Hot 24

17.3K 467 227
                                    


Chapter 24

Crisanta Gutierrez

Nandito pa rin ako sa Marinduque kung saan ang probinsya ni Manang Linda. Wala akong balak umalis ng bansa para lang magtago.

Tahimik at payapang pamumuhay lang ang kailangan ko para sa kambal. Kailangan pa rin ako ni Santi kaya hindi ako puwedeng magpakalayo-layo. Gusto ko kahit nasa malayo ako nababantayan ko pa rin siya.

“Tita Crisanta!” rinig kong tawag ni Rayn sa labas ng kwarto.

Tumayo naman agad ako at pinagbuksan siya ng pinto. Inabot niya agad sa akin ang cellphone na hawak niya.

“Tumatawag po ulit si Lola, gusto po kayong makausap,” aniya.

Kinuha ko naman agad iyon at nagpasalamat. Medyo nakakahiya na sa pamilya nila ang ginagawa ko, pero wala na talaga akong ibang malalapitan.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at nakipag-usap kay Manang.

“Hello po, Mamang Linda,” bati ko.

“May sakit si Santi, Crisanta. Mataas ang lagnat niya.”

Sa boses pa lamang ni Manang Linda kumalabog agad ang puso ko sa pag-aalala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko na lang umuwi at puntahan ang anak ko.

“Manang, dalhin niyo po siya sa hospital. Uuwi po ako.”

Hindi ko puwedeng pabayaan na lang ang anak ko na may sakit habang wala ako sa tabi niya. Kung kailangan ng twins ng katahimikan, kailangan din ako ni Santi.

“Uuwi ka? Maghintay ka na lamang ng umaga, Crisanta. Delikado sa daan, lalo na at buntis ka pa.”

“Paano po si Santi? Kailangan niya ako ngayon.”

Parang sasabog na naman sa bilis nang tibok ang puso ko. Hindi ko puwedeng hayaan na lamang si Santi.

Dahil kaya ito sa paghahanap nila sa akin?

“Ako na ang bahala kay Santi. Nandito naman si Nikita para samahan ako.”

Mas lalo akong naguluhan at kinabahan nang marinig ang pangalan ng batang 'yon. Kay Nikita talaga siya aasa?

“Ano pong ginagawa ng babaeng 'yan sa bahay ko? Paalisin mo na po 'yan, Manang, bago pa po 'yan makagawa ng panibagong gulo.”

Wala na akong tiwala sa babaeng 'yan simula nang ipaalam niya sa buong pamilya namin ang nalalaman niya. Nang dahil sa kan'ya nagkagulo ang dapat ay tahimik kong mundo. Wala naman talaga akong balak na sabihin sa lahat na si Sevi ang ama ng dinadala ko.

Napilitan lang din akong sabihin kay Santi ang totoo bago pa niya malaman sa ibang tao ang katotohanan. Kasi alam ko nang mangyayari itong lahat.

“Isantabi mo muna ang galit mo, Crisanta. Kailangan ko si Nikita---”

“Kaya nga po uuwi ako, Manang. Hintayin niyo po ako diyan.”

“Bukas ka na umuwi. May susundo sa'yo. Sige na, dadalhin muna namin sa hospital si Santi.”

Hindi na ako nakapagsalita nang patayin ni Manang ang tawag. Lumilipad na naman ang isip ko sa sobrang pag-aalala kay Santi. Wala na ring ibang pumapasok sa isip ko.

Gusto ko nang umuwi at puntahan si Santi. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa anak ko.

Kasalanan ko itong lahat.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Mary, anak na babae ni Manang Linda. Naabutan ko siya sa sala, nagtatahi ng damit.

“Anong oras ang sunod na byahe ng barko?” tanong ko pagkalapit ko sa kaniya. Inabot ko rin ang cellphone niya.

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now