𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒

Depuis le début
                                    

"I missed you more my princess." Hinalikan din ako nito at niyakap.

"Bakit ako walang 'I missed you' at pangaasar agad ang bungad. Tapos kay mommy maxi mo kiss and hug?" Parang batang turan ni mommy nics, nagpout panga.

Nagkatinginan kami ni mommy maxi at sabay kaming tumawa maging si Archie nakita kong tumatawa sa tabi ni mommy. Cute talaga ni mommy. Parang bata na nagseselos.

Nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit. Kiniss ko ulit sya sa pisngi.

"Sorry na mommy. I missed you rin naman po, pero mas miss kita asarin hehe." I chuckled when she playfully hit me pero niyakap din naman ako.

"Ewan ko sayo. Kamukha mo na nga mommy Maxi mo. Kaugali mo pa." Nakasimangot na naman nitong tugon. Tinawanan ko na lamang sya at kumalas na sa yakap.

Umupo narin ako sa gitna nila ni mommy. Si Archie nasa harapan ko. Paikot kasi ung table, good for 4 talaga.

"Ate tama nang kakaasar kay mommy, nako baka maging kamukha mo bagong baby natin papangit pa." Sabat naman nitong bwisit kong kapatid.

Gwapo yan, boy version ni mommy Nics. Best friend ko yan na enemy ko rin minsan madalas.

"Mommy Nics can't carry a child anymore young man. And fyi I'm not pangit duh. Baka nga if ever na may bunso pa maging goddess pa yan kung ako kamukha." Rebat ko dito matapos kong batuhin ng tissue. Tinawanan lang ako, langya din to e.

"Oh tama na yan let's eat na. At nang makatulog na may mga pasok pa kayo bukas." Pagtigil samin ni mommy Maxi dahil di talaga kami titigil magbangayan ni Archie kung di sumabat si mommy.

"Sus Maxine, gusto mo lang ako masolo agad eh." Sabat naman ni mommy Nics na ikinatawa ko.

"Shut up and eat missy." Masungit na tugon ni mommy Maxi.

Nanahimik na lang din si mommy Nics pero may binulong pa sya na ikinatawa ko ng mahina,

"Sungit talaga."

"Balita ko nakauwi na si Sevien?" Baling sakin ni mommy Nics.

"Opo, nung isang araw lang siya nakauwi." Sagot ko sakaniya.

"Bakit hindi mo pala siya kasama umuwi nak?" She ask.

Bakit nga ba? Ewan ko rin. Nung mga oras na yun kasi lumilipad utak ko.

"Nauna na po ako sakaniya umuwi mom, saka dun daw muna siya sa penthouse ko." Sagot ko na lang sakaniya. She just nodded and continue eating.

Napuno ng asaran, kwentuhan ang kitchen habang nakain kami. Hanggang sa natapos na, tinulungan ko sila magligpit at nagprisinta na si Archie na sya na daw maghuhugas.

Sabi ko pa nga himala at kusa syang maghuhugas ngayon. Nagasaran na naman kami bago ko pagdesisyonan na umakyat na sa kwarto, pero bago yun binigyan ko muna ng halik sa pisngi sila mommy.

Nang makapasok nako sa kwarto dumeretso ako ng cr at naghalf bath. And after that I lay on my bed at agad naman akong nakatulog.

•••

"Maxxxxx!! Yoohoo! Pakibukas ng pinto!"

Sa himbing ng tulog ko may taong umeepal na ang ingay ingay eh ang agad aga pa. Pucha.

Kanina pa yan, hinihintay ko nga na mapagod pero hindi e mas lalo lumalakas boses. Alam kong si Gav yan, sya lang naman mahilig mambulabog ng tulog ko.

Ano na naman ginagawa ng hinayupak na'to dito. Alam talaga niya na andito ako sa bahay.

"Babe! Open the door, I'm not angry anymore! Helloo?! Elsa? Do you wanna build a snowman?" Kung ano ano pinagsasabi anak ng.

UnexpectedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant