X. Catching Up

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pwede ba? You might get jealous," bulong niyang biro pagkasara niya ng pinto ng passenger seat.

"Oh, I wouldn't. Sawa na ako sa'yo." He chuckled tapos ay pumasok na sa loob ng sasakyan.

Tahimik ang biyahe nila. Hindi na naming nakikita pa ang ginagawa nila sa sasakyan, pagdating na lang sa restaurant na pupuntahan nila namin sila makikita. Paminsan-minsan ay naririnig kong nagsisimula ng conversation si Sef, but the woman just won't let him. Maybe she's awkward. According to our research, Aliyah's only been with one man. Ang fiancé niya noon na namatay sa isang aksidente just a week before their wedding.

"Make her happy tonight. First time niya ulit makipag-date after years, Sef." Payo ko sa kanya, hindi siya sumagot. Narinig ko na lang na tumigil ang makina ng sasakyan niya, hinanap ko ang CCTV kung nasaan sila. Nasa may tapat na sila ng restaurant. "Okay na ba ang CCTV ng restaurant?" Tanong ko kay Vector na nasa Gray.

"One second... there." Nag-flash sa malaking screen ang kabuuan ng restaurant. Kaunti lang ang tao, sa may malapit sa glass window sila pumwesto, sa labas noon ay kita mula sa screen ang magandang garden sa labas.

"The restaurant's nice. Saan mo 'yan nahanap? We should go there next week." Saad k okay Sef kahit na hindi naman niya ako sasagutin. Napansin ko na lang ang kamay niya na nag-okay sign. "Your treat?" Muli kong tanong. He put his middle finger high na ikinatawa namin.

Sumandal ako sa swivel at kinuha ang control. Itinutok at nilapit ko ang focus ng camera kay Aliyah at may pinindot na command upang makuha ang lahat ng features ng kanyang mukha.

"Na-i-set niyo na ba ang machine para magawa ang fake face?" Tumango si Jasmine at tinignan pa kung maayos ang pagkaka-kabit niya nito.

"Okay na ate," sagot niya, pagod ang boses. Inayos na niya ang kailangang gawin doon para masimulan na ang paggawa ng pekeng mukha ni Aliyah. Naglagay ng ulo na prosthetic si Jasmine, nagsimula ang machine na maglabas ng ilang maninipis at matalim na blade na mabilis na humulma sa prosthetic kung saan naging kahawahig na ito ng mukha ni Aliyah, nang matapos ay may lumabas na spray sa gilid at nagkaron ng kulay ang mukha.

Tumayo ako at maayos na sininop ang buhok ko. Tinulungan ako ni Starr at Elena na ikabit ang fake face sa akin. Nakadamit na ako ng katulad ng uniporme nila sa Carmine kaya madali na lang ang pag-aayos ko. Sinuot ko ang wig na kahawig ng buhok ni Aliyah at maayos na dinikit ito sa prosthetic.

"Ate," abot ni Jasmine sa holster. Pinatong ko ang paa ko sa maliit na table at inangat ang suot kong damit at kinabit ang holster. Inabutan ako ni Elena ng dalawang baril na nilagay ko sa harap na parte ng holster, tapos ay ang patalim na madalas kong gamitin na nilagay ko sa gilid. "Can you walk properly, ate?"

Tumango ako. "Years of practice."kumindat ako sa kanya. "Nauna na ako sa'yo. Ready na ako,Sef. Bring me the woman at ang ID niya."

Nakarinig ako ng tatlong magkakasunod na dalawang tap mula sa kanya at matapos ay ilang saglit ay dalawang tap ulit, pause, one tap, pause, dalawang tap. It means OK in morse code.

"How long shall I wait?" Mabilis na limang tap ang ginawa niya. "Okay. I'll be out this truck in five minutes."

"You like paintings, right?" Tanong ni Sef. Aliyah loves paintings. She's been in various exhibit, gaya ng impormasyon na nakuha namin. Doon niya nakilala ang fiancé niya.

"Yes, yes. May exhibit nga ngayon ang paborito kong pintor sa Makati, but then nawala sa isip ko at hindi ako nakabili ng ticket." Narinig ko si Sef na binanggit na may ticket siya nito, I heard Aliyah react like a child because of happiness. That's probably my cue, lumabas na ako ng truck at hinintay silang dalawa sa labas. I was three cars away from the restaurant, lumabas si Sef at Aliyah mula sa restaurant, nakahawak si Sef sa bewang nito na ikinangisi ko. May binulong si Sef kay Aliyah tapos ay pumunta na sila sa sasakyan na naka-park sa harap ng truck namin.

Art of Assassination Trilogy (Book2): VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon