Hot 29

18.2K 450 219
                                    


Chapter 29

Thobias Christian Gutierrez

“Merry Christmas...” I mouthed as I watched my mother and Sevi kissing.

It’s Christmas and this family is the best gift I’ve ever received. Wala na akong mahihiling pa.

Ngumiti ako bago ko sila tinalikuran at pumasok sa loob. Ayokong maging istorbo sa moment nilang dalawa. Lalo na at ilang linggo nang nagmumukmok si Sevi sa dalawang kambal niyang lalaki. Hindi natin alam baka nagbabalak pa siyang bumuo ulit ng babae. Joke.

“Nasaan na sila, Santi? Malapit nang mag-countdown.”

Inakbayan ko si Manang Linda at pina-iwas ang tingin sa direksyon kung nasaan sila Mama. “Huwag na po nating hanapin, Manang. Masyado ng matamis, baka pati tayo langgamin.” I chuckled.

Tumango lang si Manang at ngumiti, tila naintindihan ang sinabi ko. Basta si Manang madali maka-gets 'yan kahit matanda na.

Nanatili na lang kami sa loob ng bahay ni Manang Linda habang naghihintay ng oras. Ilang minuto na lang kasi mag-pa-pasko na.

“Merry Christmas, everyone!”

Napalingon agad kami ni Manang sa sumigaw. As usual ang lovebirds. Sino pa ba? Wala naman kaming ibang bisita.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nilang magkahawak. Masaya ako na hindi nila kailangan magtago at magkita nang pasikreto. They can love each other freely without worrying people around them.

Ngumiti ako at nag-angat nang tingin sa kanila. “Merry Christmas!” bati ko pabalik sa kanila.

“Merry Christmases, anak.” Lumapit agad si Mama sa akin at saka ako niyakao. “I love you, baby.”

“I love you too, Ma.” Mahigpit ko siyang niyakap.

Pumikit pa ako nang mariin habang nakayakap kay Mama. Sa dami ng mga nangyari, she still the best mother for me. Mahal na mahal ko siya.

Pagmulat ko agad na nahagip ng mga mata ko si Sevi na may malaking ngiti na nakatingin sa amin. Hindi halatang masaya ang baliw. Naka-score na naman yata.

Nginitian ko siya bago bumitaw sa pagkakayakap kay Mama at lumapit kay Sevi. Nilapitan naman si Mama si Manang Linda.

“Merry Christmas, future Daddy Sevi!” I chuckled.

“Merry Christmas, future Kuya Santi!” bati niya pabalik at nakipag-kamay sa akin.

Tiningnan ko muna iyon saglit bago ko ito tinanggap. Nagulat pa ako nang hilahin niya ako at saka niyakap.

“Sana walang magbago...” He mumbled. “Mahal na mahal ko ang Mama mo... kaya pinapangako ko sa'yo, at sa Diyos na hindi ko siya sasaktan at pababayaan. Mamahalin ko siya araw-araw at ang lahat ng taong mahal niya. Especially you.”

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Niyakap ko na lang din siya pabalik at nagpipigil na umiyak.

I tapped his back. “Thank you, Sevi.” I smiled.

Masarap sa pakiramdam na alam kong nasa tamang tao na si Mama sa kabila ng mga nangyari sa kan'ya. Sa dami ng pinagdaanan niya sa pamilya namin, pinagdarasal ko na lang talaga palagi na sana may makakasama siya habang buhay.

Willing naman akong alagaan siya habang buhay kung wala na siyang makikilala. Iniisip ko lang na paano kung may mangyari sa akin, wala na siyang makakasama. Mahal na mahal ko si Mama, kaya lahat gagawin ko para sa kan'ya.

Kaya malaki rin pagpapasalamat ko kay Sevi na minahal niya ng totoo si Mama. Habang buhay din niyang mapagkakatiwalaan ang respeto ko.

“Pre, may graduation ball nga pala tayo sa March. Sasama ka?” Nag-angat ako nang tingin kay Sevi nasa harap ko sa tabi ni Mama.

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now