My Favourite Spotlight 21

24 2 0
                                    

Bawat tapak ng paa ko sa marmol na sahig ay naglilikha ng ingay, ang lahat ay napapatingin sa direksyon ko at napayuyuko upang iwasang mag tama ang paningin namin. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o dahil sadyang napakaintimida kong tignan sa suot kong puting blouse na pinapatungan ng itim na blazer at pinartneran ng itim na skirt, ang sapin ko naman sa paa ay isang kulay puting heels na may taas ng tatlong inches, ang kulay abong buhok ko namang maikli at sumasabay sa paggalaw ng katawan ko habang lumalakad.

"Magandang umaga, Attorney. Yrane."

I didn't smile. I just remained serious while gazing at her. I felt her trembled in unknown fear and I have no heart to scare someone today so I put a small smile before proceeding to the room near me.

"It's nice to see you again. . . Maux." I glare when Val called me using my second name, he smirked upon seeing my reaction.

He was wearing his usual black formal attire paired with black shoes and his dark blond hair were brushed up. I could see the teasing look in his eyes when he noticed that I was scanning him so I immediately rolled my eyes and advert my gaze inside the room.

He laughed.

"Have you eaten?" He took a small step beside me and his manly scent reached my nose.

"Hmm," sagot na ungol ko at sinubukang hanapin si Fyra, isa sa mga kasama ko na part time rin as secretary.

Yes.

I'm not yet a licensed lawyer but they prefer calling me Attorney. Yrane because they say papunta na rin naman ako roon.

Hindi ko maitatangging masarap sa pakiramdam iyon dahil kahit secretary pa lang ako ni Attorney. Gonzales ay ginagalang na nila ako na para bang isa na akong ganap na abogado.

"Can I. . . Take you out for a dinner?" Napataray ako sa pagpapalipad hangin ni Val, isa siya sa mga kilalang magagaling maglaro sa loob ng korte at heto ngayon kinakabahan sa harapan ko habang niyaya ako mag dinner. Hay naku Aezra, ilang taon na hindi pa rin nawawala ang karisma tsk tsk.

"Ayaw ko. Inaantay ako ng anak ko," like a recorded voice, I told him my reasons everytime he will invite me into dinner.

"Maux naman," kunwaring nanlulumong saad niya at bahagyang ngumuso pa, natawa naman ako dahil sa pagkaisip bata niya.

"Hep! hep! hep! Mga naturingang abogado dito pa humaharot!" Sabay kaming napalingon ni Val nang marinig ang nakakarinding boses ni Fyra. Hindi bagay sa mukha niyang nakasimangot ang pulang blazer na suot niya at sa ilalim naman ay puting blouse. Tinarayan niya ko at gumitna saamin ni Val habang magkakrus ang dalawang braso.

"Hoy, attorney, inaaano mo na naman si Attorney. Yrane?" masungit na tanong niya kay Val na sinamaan lang rin siya ng tingin. Napailing na lang ako dahil hindi bago sa kanila 'yon, nilagpasan ko na sila at tuluyang pumasok sa loob ng kwartong pinapangarap kong mapaisa sa mga taong nakatayo sa harapan at nagseserbisyo sa kliyente.

Natapos ang harapan sa korte at. . .  nanalo si Val, hindi naman na bago 'yon dahil mana siya sa Tatay niyang si Attorney. Gonzales na boss ko. Yep, he was the son of my boss and he's hitting me. Not litterally but he kept on bugging me and insisting to have a dinner with me everytime our path  crossed but I kept declining since my priority rightnow is my daughter who is slowly growing up and. . . Always naughty.

"Akira Maux!" tawag ko ay Kira habang hinahabol siya, day off ko kaya ako muna tumao sa pwesto ng isda at pinauwi si Aling Nene para makapag-pahinga. Hingal na hingal ako habang hinahabol ang apat na taong gulang kong anak na ngayon ay patawid sa kalsada.

Pinilit ko kase siyang kumain ng gulay at ang bulinggit naman ay tumakas! Tawa tawa siyang nakikipaghabulan saakin na akala pa nakikipag biruan pa ako. Nadaaanan namin ang ibang nag titinda at lahat sila ay tawa-tawang nakamasid saamin dahil well. . . Hindi na bago sa kanila 'to.

My Favourite Spotlight (Jeez Series 1)Where stories live. Discover now