My Favourite Spotlight 02

50 12 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko, kasalukuyan pa rin akong nakaupo sa kalsada habang si Macky naman ay natatarantang nakatitig sa akin, inaalam kung ayos lang ako.

"Putangina, Aezra! Sumagot ka!" mangiyak-ngiyak na sigaw sa'kin ni Macky dahilan para maalis sa lalaking kulay tsokolateng mata ang paningin ko.

I nodded.

"Oh my god, I'm sorry." He cried and hugged me. Tulala lang ako at hindi alam kung paano akto. Napapaligiran na kasi kami ng mga tao at lahat sila nakatingin sa amin! Bahagya akong napangiwi sa yakap ni Macky, ang sakit ng balakang ko punyeta!

"Owemji! Aezra!" Hindi pa man tapos magdrama ay nakita ko na ang papalapit na si Beng-Beng at Tracey, parehas silang nagpa-panic at ganoon na lang ang pagdaing ko nang pabagsak silang sumalubong sa akin at yumakap. PUTANGINA TALAGA.

"Gago! Ano ba kaseng pinaggagawa mo? Ano? Plakda ka ngayon?" Sumisinghot-singhot pa si Beng-Beng.

"Hindi n'yo ba muna ako tutulungang tumayo?" angal ko kaya agad silang nataranta at tinulungan akong makatayo, napasimangot ako nang maramdaman ang sakit sa bandang puwitan. Madami-daming salonpas 'to.

"Kung gusto mo na magpakamatay sabihin mo! Hindi idadamay mo pa si Manong Albert!" tukoy ni Tracey sa nagmamaneho ng kulong kulong na ngayon ay isa na rin sa mga taong nakapalibot sa amin.

"Masyado mong kinarir ang pagiging serena! Ano ilang isda nakuha mo?" si Macky.

"Aezra naman! Alam naman naming marami kang problema pero sana naman isipin mo kaming mga nagmamahal sa'yo!" umiiyak na saad ni Beng-Beng kaya napakunot ang noo ko.

Pinagsasabi neto?

The two gays nodded.

"True! Kung gusto mo tutulungan ka namin makaipon!" 

"Iyong kita namin—"

"Teka nga! teka!" pigil ko sa kanila at nakapamewang na hinarap sila.

"Ano bang sinasabi n'yo?" sabay-sabay silang nagmura nang mawalan ako ng balanse at muling napaupo, halos maiyak ako sa sakit nang muling tumama ang pang upo sa semento, ang mga tao naman ay nagsimulang mag-panic at tumawag ng ambulansya! Buhay pa po ako!

"Excuse me." Napatigil ang tatlong bakla sa pagtulong sa 'kin pagtayo nang may lalaking pumagitna sa kanila, iyon 'yung lalaki kanina na may hinahabol. Nakita kong nasa kamay na ang bag niya kaya napahinga ako ng maluwag.

Napalunok ako nang lumuhod ang lalaki sa harapan ko at nagpantay sa mga mukha namin, magulo ang buhok n'ya at ganoon din ang kanyang suot na black hoodie.

"Are you okay, Miss?" I gulped when I heard how soft his voice. Para akong hinehele. Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga bakla.

Nakabuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas doon, nakatitig lang ako sa kulay tsokolate niyang mata habang siya naman ay patuloy na in-e-examine ang katawan ko.

Pilit akong ngumiti. "I-I'm fine," alanganin kong sagot. Napabuntong hininga s'ya at gano'n na lang ako pagtayo ng balahibo ko nang hawakan niya ang braso ko at alalayan ako sa pagtayo. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi at ang kaninang sakit sa katawan ay tila ba nawala.

"You sure? I saw you earlier, you can't even stand on your own." Natulala ako sa pag E-English niya! My gosh! I think my nose is bleeding na!

"U-huh? And now you can't speak?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Umayos ako ng tayo at bahagyang lumayo sa kanya dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Ang mabangong amoy niya ay kumapit sa ilong ko, tila ba hindi alintana na pawisan siya.

My Favourite Spotlight (Jeez Series 1)Where stories live. Discover now