Part 2: Campus Crush

13 0 0
                                    

Naglalakad ako sa hallway going to my next subject.May bumangga sakin at nabitawan ko ang hawak kong notebook.

"sorry pre". Sabi ng boses.

"Okay lang " sagot ko.

Dahan-dahan kong pinulot ang notebook ko at nakita ko kung sino ang nakabangga sakin.

"Sean Alcantara....

" Sorry talaga pre" paumanhin niya.Tinignan niya ako sa mata.

Ang ganda ng mata niya parang kumikislap.Matangos na ilong kissable lips,maputi at matangkad.Kung babae siguro ako humiyaw at kinilig narin ako kay Sean...Ang gwapo.

"Okay lang Sean,ingat nalang nextime neh". Sabi ko.

"Kilala mo ako?" Tanong niya.Sumabay na siyang maglakad.

"Oo naman ikaw ang campus crush diba?" Sagot ko naman.

" Oo ,edi crush mo rin ako?" Sabi niya na kinagulat ko.

"Ulol,hindi". Sagot ko.

May naghiyawan nanaman.

" Two handsome in one frame" sabi ng isa.

"Ang cute nila tignan"

"Napanood ko na yata itong BL series na to"

"Campus Crush X Campus Heartrob"

Nagtinginan nalang kami ni Sean at parehas na bahagyang tumawa.

"Mga siraulo'. Sabi niya sa mahinang boses.

"Sinabi mo pa". Tugon ko naman.

Naglakad pa kami sa hallway.Hanggang sa marating na ni Sean ang room niya.

"Sige dito na ako" sabi niya.

"Ahh sige" .sabi ko.

"Nice to meet you,Ace".sabi tapos pumasok na siya.

Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ahh "Campus Heartrob" nga pala ako malamang kalat na sa buong campus ang balitang ito.

Malapit narin ako sa room namin.Ibig sabihin kapag ganitong oras same kami ng floor.Mukhang mabait naman si Sean sa tingin ko.

Pagpasok ko palang sa room narinig ko na ang ingay ng kaklase kong si Ken.

"Hi Baby" sigaw agad niya.

Magaling magreport yan si Ken bilib na bilib ako sa kanya.

"Wala pa ba si maam?" Tanong ko sa kanya.

"Wala pa baby". Sagot niya.

"Ahh thank you" balik ko.

Umopo na ako at nilabas ang notebook para sa subject na ito.Sakto namang dumating ang teacher namin.

"Seat properly!" biglang tumahimik ang room ng sabihin ni Maam Valdez ang famous line niya.

"Nakita ko sa record ko na nasa klase ko ang campus heartrob" .

"Is Ace Gallardo here today?"

"Yes maam" sigaw ng mga klasmeyt ko.

"Kayo ba si Ace?" Sabay tingin ng nakakatakot.Tumahimik muli ang klase.

"Can you stand up Ace Gallardo?" Kahit medyo kabado tumayo parin ako.

"So ikaw si Ace Gallardo"

"Yes po maam".

"Pwedi bang makipicture sayo?" Tanong niya.Natawa ako napakaharot ni maam.

Lumapit sa akin si Maam Valdez at nagpicture nga kami.Bigla tuloy akong nahiya.Haha

Kape Isa Pa With LoveWhere stories live. Discover now