CHAPTER 063 - Opening Party

Magsimula sa umpisa
                                    

"I don't know her name, but Aris was so pissed I've never heard him yell at a woman. Sinuway ko nga at sinabihang kumalma, binagsakan ba naman ako ng telepono?"

She grimaced. Poor Lawrah.

Noong naroon sina Lawrah at Aris sa bahay ni Gene ay hindi rin niya ito nakausap dahil malibang mailap ay halos sumagot-dili rin ang dalaga sa mga tanong niya. She decided not to impose—she didn't want her to feel uncomfortable. Pero hindi niya inasahang hanggang sa mga sandaling iyon ay kasama pa rin ni Aris si Lawrah. Akala pa man din niya ay ihahatid na nito ang dalaga sa pulis noong araw na umalis ang mga ito...

Something might have happened... she thought.

"How did you know her, Trin?" tanong naman ni Leonne bago bumitiw sa kaniya.

Pero bago pa man siya nakasagot ay lumapit na si Gene na sandaling nagpaalam kanina para kausapin sa telepono si Phillian na papunta na rin kasama ang asawa at anak. Si Gene na ang sumagot sa tanong ni Leoone.

"Dumating si Aris noong nakaraan kasama si Lawrah. Iyon ang staff na tinutukoy niya, sigurado." Huminto ito sa tabi niya bago nagpatuloy. "I got a call from Phill. Muntik na raw siyang maligaw dahil hindi kabisado ang area. I gave him the correct direction, they will be here in five minutes."

"Is he staying overnight?" tanong pa ni Lee.

"Yes, sa bahay ko sila mananatili ngayong gabi. Maaga silang aalis bukas para dumiretso sa Asteria. They'll be visiting Ma."

"How about Quaro and Kirsten?" Leonne asked.

"They'll be here soon, too." Niyuko siya ni Gene, at nakita niya kung paano lumambot ang anyo nito. He slightly smiled and said, "Paparating na rin si Father Miguel para i-bless ang facility. We can start the ceremony upon his arrival. For now, how about you tour some of your guests around the facility? Doon muna kami sa kabila nina Lee at Leonne."

Tumango siya at sandaling nagpaalam sa dalawang kapatid ni Gene. She wanted to say something more to Gene-- something naughty and playful. But she remembered that she had to be careful with her words and actions because they agreed not to tell anyone yet about their relationship, most especially his family.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating sina Phillian at ang asawa nitong si Calley. Kasama ng mga ito ang magda-dalawang taong gulang nang anak na si Theo.

Sandali siyang nagpaumanhin sa ilang mga kakilalang naroon upang salubungin ang mag-asawa. Phillian smiled widely when he saw her. Lumapit ito at humalik sa pisngi niya.

"Congratulations on your new business, Trinity," anito sa masuyong tinig. "And thank you for inviting us."

"No; thank you for coming, Kuys. Ramdam ko rin ang suporta mo." Si Calley naman ang sunod niyang binalingan. "And hi, Doc. Alam ko nang paparating kayo kasi, noong lumabas ka sa truck ay lumiwanag na ang paligid."

Calley chuckled. "You look lovely yourself, Trini. And blooming, too! Are you in love?'

"I am," she answered confidently. Hindi lang si Calley ang nagsabi niyon sa nakalipas na mga araw, kung hindi pati na rin ang mga staff ng facility at ilan niyang mga kakilala na nakakasalubong sa supermarket at mall.

"Really?" Phillian smiled curiously. "Kung tama ang narinig ko mula kay Deewee ay tumigil na siya sa panliligaw sa 'yo?"

"Well obviously, hindi siya ang dahilan kaya blooming ako." She winked at Phillian and said no more. She would keep him guessing.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon