Hot 9

25.6K 613 103
                                    


Chapter 9

Crisanta Gutierrez

“You're pregnant. I heard you and Manang Linda.”

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nalalaman ni Santi. Dapat ba akong matuwa na hanggang doon lang ang alam niya, o matatakot sa mga posibleng tumatakbo ngayon sa isip niya.

Ilang araw na siyang wala sa mood, dumagdag pa ang pagbubuntis ko. Hindi naman siguro dahil sa akin 'yon, hindi ba?

Pilit kong inabot at hinawakan ang kamay ni Santi na nakapatong sa kan'yang hita. He's can't look at me.

Kinahihiya niya ako?

“Are you mad at me?” I asked calmly.

He shrugged his head. “Hindi po.”

“Then, tell me what's in your mind. I want to know.”

“Importante pa po ba 'yon?” Nilingon niya ako na kahit hindi niya sabihin, alam kong may sama siya ng loob sa akin. “May magagawa pa po ba ako? Nangyari na ang nangyari, hindi na importante kung anong mararamdaman ko at iisipin ko. Sana bago niyo po ako tinanong, may pagpipilian pa po ako. Sige, Ma, may gagawin pa po ako. Do what you want, I won't get in your way.” Tumayo siya dahilan para bumagsak ang kamay ko sa ere.

Parang napunit ang puso ko sa ginawa niya. Ganoon ba ako kasamang ina sa kan'ya? Tinanong ko lang naman siya kung anong nararamdaman niya para kahit pa-paano mabawasan ko ang sakit na dulot ng ginawa ko.

Pero may magagawa pa nga ba ako? Nasaktan ko na siya... hindi sapat ang sorry para pagkatiwalaan niya ulit ako.

Tinalikuran niya ako at hindi na muling lumingon pa. He slumped the door.

Naramdaman kong bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kahit na kailan, ayokong nakikita niya akong umiiyak. Noon pa lang nilalakasan ko na ang loob ko para kan'ya, gusto kong makita niya akong malakas kahit na paulit-ulit akong nasasaktan at nahihirapan.

Mahal ko si Santi, buong buhay ko sa kan'ya umikot ang mundo ko. Kaya ang makita siyang nasasaktan, lalo na dahil sa akin parang pinipiga ang puso ko.

I won't forgive myself if I lose my son. Pero hindi ko rin kayang pakawalan na lang ang batang dinadala ko nang wala 'man lang siyang kalaban-laban. I can't put away all the good things waiting for him/her in this world.

My baby deserve everything too.

“Sorry, mga anak...” Yumuko ako at hinaplos ang tummy ko. Humagulgol ako ng iyak. “Sorry sa... l-lahat.”

Kasalanan ko naman itong lahat, kaya wala akong karapatan para magreklamo. I'll take all the blame and pain that I deserve.

Kinabukasan napagpasyahan kong ituloy ang pagpapa-check up ko sa OB. Pinagpaliban ko na kasi iyon kahapon dahil sa pag-iisip ko kay Santi.

Ayokong dalhin ang problema ko sa Hospital at baka kung ano pa ang mangyari sa akin doon.

Mag-isa lang akong ba-byahe dahil wala naman akong driver at makakasama. Matanda na si Manang Linda, I won't take all the risk to expose her in the hospital. Baka kung ano pa ang dumapong sakit sa kan'ya.

Sabado naman ngayon, less hassle sa traffic.

“Samahan na po kita sa Hospital.”

Bakas sa pagmumukha ko ang gulat nang biglang damputin ni Santi ang bag ko sa sofa bago ko pa ito makuha. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling at bigla na lang siyang sumusulpot kung saan. I can't remember either saying anything that I was going to the hospital.

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now