Kaagad akong kinabahan nang bigla siyang tumingin sa ’kin, at tinitigan ako sa mga mata. “Nag-away kami dahil minahal niya ang nag-iisang babae sa buhay ko. I really love her . . . sobra.” Nakatingin lang siya sa ’kin ng ilang minuto bago bahagyang ngumiti at muling umiwas nang tingin sa ’kin. “Since, mabait naman ako, I forgave him. Mabait din naman siya at sure akong mamahalin niya ng buong-buo ang babaeng pinakamamahal ko.” Nilibot niya ang kaniyang mga mata sa bawat isa sa amin bago muling binalik ang tingin kay Sevi.

Nagkatitigan silang dalawa hanggang sa unti-unting lumalabas ang magagandang ngiti ng anak ko. “Sevi . . . ” he started. “Salamat . . . salamat kasi lumaban ka.” He smiled genuinely.

Hindi ko maiwasang maluha sa sinabi ng anak ko. Ramdam ko ang kasiyahan at sinseridad sa mga iyon. Mabuti na lamang naghanda ako ng maraming tissue in case of emergency. Iyakin pa naman ako pagdating sa ganitong kaganapan. Kaya hindi ko itatanggi na umiyak din ako noong elementary at high school graduation niya.

“Pero kung hindi, susunduin talaga kita sa impyerno at ibabalik sa Mama mo.” He chuckled. Natawa rin ako sa biro niya. Hindi talaga maiiwasan ang kalokohan ng dalawa. Kahit seryoso na ang lahat nagagawa pa rin nilang magpatawa.

I'm so proud of them.

“Last but not the least . . .” Kumalabog ang puso ko nang bigla nag-angat ng tingin si Santi sa gawi ko. “Ma . . . graduate na po ako!” Ngumiti siya sabay sigaw at tinaas ang diplomang hawak niya. “Menos gastos na po kayo sa pagpapaaral sa'kin. Mga kapatid ko naman po ang i-spoil nating dalawa. Ako na pong bahala sa lahat kapag nagkaroon na ako ng magandang trabaho.” Nanatili siyang nakangiti habang nakatingin sa akin.

Saglit na katahimikan ang namayani bago siya naging seryoso at muling nagsalita. “Salamat po sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal, Mama. Para sa'yo at sa mga kapatid ko po itong lahat ng nararating ko ngayon. Gagawin ko pong lahat para mapabuti ang pamilya natin. Hinding-hindi ko po kayo pababayaan. I love you, Mama.”

Humahagulgol na ako agad ng iyak bago pa siya matapos sa pagsasalita. Sa lahat ng sinabi ni Santi, hindi imposibleng maubos ang luha ko sa pag-iyak.

Noon pa lang, alam kong magiging mabuting bata ang anak ko. At ngayong binata na siya at nakapagtapos ng pag-aaral, hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kan'ya. Ang swerte ko bilang ina niya, at sigurado rin akong magiging swerte ang babaeng mamahalin niya at makakasama habang buhay.

Pagkatapos ng speech ni Santi, yumuko ako para mag-ayos ng sarili. Siguradong pupunta iyon sa akin para kumustahin ako. Hindi ako puwedeng humarap sa kan'ya na mukha akong basang sisiw sa kakaiyak.

“Bago po pala ang lahat, may inggit na gustong mang-agaw ng moment ko. May sasabihin raw po ang bestfriend ko.” Bahagyang tumaas ang isang kilay ko nang marinig muli ang boses ni Santi. Nakita ko siyang umalis ng stage kanina, ah.

“Ayusin mo, Sevi.”

“Oo, akong bahala.”

Nagawa pa talaga nilang mag-usap habang hawak ang mic. For sure naririnig na ng lahat ang usapan nilang dalawa.

“Love . . .”

Natigilan ako at naramdaman ang bigat sa aking dibdib. Anong pina-plano nilang dalawa?

Nag-angat ako nang tingin. Nagulat ako nang makitang inaalalayan ni Santi si Sevi sa stage.

Alam ng lahat ang nangyari, at dahil sa operasyon, mahina pa rin physically si Sevi kaya kahit nahihirapan umattend pa rin siya ng kanilang graduation. Kaya ngayon, nakaakbay lang siya sa anak ko habang ang kan'yang wheelchair ay nandoon lang sa isang tabi.

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now