Part 13: Sundo

4 0 0
                                    


3rd Person POV

“So ano love sasama ka later? Birthday ng mama ni Adrian at ininvite niya buong tropa”. Sabi ni Sean.

“Ikaw nalang wala kasi ako sa mood ee” sagot naman ni Ace.

“Ahh may lakad kang iba?” Tanong ni Sean.

“Enzo nanaman?” Tanong ni Ace.

“Wala akong sinabi” sabi ni Sean.

“Dun lang din naman ang pupuntahan ng sasabihin mo ee!,Na kaya ayaw kong sumama kasi magkikita kami ni Enzo,diba?” Sabi ni Ace.

“Di galing sa bibig ko yan ikaw na nagsabi” sabi Sean na kalmado lang.

“Wag ka namang pa-obvious,Ace atsaka hindi rin ako tanga.” Sabi ni Sean na kalmado parin pero nakakairita itong pakinggan.

“Hay Diyos ko,ang bait talaga sa akin ng Diyos” naluluhang sabi ni Ace.

“Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo” sabi ni Sean saka tumalikod.

“Sige pero hindi ko maipapangako na magiging mabait ako doon.” Sabi ni Ace.

“Subukan mo lang babasagin ko yang mukha mo” banta ni Sean.

“Magbasagan tayo!” sabi ni Ace sa kalmadong boses.

“Ano bang problema mo sa mga barkada ko? Nung nagbirthday si Pauline sumama ako kahit na nahihiya ako kasi nandun mga angkan mo! Pero bakit kapag ako hindi pwedi?” sabi ni Sean.

“Pinilit ba kitang sumama?” tanong ni Ace.

“Hindi” sagot ni Sean.

“So problema ko pa ba kung nahihiya ka at napilitan ka lang sumama nung birthday ni Pauline?” sabat ni Ace.

“Basta sumama ka sa akin mamaya period” sabi ni Sean.

Umalis na si Sean at si Ace naman ay umupo sa may kama at hinimas nito ang kanyang sintido.

Nakapag-ayos na si Sean at papunta na ito sa bahay nila Ace upang sunduin ito.Pumasok na si Sean sa loob at diretso na ito sa kwarto ni Ace.Nakahiga ito at nakakumot.Hinablot ni Sean ang kumot at nakitang nakapikit si Ace.Hindi pa ito nakapag-ayos at mababakas mong hindi talaga ito sasama.

Niyogyog ni Sean ang balikat ni Ace at nagising ito.

“Ikaw nalang pumunta inaantok na ako” sabi ni Ace.

“Bumangon kana diyan at magbihis” sabi ni Sean.

“Bingi? Hindi nga ako sasama diba?” sambit naman ni Ace.

“Hihintayin mo bang maging dragon ako dito?” tanong ni Sean na naiinis na.

“Bakit ba ang hirap mo umintindi Sean? Ayaw ko ngang pumunta! Ayaw ko period!” sabi ni Sean.

“Ginagalit mo talaga ako?” sabi ni Sean na hawak na ang vase sa may study  table ni Ace.

“Umalis kana dito” sabi ni Ace.

“Ahh gets ko na schedule niyo ni Enzo,kaya pala.Okay sige” sabi ni Sean at inihagis na ang vase at nabasag ito.Tumayo si Ace at lumapit kay Sean atsaka sinampal ito.

“Galit kaba dahil binasag  ko yong vase o galit ka dahil nagsasabi ako ng totoo?” mapungay ang mga mata ni Sean ng sabihin ito na ilang saglit lang ay babagsak na ang kanyang mga luha na namunuo sa kanyang mga mata.

“Sean Please tama na! Wag mo na akong pilitin.Ayaw kong sumama sayo! “ sabi ni Ace.

“Please just give it a try,if hindi ito nagwork hindi na kita iinvite next na jam namin ng mga tropa ko” sabi ni Sean na maalumanay ang boses.

Kape Isa Pa With LoveWhere stories live. Discover now