42. The Sacrificial Lamb

60K 2.3K 154
                                    

LARA

Mahigpit ang pagkakahawak saakin ni Laurent habang narinig kong tinatatawag ako ni Cael. Sinubukan kong magpumiglas pero sadyang malakas ito. Gustuhin ko mang kausapin at bawiin ang kapatid ko mula sa mga tenebris ay tila ayaw na akong pakinggan ni Laurent. Naniniwala akong may natitira pang kabutihan sa puso niya gaya ng sabi ni reyna Elmaea.

"Bitiwan mo 'ko! Parang awa mo na! Kailangan kong iligtas si Cael! Please!" Karga-karga parin ako ni Laurent habang nilalayo sa mga tenebris. Nang ibaba ako nito ay nasa isang sulok na kami ng halamanan sa may gilid ng house of draco kung saan nakikita ko parin ang palitan ng kapangyarihan ng mga dark forces at nga taga academy. Isang daang metro ang layo ko mula sa lugar kung saan nagaganap ang salpukan.

"Please stay here with me. Hindi ka pwedeng lumapit doon dahil ikaw ang pakay ng mga tenebris. Kung babalik man ang kapatid mo, magagawan 'yon ng paraan ni Master Uran sa oras na dumating ito," Laurent said in a serious tone. Commotion was between us but I saw how he was struggling to fight his anger.

"Alam ko, Laurent. You're trying to protect me. I understand!" angil ko sa lalaki. "Cael is the only family I got. He's my brother!"

"Cut it Lara!" he shouted. It almost echoed and I almost froze seeing him release his anger. "I lost Miranda, too! Hindi mo rin alam kung anong kinailangan kong isakripisyo! "

"W-what happened to Miranda?" taka kong tanong.

Pinipigil nito ang galit. Kitang-kita ko 'yon sa pagtiim ng kanyang bagang at sa paghigpit ng hawak niya sa aking dalawang braso habang nakaluhod ito sa harapan ko. "She hibernated after releasing too much energy to save me. Nasa Garon forest tayo dati, nang nahiwalay ka at nakaharap namin ang isang makapangyarihang demonyo. She said, I better survive bago niya pinakawalan ang natitirang enerhiya sa katawan niya at binigay saakin. That's the last thing a healer can do. She had no choice but to hybernate for years. Kapag hindi niya ginawa 'yon, mamatay siya," he paused.

He sneezed a bit and tried to stop himself from getting emotional but he failed. He was teary eyed then as he spoke, "I had a choice. I had a choice to refuse the healing energy coming from Miranda. Pero sabi niya, may mas mahalagang misyon na dapat tuparin kaya mas pinili niyang mag-hybernate at mawalay saakin."

"W-What's that mission?" Naguguluhan kong tanong.

He was in hesitant to answer. Bumuntong hininga pa ito ng malakas bago nagsalita. "It's you." Tapos ay tumingala ito at pinigil ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

"Mahabang kwento kung bakit kinailangang gawin 'yon ni Miranda at kinailangan ko ring tanggapin ang desisyon niya. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat kapag natapos na ang gulong 'to. Kaya sana, huwag mong sayangin ang lahat ng sakripisyo ng mga taong nagmamahal sayo para mailayo ka sa mga tenebris. I don't wanna lose you. Not now, not even forever."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa huling sinabi nito. Napamaang ako at napipi.

"Lara! Laurent!" bigla ay narinig kong sabi ni Amber habang hinihingal sa pagtakbo dala si ruru.

Mabilis namang kumawala si ruru kay Amber at agad na sumiksik sa mga bisig ko. "Ruuu... ruuu!"

"Amber, ano nang nangyari?" Tanong ko sa kaibigan kong namumutla parin.

"Tinamaan ng dark master si Mistress Fhaun habang magkasagupa sila. The dark master was in a form of a dark smoke kaya nahirapan si Mistress Fhaun na hulihin siya. Nalipol na rin ng dark master ang tatlong heads pati ang Gemini na dumating lang kanina. Masyadong malakas ang dark master! Kailangan natin si Master Uran!" Hindi maipinta ang takot sa mukha ni Amber. Halos manginig ito sa pagsasalaysay ng mga pangyayari. Napapahaplos ito sa magkabilang braso dahil sa mga nagsitayuang balahibo dala ng sobrang pangingilabot.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon