Hot 6

33.2K 606 475
                                    


Chapter 6

Gael Sevirino Torres

Mariin akong nakapikit at taimtim na nananalangin. Mukha lang akong hindi nagse-seryoso sa buhay pero marunong naman akong magdasal at tumawag sa itaas.

Bago matulog iyon ang palagi kong ginagawa. Ang magpasalamat at humingi ng tawad sa lahat ng nagagawa kong kasalanan.

I'm not perfect though.

“Sev--- ops. Sorry.”

Dali-dali akong nag-sign of the cross bago nagmulat ng aking mga mata. Nakatayo at naghihintay na si Santi ang naabutan ko sa may pinto ng kwarto niya.

“Ano 'yon?” tanong ko bago binaba ang tingin sa mga kamay niya. May hawak siyang dalawang bote ng beer. “Hindi mo naman agad sinabi, halika dito sa tabi ko, son...” Malapad ang ngiti akong nag-angat ng tingin. “Of a b*tch,” dagdag ko, tinatapik ang ang higaan niya sa tabi ko.

“Gag*! Kata-tapos mo lang magdasal.” Sinarado niya ang pinto at naglakad palapit sa akin. Kinuha ko naman agad ang beer na inaabot niya.

“Ayos lang 'yon, magdarasal na lang ulit ako mamaya. Cheers!” Tinaas ko ang aking beer na agad naman niyang sinagi ng hawak niyang beer.

“Cheers to the person that we can't have!” aniya.

I was stunned and looked at him seriously.

What does he mean?

Marahan kong binaba ang aking kamay na may hawak na bote, pinapanood si Santi na nilalagok ang beer. He's smiling, but his eyes telling the other way.

“O-okay ka lang, Santi?”

I'm not good in constructing words, especially easing an unwanted feelings. Magaling lang ako sa gawa, lalo na kung sa kama gagawin.

Hindi niya ako pinansin. Malapit niya nang maubos ang beer na iniinom niya. Simula kanina pagkalapat ng labi niya sa bibig ng bote, hindi niya pa ito inaalis hanggang ngayon.

Mukhang may problema nga ang aking matalik na kaibiga slash future son. Imposible naman kasi magkakagan'yan iyan na walang dahilan.

Kilala ko rin si Santi, hindi 'yan umiinom kung walang iniisip na problema. Last time na nalasing 'yan, noong unang beses na mag-uwi ng lalaki si Tita Crisanta.

Wala pa rin kami sa tamang edad noon para uminom, kaya hindi pa rin alam ni Tita 'yon hanggang ngayon.

“Tang*na, sarap!” He sigh, barely turned to me. “Hmm... bakit mo ako tinitingnan?” Mapupungay na agad ang kan'yang mga mata, with his lips slightly open. Mukhang lasing na nga siya.

Iisang bote pa lang iyon, pero mukhang naka-isang case na siya ng beer. Mabilis kasing tamaan ang isang 'to, kaya napakadalang niya talagang uminom.

“Ayos ka lang ba, pre? Baka gusto mong pag-usapan.”

His forehead furrowed.

“Ha? Pag-usapan?” He chuckled. “Walang pag-uusapan, ayos lang ako...” Tumingala siya at humagikgik ng tawa habang marahang tinatapik ang kan'yang dibdib. “I'm fine... I need to.”

Ako naman ang napakunot-noo sa kung anu-anong mga lumalabas sa bibig niya. Hindi naman halatang wala na siya sa katinuan.

“Matulog ka na nga, baka masapak pa kita. Drama, amputa.” Tumayo ako at agad siyang nilapitan. “Akin na 'yang bote, matulog ka na.” Pilit kong kinuha ang boteng hawak niya. Nilalayo kasi niya ito sa akin na parang bata na takot maagawan.

Ano ba 'yan! Kaya ayaw kong pinag-iinom ang lalaking 'to. Matik nagiging baby sitter ako. Tsk.

“Teka lang! I'm not done. Minsan na nga lang ako uminom!” He pouted.

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now