing yaman sana kita edi go! tsaka magsisimula narin akong mag ipon oara sa sarili ko ngayon, katatapos lang ng bahay na pinapagawa ko para kila Mama. Iyong kasal ko naman pag iiponan ko."

Muntik ko nang mabuga ang kapeng ini-inom ko pag karinig ko ng salitang kasal. Agad akong bumaling sa kanya para kumpormahin ito dahil baka nabingi lang ako.

"Ay! di ko pa pala nasasabi sayo! gusto kasi personal kong sasabihin eh di ko naman alam na magkikita pala tayo today, Si Jake kasi, nag propose na kahapon, nagbabalak na kaming ikasal next year para naman prepared kami." pag i-explain niya.

"Bwisit ka! Congrats!" tuwang tuwang sabi ko at agad siyang niyakap.

"Ikaw? gusto mo ireto ulit kita, mostly sa mga batch natin kinakasal na." at ako nanaman ang nakita.

Pansin ko rin, oonti nalang kaming magkakabatch noong high school ang di pa kinakasal. Mostly sa kanila may sarisarili nang pamilya.

"Tatanda akong dalaga at wala kayong pake." biro ko.

Agad namang umasim ang mukha niya."Kung panget ka sana pwede pa kahit wag ka ng mag asawa, pero yung ganda mo pang Miss U, sayang naman kung di mo padadamihin 'no!"

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Ah wait, nakita mo iyong Doctor kanina? Iyon si Dr. Hans, isa sa pinakamagaling na Cardio thoracic surgeon dito. Single 'yon, masipag din sa trabaho, halos dito na nga tumira eh."

"Ah ano naman ngayon?" tanong ko.

"Gaga, ang slow mo talaga, itratry kitang ireto." sagot niya.

"Baliw, tumigil ka na nga diya sa reto reto mo, darating din tayong lahat sa puntong 'yan, siguro di pa ito ang oras para sa akin, tsaka wala akong time makipag date ngayo kahit naka-leave ako, may iba parin akong bagay na pinagkakaabalahan." sagot ko

"Sus." mukhang di pa ito naniniwala sa mga pinagsasabi ko.

Ngumiti nalang ako.

Di naman sa ayaw ko. Natatakot lang ako, di para sa sarili, para sa taong mamahalin ako. I supposed, I developed a trauma. Di ko alam ang rason, di ko alam kung bakit, o paano pero alam kong ako ang problema.

I have three ex's, 1 in Highschool and 2 during college, kung aabot man ng 6 months ang relatmsyon namin ay swerte na pero mostly wala pang ilang buwan ay hiwalay na kami.

At laging pare-pareho ang rason nila kung bakit nila akon hinihiwalayan, dahil daw sa akin, ako ang problema. Pilit kong iniisip kung saan ba ako nag kulang pero wala talaga eh, di ko alam kung nabubulag lang ba ako o ano. Hanggang ngayon di ko parin alam.

Napagod narin ako kakaisip, siguro pagdating nalang ng tamang panahon, doon ko makikita ang tunay na rason. Dahil hanggang ngayon alam kong minahal ko sila, alam kong wala akong ginawang mali.

—🌷

Maybe it's You ( Book 2 of It's okay, We are all broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon