My Favourite Spotlight 09

34 4 0
                                    

"Mack, kayo muna bahala kay Hira, ah?" pakiusap ko sa mga kaibigan ko habang inaayos ang mga gamit para maghanda sa taping. T-in-ext ako ni Kuya Talcott dahil kailangan maaga akong pumasok ngayon kaya nagmamadali akong mag-ayos dahil konti na lang ay malel-ate na 'ko!

"Ilang gabi na ang lumipas, sigurado ako hindi na mauulit 'yon." Hinawakan ako sa balikat ni Tracey kaya napatigil ako sa pagsara ng bag ko.

Napabuntong hininga na lang ako at sumilip sa sala kung nasaan si Hira at nag-aaral para sa exam nila. Kagat ko ang labi habang inaalala ang nangyari noong nakaraang linggo. 'Yung kaba na nararamdaman ko tuwing maalala 'yon ay hindi nababawasan. Simula nang gabing 'yon, hindi na 'ko naging kampanteng iwan si Hira mag isa sa bahay. Madalas napapansin kong parang may sumusunod sa amin at gusto kong isipin na gawa-gawa lang 'yon ng isip ko pero parang totoo.

"'Wag kang mag-aalala! Kaming bakla bahala sa kapatid mo. Kapag may nangyari na naman, nandito kami para jombagin ang mga putragis na 'yon!" Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Macky.

"Agree!" Inayos naman ni Beng-Beng ang buhok ko at inipon sa kamay niya. "Mga bakla kami pero kaya naming magpaka-Magellan may nang-api sa mga junakis namin."

"At hindi kami matatakot na ilabas ang espada ni Magellan," dagdag ni Tracey at sabay-sabay silang natawa. Napailing na lang ako at tuluyang sinara ang zipper ng hindi naman malaki at hindi gaano kaliit na bag. Laman lang no'n ay damit na pamalit ko at ibang hygiene, baka kase abutin kami ng madaling araw don.

"Puro kayo kalokohan, aalis na ako." Lumabas ako ng kwarto dala ang mga gamit at napatingin naman sa 'kin si Hira na busy sa pagsusulat. Suot-suot niya pa ang salamin niya habang ang isang kamay ay may hawak na ballpen.

"Alis ka na, 'te?" Tumango ako at lumapit sa kanya para tumabi. Napayuko naman siya pinaglaruan ang ballpen sa kamay at hindi makatingin sa akin ng diretso.

"D-Dito ka na l-lang." Matapos marinig ang pagpiyok ng boses niya ay gusto kong ibalik lahat ng gamit ko sa kwarto at samahan na lang siya buong araw pero alam kong hindi pwede. 'Yung traumang idinulot ng gabing 'yon kay Hira ay sobrang lala na hindi na siya komportableng mapalayo sa'kin.

Hinaplos ko ang buhok niya at patagilid na niyakap. Rinig ko ang paghikbi niya bagaman alam kong pinipigilan niya 'yon para hindi ko marinig.

Masyado pa siyang bata para maintindihan ang ginagawa ko. 17 years old pa lang siya at sa edad niya ay hindi niya pa dapat nararanasan ang lahat ng 'to. I didn't experience enjoying my teenage life so I want to do anything just to make sure she will not suffer like me.

"Magta-trabaho lang si ate. Bukas ng umaga uuwi rin ako. Ano gusto mong pasalubong?" Pilit kong pinasigla ang boses at ngumiti kahit nangingilid na ang luha.

Umiling siya, "Basta mag ingat ka lang, Ate," malamig na sagot niya at umalis sa pagkakayakap ko, nagsimula siyang ligpitin ang mga gamit niya habang iniiwas ang tingin sa akin, takot na makita ang mugto niyang mata. Kagat-labi ko siyang pinagmasdan at napatingin sa direksyon ng pinto ng kwarto kung saan nandoon at nakasilip ang mga bakla. Pilit ang ngiting iginawad nila sa'kin at nag thumbs up para iparating sa akin na magiging okay rin ang lahat.

Mabigat ang loob na umalis ako sa bahay, bawat kantong nililikuan ko ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay may taong sumusunod sa 'kin na nagpapadagdag ng kaba ko.

Sumakay na ako ng tricycle para mapabilis ang pagdating sa set. Pagkarating ko roon ay nagre-ready na ang lahat at ang iba naman ay nakakumpol sa isang malaking lamesa at kumakain. Binati ako ng ibang staff at ang iba naman ay hindi ako pinansin, ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at ibinaba ang gamit sa isa sa mga upuang plastik para pumunta sa kanila at makikain. Libre kasi ang agahan para sa lahat ng mga staff kaya hindi na ako nag aksaya ng oras para makisalo. Duhh, sino bang may ayaw sa libre?

My Favourite Spotlight (Jeez Series 1)Where stories live. Discover now