My Favourite Spotlight 16

17 2 0
                                    


They say time heals the wound. Sa paglipas ng oras ay kasabay no'n ay ang paghilom ng sugat na tanging oras at panahon lang ang makakapagdikta kung tunay ngang magaling at malaya ka na but in my case, it took me years to understand what healing is. It is not about being able to function again the way you function before that traumas and pain inflicted to you. It is not about forgetting and forgiving. Nasanay lang ako. Nasanay ako na nandito at dala dala ko ang trauma pero hindi 'non nabago ang sugat na natamo ko.

Siguro bukod sa pagkakaroon ng trauma ay 'yon ang pinakamahirap tanggapin. 'Yung gigising na sanay ka nang may mabigat na pakiramdam sa dibdib. 'Yung wala kang magawa kung hindi ang tumitig sa kisame magdamag dahil wala nang luhang mailabas. I was too tired to release my true emotions. I was too tired to be transparent because what's the point of showing what I truly feel if even a bit of pain would not vanished instantly. Nakakapagod mapagod.

"Ate, gutom." Napatigil ako sa paggamot sa sugat ko sa tuhod nang magsalita ang nakakabatang kapatid ko, si Hira. Namumula ang ilong niya at halatang paiyak na, nakatingin siya sa akin nang may namumungay na mata habang ang gulo-gulo niyang mahabang pinong itim na buhok ay tumatakip sa kalahati ng mukha niya.

"Hintayin natin si Mama, may dala siyang pagkain para sa 'tin." Ibinababa ko ang dinurog kong dahon ng malunggay na para sa sugat kong natamo matapos akong madapa habang pinapalo ako ng papa ni Hira. Madalas ay lasing ito at mainit ang ulo kapag nakikita ako. Si Hira naman ay hindi nito sinasaktan pero may pagkakataong nasisigawan siya kaya palagi ko siyang pinapatago sa ilalim ng lababo para magtago.

Labindalawang taong gulang palang ako habang si Hira naman ay walong taong gulang. Ang tatay ko ay iniwan na kami ni Mama simula nang mabuntis siya sa  'kin kaya nag-asawa ulit siya at naging bunga no'n si Hira. Mahal ko ang kapatid ko kaya ginagawa ko ang lahat para hindi rin siya saktan ng papa niya kapag lasing siya.

Napatigil ako sa pag-isip nang marinig ko siyang humikbi. Nagsimulang mahulog ang luha sa itim na itim niyang mata at nakangusong umiyak. Parang piniga ang puso ko nang mapagtantong gutom na gutom talaga siya. Sa oras na 'yon napagtanto ko rin na gutom na rin pala ako. Wala pa kaming kinakain simula kagabi. Nasanay akong tubig lang ang nilalagay sa tiyan tuwing gabi pero si Hira ay masyadong bata para matulog ng walang laman sa tiyan kaya sinisikap kong mamalimos at bilhan siya ng tinapay para tuwing walang dalang pagkain si Mama ay may maipapakain ako sa kanya.

"Hira, wala nang natira sa pera ni ate, eh. Tiis muna, ah? Pramis kapag nakarami si ate bibilhan ka niya ng dalawang tinapay."

Humikbi pa rin siya at mas lalong umiyak habang ang kanang kamay ay nakahawak sa tiyan. Nataranta ako nang biglang mag ingay ang pintuan na yero sa labas, tanda na nandyan na ang tatay ni Hira.

Sinubukan ko siyang aluin dahil sa takot na marinig siya ng tatay niya at mapagalitan kami pero huli na dahil isang malakas na sampal ang tumama sa magkabila kong pisngi. Ang musmos kong katawan ay natumba sa sahig. Umalingawngaw ang mas malakas na iyak ni Hira na agad na yumakap sa akin habang nakatingin sa kanyang ama na galit na nakatunghay sa aming dalawa. Wala akong magawa kung hindi ang humikbi, dama ko ang sakit ng katawan habang inaalo si Hira sa takot na baka siya naman ang saktan.

"Putangina patahimikin mo 'yan o mayayari kayo sa 'kin?!"

Araw-araw ay gano'n ang eksena. Hindi lulubog ang araw nang hindi niya 'ko nasasaktan. Minsan iniisip ko kung nandito ba ang totoo kong tatay, sasaktan din kaya niya 'ko ng gano'n? May araw kayang wala akong bagong sugat?

"Mama!" sigaw ni Hira matapos makita si Mama pagpasok pa lang ng bahay. Kakatapos ko lang maglinis ng buong bahay at maglaba kaya puno ako ng pawis. Pinunas ko sa mukha ko ang manggas ng damit at nagmano sa kanya. Tinanguan niya lang ako at nginitian ang bunsong anak.

My Favourite Spotlight (Jeez Series 1)Where stories live. Discover now