My Favourite Spotlight 18

15 3 0
                                    

I always smile even I'm hurting. I ignore the pain because what's the use of suffering from what has been done when nothing would change even a bit? Mawawala ba ang sakit kapag umiyak ako? Mababago ba ang nangyari kapag pinagluksaan ko ang bawat araw na pakiramdam ko unti unti akong namatay?

Wala.

Wala akong choice kung hindi magpatuloy kahit na pakiramdam ko walang direksyon ang buhay ko. I used to be my sister's savior everytime I saw her having trouble in making friends, everytime I saw other people bullying her but now that her life is at risk, wala akong magawa kung hindi tumitig sa puting kisame habang naririnig ang pagtunog ng makina sa tabi ko.

Pakiramdam ko ang paghinga ko pero hindi ko ramdam na buhay pa 'ko. May mga tao sa paligid kong umiiyak pero wala akong lakas para intindihin ang bawat salitang sinasabi nila.

"A-aezra nandito lang kami. 'Wag kang susuko ah?"

"Mag-pagaling ka! P-para kay Hira. . . Para sa a-anak mo."

"Okay na ra si Hira aantayin na lang daw magising. 'Yung baby mo, aalagaan natin siya."

'Baby mo'

'Baby mo'

'Baby mo'

'Baby mo'

'Baby mo'

I slowly moved my hand and place it above my tummy, I gently caressed it while my eyes watered instantly when realization hits me.

I thought I was already dying, not literally but emotionally. I'm slowly dying inside. But after I heard the news from the doctor I was wrong because my baby is inside me, alive and breathing.

Nanay na 'ko

May bata nang nabubuhay sa sinapupunan ko at hindi na ako mag-isa. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa ganoong balita, matwa ba 'ko dahil tulad mg sabi nila ay blessing ang nasa sinapupunan ko? O malulungkot at kamumuhian ang sarili dahil lalaki ang batang ito na walang ama dahil tinaboy ko?

Alam kong hindi magiging madali ang lahat, wala akong planong magkaanak at hindi pa ako handa sa ganitong responsibilidad. Masyado pa akong bata para sa ganito pero handa akong maging ina at ama sa anak ko. Hindi ko hahayaang maranasan niya ang paghihirap na naranasan ko noon.

"Kumain ka na Aezra, kailangan ng anak mo 'yan. Mamaya ka na mag-emote, ako nag-aalala sa 'yong bata ka!" Tulala lang ako sa bintana nang biglang dumating si Macky. May dala siyang supot ng pandesal at sopas. Inilipat ko ang tingin kay Hira na ngayon ay wala pa ring malay. Gusto kong umiyak na naman nang makita ang kalagayan niya, nakabenda ang ulo at puno ng sugat sa mukha.

Dalawang linggo na kami ngayong nasa hospital pero hindi pa rin siya nagigising, ang sabi ng doktor ay maayos naman daw ang kondisyon niya bukod sa kaniyang paa. He said there's a possibility na hindi na raw makalakad ang kapatid ko. Gusto kong magwala nang malaman 'yon, hindi ko mapapalampas kung sino man ang gumawa nito. Alam kong may chansang hindi na mahanap pa ang gumawa nito kay Hira dahil mayaman daw ang suspect, masyadong imposible na saamin ngayon na maabot ang hustisya.

"Aezra. . . ." bulong ni Macky. I smiled bitterly when I felt my eyes watered.

"Macky, ano bang kasalanan ko sa past life at sa akin nangyari 'to? I laughed bitterly. "Wala naman akong ginawang masama e. . ." Kagat ko ang labi habang pinipigilang humikbi.

"Si Hira, ang bata niya pa. Ang sabi ng doktor baka hind na raw siya makalakad pa, hindi ko kaya," tila nawawalan na ng pag-asang saad ko. Nataranta naman siya at agad akong pinakalma pero hindi nangyari 'yon dahil mas lalo akong umiyak nang inalo niya ang likod ko.

"Si Akishiro. Niloko niya 'ko, ang sabi niya mahal niya 'ko tapos kabit lang pala ako." I closed my eyes hardly, masakit. Masakit pa rin na tila ba kahapon lang nangyari. "A-ayaw ko ng ganito Mack, buhay pa 'ko pero parang unti-unti na kong pinapatay."

"Shhh, Aezra, kumalma ka muna. Makakasama sa baby mo 'yan e. Alam kong mahirap pero nandito pa kami ah? Magpapakaama kami nila Beng at Tracy sa junakis mo. Hindi mo kailangan ng lalaki para palakihin siya kase nandito lang kami nakasaalalay sa 'yo. At si Hira, gagaling siya. Hindi man gano'n kabilis pero may awa ang Diyos hindi ka niya pababayaan," emosyonal na saad niya.

Humihikbi akong umiiling habang pinupunasan ang mga luhang nalalaglag sa mata ko. "Awa? Hindi pa ba sapat na pinaglaruan ako ng ama ng anak ko kaya pati si Hira kukuhanin na niya sa 'kin ngayon?"

Umiiyak siyang yumakap sa 'kin at hinaplos ang ang buhok ko," Tama na. . . Aezra, alam kong mahirap pero sana 'wag ka namang magsalita ng ganiyan?" puno ng pakiusap niyang saad.

"Ang sakit e.  . ." Yumuko ako at itinakip ang palad sa mukha, doon ako nagpatuloy na umiyak at ibinuhos ang luha.

I can't describe how much painful it was for me basta ang alam ko lang, gustong gusto ko nang sumuko.

Matapos kong umiyak ay inayos ko ang sarili ko at kumain ng dala ni Macky. Umalis siya saglit para balikan ang p'westo nila sa palengke, mamayang gabi ay babalik siya kasama na sila Tracy at Beng Beng. Naiwan ako sa tahimik na kwarto at muling natulala. Pinagmasdan ko ang tahimik na pagtulog ni Hira at lumapit sa kaniya. Hinaplos ko ang buhok niyang nakalagay sa magkabila niyang ulo at hinalikan ang kaniyang noo.

"Gising ka na, Hira. Miss na miss ka na ni Ate. 'Wag mo naman akong pag-alalahanin ng ganito oh, natatakot si Ate kase ilang araw ka nang tulog diyan e." I sighed before fixing her pink blanket. "May pamangkin ka na kaya kailangan mong gumising diyan, 'di ba--"

I stopped from talking when I saw her finger moved. Mabilis lang 'yon at kaunting galaw pero hindi nakatakas sa mata ko. My mouth hang opened and I immediately cried in ecstasy when she slowly opened her eyes.

"H-hira," umiiyak na tawag ko sa kaniya. Muli siyang pumikit at nakaramdam ako ng matinding takot dahil baka hindi na muli niyang idilat 'yon pero sa pangatlong pagkakataon ay tumingin na siya sa 'kin, tila kinikilala ako.

"Andito si Ate. . . Hira!" Tuluyan na akong napahagulgol at niyakap siya. She tried to hugged me back and I cried harder when I felt her hand slowly touching my back, comforting me.

"A-ate. Bakit ka umiiyak?" Humiwalay ako sa kaniya at umiling. Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya.

"Masaya lang ako, masaya lang si Ate kase gising ka na e, tinakot mo 'ko ng sobra." Muli ko siyang niyakap at hinalikan sa noo.

"Ate. . ." Tumitig ako sa kaniya nang tawagin niya 'ko, may takot na dumaan sa mata niyang subukan niyang gumalaw. I bit my lower lip when another batch of tears came out from my puffy mouth.

"'Yong paa ko, Ate. . ." Takot na takot ang mata niya nang hindi niya 'yon maigalaw. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya, mahirap para sa 'kin na tanggapin 'yon at alam kong lalo na sa kaniya.

"'Yong paa ko Ate hindi ko magalaw." Tuluyan na siyang umiyak at sinubukang umupo para mapagmasdan ang paralisado niyang paa.

Malakas siyang humagulgol nang hindi niya 'yon maigalaw kahit anong pilit. I hugged her to stop her from forcing herself to move, baka makasama sa kaniya.

"Ayaw ko. . . Ate bakit ganito!," sigaw niya at wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan siyang wasak katulad ko.

My Favourite Spotlight (Jeez Series 1)Where stories live. Discover now