Part 15:

7 0 0
                                    

3rd Person POV

10:00 AM

Nakahiga parin sina Sean at Ace.Nakayakap padin si Sean kay Ace patalikod maya-maya pay minulat na ni Ace ang mga mata niya.Tinanggal ang kamay ni Sean na nakayakap sa kanya.

Pakiramdam ni Ace ito na ang huling araw na makakasama niya si Sean ng ganito,dahil sa nangyari kagabi.

Pinagmasdan ni Ace si Sean na payapang natutulog.Hindi nito mapigilang malungkot dahil sa mga naiisip niya ngayon.

"Do I have to feel this way?" tanong niya sa sarili niya.

Bumagsak na ang mga luhang namuo sa mga mata nito.Alam na ni Ace ang susunod na mangyayari.

Bumangon na si Ace at naghahanda ng umalis nakarating na siya sa may pinto at sumulyap muli kay Sean.

"I love you,Sean Alcantara"

Saka binuksan ang pinto saka tuloy-tuloy ng lumabas.Nasa sala na siya noon ng tawagin siya ng Mama ni Sean.

"Ace, anak kain ka muna." Yaya ng mama ni Sean.

"Hindi na po tita alis na po ako,pakisabi nalang po kay Sean". Tugon nito.

"Umiiyak ka ba?" Tanong pa nito.

"Nag-away ba kayo ni Sean anak?" Dagdag pa nito.

"Hindi po tita,tuloy na po ako". Paalam ni Ace. Diretso na ito sa labas.Lumuluhang naglakad si Ace papunta sa sakayan.

Nakarating na ito sa bahay nila.

"Hiwalayan mo na ang lalaking yun Ace!" Bungad agad ng Ama nito.Diretso lang si Ace sa paglakad na parang walang narinig.

"Kinakausap kita,Ace wag mo akong talikuran!" Galit nang sigaw ng Ama nito.

"I just want to have a rest,Dad" malamyang sagot ni Ace sa ama niya.

"Your boyfriend ruin our reunion! Anong masasabi mo ngayon?" Sabi pa ng ama ni Ace.

"I know dad". tipid na sagot ni Ace.

"Stop that shit Ace or else." banta ng Ama.nito.

"Or else what?" Mataas na boses ni Ace.

"Ipapabogbog mo si Sean? Diyan ka naman magaling ee!" sumbat niya pa sa Ama nito.

"Whether you like it or not hihiwalayan mo yang lalaking yan at lilipat kana sa ibang school". Galit na sabi ng Ama ni Ace.Umalis na ito.Pumunta naman si Ace sa kwarto niya.

Tumonog ang cellphone nito.Tawag galing kay Enzo.Nakaramdam tuloy siya ng inis.Sasagotin na sana niya ang tawag pero bumukas ang kanyang pinto.

"Sorry Pinsan hindi na ako nakapagpigil kagabi". agad na sabi ni Enzo.

"Tanggap ko na Pinsan matatapos na dito ang kwento namin ni Sean". malungkot ang pagkakasabi nito kay Enzo.

"Sana diko nalang siya pinatulan---

"But you did" sarkastiko ang pagkakasabat ni Ace.

"Alam mo bang pakiramdam ni Sean pinagkaisahan natin siya? Na even me hindi ko siya naipagtanggol.Sinabi ko sayo kagabi na kalma ka lang.Iniinis ka niya at nagtagumpay nga siya nainis ka! Pero thank you parin dahil nakagawa nanaman ako ng ikadidismaya ni Dad". Umiiyak na si Ace.

"I just want to depend myself and also you.Ayaw ko na palaging pinag-iisipan ka niya ng masama.And Sorry ulit distansya nalang ako para wala ng gulo if ever na magsalubong man kami ulit". Sabi naman ni Enzo.

"Ayaw kong nakikita kang ganyan,sorry ulit". dagdag pa niya bago talikuran si Ace at lumabas ng kwarto.

Ace POV

Pag-alis ni Enzo hindi ko nanaman alam kung ano ang iisipin ko.Minamahal vessus pamilya na ang pinag-uusapan.

Tatawagan ko sana si Sean pero naisip ko baka sumugod pa ito sa akin mas lalong komplikado.

May pumasok nanaman sa kwarto ko si Mommy.Nakatingin siya sa akin ng diretso.

"Magbreak na kayo ni Sean,Spencer" sabi agad ni mommy.

Tumingin ako sa mga mata niya at naluha ito.

"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo anak".sabi ni Mommy.

Niyakap niya ako at hindi ko na napigilan ang iyak ko.

3rd Person POV

Nasa loob noon si Ace at tinatawag ni Sean ang pangalan niya.

"Ace"
"Ace"
"Ace"

Bakas sa boses nito na naiiyak ito at ramdam mo ang pighati sa loob nito.

Lumabas ang Ama ni Ace.

"Stay away from my son!". Sabi nito.

"Tito sorry po please,Ace" sabi nito.

"Lumabas ka Ace nandito ako"

"Ace Kausapin mo ako please sorry na". Umiiyak na ito.

Naririnig ito ni Ace at dumungaw sa bintana.Nakita niyang nasa gate si Ace at pilit na pumapasok.Nadurog ang puso ni Ace at naiyak nalang.

"Umalis kana dito ehu! Please lang". Pakiusap ng Ama ni Ace.

"Kahit sandali lang po Tito mag-usap lang po kami ni Ace". Makaawa ni Sean.

"Hindi ka na mahal ni Ace ehu matapos mong ipahiya ang pamilya namin kagabi,do you think gugustuhin ka pa ni Ace pero syempre lalo na kami?". Sabi ng Ama ni Ace.

"Just give me a chance please.I promise hindi ko na kayo ipapahiya".makaawa ni Sean.

"Umalis kana!" Galit na sabi ng Ama ni Ace at pumasok na ito.May dumating na rin na guards para kaladkarin palabas si Sean.

Umuwi nga si Sean na dala ang mabigat na damdamin at labis na pagsisisi.

Lumipas ang gabi.Hindi parin kumakain si Ace ng kahit na ano wala parin siyang gana.

Pumasok ang ama at ina ni Ace sa kwarto niya.

"Tambak na ang mga pagkain mo dito". Sabi ng Ina nito.

"Just leave me alone". Sabi ni Ace

"Sige wag kang kumain tignan ko lang kung mabubuhay ka!". sabi ng ama nito.

"Mas gugustohin ko nalang mamatay". Sagot ni Ace.Nakatanggap ito ng malutong na sampal.

"Iyan ang naituro ng pagmamahalan ninyo ng Sean na yun? Ang sagotin ako?Magready kana para sa lilipatan mong school!". Sabi ng ama nito.

"Ayoko nang mag-aral". Sagot naman ni Ace.

"Fine! Maghanap kana ng trabaho mo! Or gawin nalang kitang helper ko". sabi ng ama nito.

"Ayaw kong magwork dito nalang ako sa bahay hanggang tuloyan na akong mamatay". Sagot ni Ace.

"Anong nangyari sayo,Ace?

"Anong ginawa ng Sean na yan sayo at bakit baliw na baliw ka?" sunod-sunod na tanong ng ama nito.

"Wala" tipid na sagot ni Ace.

"Do you love that man?" Tanong pa ng ama niya.

"Yes, I love him.It feels like home everytime i'm with him". seryosong sagot ni Ace.

"Fine,kung papayagan ba kita na mahalin si Sean makikinig kana sa akin? Tanong ng ama nito.

"Seryoso Dad?"

"Yes"

"Just give Sean a chance Dad makikinig ako". pledge ni Ace.

"Then go I'm here to support you son,sorry". sabi ng ama nito.

Niyakap ni Ace ang ama nito.

"Thank You,Dad".

"I love you,Son".

Ace Pov

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi ni Daddy pero parang totoo naman.Sana nga suportahan ako ni Dad.

--------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kape Isa Pa With LoveWhere stories live. Discover now