My Favourite Spotlight 08

19 6 0
                                    

"Hira, papunta na si Ate, pupunta na 'ko. Hintayin mo 'ko, magtago ka muna . .  . please, Hira." Nanghihina ang tuhod ko kaya gano' n na lang kadali para kay Akishiro na hatakin ako papalapit sa kanya. He looked at me with eyes full of concern.

"Ate, natatakot ako," wala akong ibang maisip kung hindi ang mukha ni Hira na umiiyak.

"Tell me, what happened?" Nag aalala ang boses ni Akishiro at may bahid doon ng pagtataka.

"Akishiro, tulungan mo 'ko, please. Si Hira, kailangan ko nang umuwi," pakiusap ko sa kanya habang umiiyak, tumango naman siya at tumakbo papasok sa tent. 

"Hira, hello? Hira?" I called her but I received nothing. Lalo akong napaiyak nang mapansing naputol na ang linya. Sinubukan kong tawagan muli ang number niya pero hindi ko na siya matawagan.

"Let's go." Sumakay kami sa kotse ni Akishiro, patuloy lang akong umiiyak habang tinuturo sa kanya ang daan sa lugar namin. Mabilis na ang pagpapatakbo niya ng sasakyan pero hindi pa rin ako mapakali sa kinauupuan. 

"Calm down, Aezra. I'm sure she'll be fine." I can't count how many times he said those words but I'm sure he just want to comfort me. Umiling lang ako at umiyak nang makita ang lugar namin. Huminto sa harapan ng bahay namin si Akishiro at hindi na ako ang aksaya ng oras at agad na pumasok sa loob ng bahay. 

"HIRA!" I shout my sister name when I didn't found her in her room. Naramdaman ko ang presensya sa likod ni Akishiro na ngayon ay nililibot ang paningin sa paligid ng masikip at ngayon ay magulo naming bahay. Nagkalat ang mga damit sa sala at ibang parte ng bahay, nakabukas ang ilang aparador na para bang hinalungkat ang mga gamit at sira ang ibang kagamitan namin. Nanlumo ako nang makita 'yon pero wala na akong pakialam, gusto ko lang makitang ligtas at walang nangyaring masama sa kapatid ko.

"Hira!, Nasaan ka?" Nanghihina na ako at unti-unting sumisikip ang dibdib, pumasok ako sa isa pa naming kwarto pero wala siya doon. Makalat din ang mga gamit at halatang pinasok.

"Tulong! Tulong! Tulungan niyo 'ko." Napatakbo ako sa kusina nang marinig ang sigaw ng kapatid ko, I saw her hitting Akishiro with the broom. Mabilis akong lumapit para pigilan siya.

"Ate!" Para akong tinanggalan ng tinik sa dibdib, parehas kaming umiiyak habang binabanggit ang pangalan ng isa't isa. Hindi ko mapigilang mapahagulgol nang maramdaman ko kung gaano siya katakot, nanginginig pa ang katawan niya at hinahabol ang hininga.

Magulo ang buhok niya at naka-pajamas, halatang matutulog o natulog na siya at nagising nang mangyari ang pagpasok sa bahay namin. Gusto kong magalit sa sarili ko, pakiramdam ko ay naging pabaya akong kapatid.

"Nandito na si ate, hmm? Hindi na kita iiwan," pagpapatahan ko sa kanya habang pinupunasan ang luha sa mukha niya. Humihikbi pa rin siya at mahigpit ang kapit sa braso ko na para bang anytime mayroong kukuha sa kanya.

"Aez—" Napatigil si Akishiro nang tumili si Hira sa sobrang takot, pati ako ay nagulat dahil sa pagsigaw niya. 

"Hira, Hindi siya masama," paninigurado ko pero umiling lang siya at yumakap. Humarap ako kay Akishiro na ngayon ay hindi ko mapangalanan ang itsura. Nagi-guilty ako, alam kong may sakit siya pero tinulungan niya pa rin akong makapunta rito para makita ang kapatid ko.

Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay para bang binibigyan niya ako ng lakas, ang isang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa isang basong tubig habang ang isa naman ay saradong-sarado ang kamao. 

"We'll update you, sir." Tumango si Akishiro matapos kausapin ang pulis na tinawagan namin. Pagkatapos ay hinatid niya sila sa labas ng bahay matapos nilang suriin ang paligid. Si Akishiro ang nakipag usap sa kanila dahil hanggang ngayon wala pa rin ako sa sarili. Naghahalo ang takot at kaba ko.

Hindi ako makaalis sa tabi ni Hira hanggang sa nakatulog siya kanina. Umiiyak pa rin siya kahit kasama na niya ako, hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Napakawalang kwenta kong kapatid dahil hinayaan kong mangyari 'to.

"You should rest." Napatingin ako sa lalaking may tsokolateng mata. He was looking at me without minding himself, I know he's tired. I could see it through his eyes.

"Ikaw may kailangan no'n hindi ako," sagot ko at sinundan niya ko nang maglakad ako papalabas sa kwarto ni Hira. Pinagmasdan ko ang paligid at naluha na naman nang makita kung gaano iyon kagulo. Unang beses lang naming maranasan na pasukin ng magnanakaw, dalawa lang kami sa buhay at pareho pang babae.

"I saw her, sa ilalim ng lababo. She's whispering your name while praying for your safety incase that something bad happened to her." Kagat ko ang labi nang magsimula na namang umagos ang luha ko na para bang gripo. Akishiro held my hands with gentleness.

"Stop crying, I won't leave you here." His chocolate eyes glistened because of unshed tears. I cried harder and hugged him tightly. Ang daming pumapasok sa isip ko at natatakot ako na baka mangyari iyon. Handa akong gawin ang lahat huwag lang mawala ang kapatid ko. Siya na lang kasi ang nag iisang pamilya ko.

I forced a smile and brushed my hands against his. "Doon ka muna sa kuwarto ko. You're sick, you need to rest." He shook his head.

"No, dito na lang ako sa sala niyo. Magbabantay."

"Aki . . ." madiin kong tawag sa pangalan niya pero hindi siya nagpatinag kaya pilit ko siyang hinatak sa kwarto ko at pinaupo sa kama. He looked at me innocently, he looked like a kid.

"Rest," utos ko at inayos ang magulo niyang buhok. Nakatingala lang siya sa akin kaya alam kong kitang-kita niya kung gaano ako ka-haggard ngayon!

Ilang linggo pa lang kaming magkakilala ni Akishiro pero ganito na ako komportable sa tabi niya, kapag nakikita ko siya ay pakiramdam ko wala akong ibang kailangang isipin dahil lahat ay magiging payapa. 

Sumisinghot_singhot ako at iniwas ang tingin sa kanya. Pakiramdam ko sobrang maga na ng mata ko dahil hindi ko na maidilat 'yon ng maayos.

"Tabi tayo," he said while smirking. Napaigtad ako nang ipinulupot niya ang braso sa balikat ko at inilapit ang katawan ko sa kanya. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko na rin makontrol ang paghinga.

Ganito rin ang nangyari sa akin nang marinig ang iyak ni Hira pero iba sa pakiramdam, kung kanina ay takot na takot ako ngayon ay parang nakaramdam ako ng kaligtasan sa mga bisig niya.

"A-Ano?" tanging nasagot ko matapos ng sinabi niya.

He chuckled softly and brush his hands in my waist. May kung anong kiliti ang idinulot no'n sa akin.

"I said, tabi tayo." Patuloy niyang hinahaplos ang bewang ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng init. Napakapit ako sa balikat niya nang maramdamang tumaas ang palad niya sa ilalim ng dibdib ko.

"A-Aki," tawag ko sa pangalan niya pero hindi ko na nagawang magprotesta nang maramdaman ko ang labi niya sa:akin. Hindi ako nakagalaw, he was kissing and nipping my lips sensually pero pakiramdam ko ay nabato na ako sa kinalalagyan ko. Naramdaman niya siguro 'yon kaya dahan-dahan niya akong inupo sa kandungan niya at idiniin ang hawak sa batok ko upang mapalalim ang halik.

I did not respond with his kisses but I knew that I liked it. Unang beses na may humalik sa aking lalaki sa labi kaya hindi ko alam kung anong gagawin. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko at may kung anong kaba ang namumuo sa dibdib ko 

Bakit niya 'to ginagawa?

He bit my lower lip before parting our lips. Parehas kaming hingal na hingal sa nangyari. Noon ko lang naramdaman kung gaano kainit ang leeg niya kaya binalot ako ng pag aalala.

"Ang init mo, Akishiro," tanging naisambit ko habang nakaupo parin sa kandungan niya. He shook his head and planted a small kiss in my lips. Sobrang init na rin ng pisngi ko dahil sa posisyon namin!

"You're more than hot." Ngumisi siya sa akin kaya napairap ako.

Mahina kong hinampas ang balikat niya dahilan para matawa siya. Napakagwapo niya ngayon sa paningin ko.

"Let's take a rest muna. We're both tired." I nodded and agreed. 

They say, it's impossible to reach a star because it's light years away from us, from where we are. I doubt that because from what had happened earlier, I felt like I embraced the biggest star that I have met and danced with his light.

My Favourite Spotlight (Jeez Series 1)Where stories live. Discover now