Part 12: Selos

5 0 0
                                    

Palabas na kami ng Gate ni Sean ng tumunog ang phone ko tawag galing kay Pauline,pinsan ko din sa mother side.

"Oh Spencer ano na? Asan kana?" Bungad agad niya.

"Ahh sorry nalimutan ko,Happy birthday Pauline" sabi ko.

"Thank you halika na dito ikaw nalang wala" sabi niya na pinamamadali na ako.

"Kasama ko kasi jowa ko baka malate ako" sagot ko.

"Sige na basta pumunta ka dito hihintayin kita". Sabi niya sabay patay na ng phone.

"Sino yun Love?" Tanong ni Sean.

"Si Pauline nag-aaya birthday niya kasi..".

"Sama ako love" . Excited na sabi ni Sean.

"Sure ka?" Tanong ko.

"Oo ayaw mo ba?" Balik niya.

“Syempre gusto” sagot ko naman
Nagpatuloy na kami sa paglalakad.Hanggang sa Nakarating na kami sa sakayan pauwi.Nagshower muna si Sean at ako umuwi na.Naligo at nagpalit narin.

Nasa labas na si Sean ng bahay at hinihintay nalang ako.Hindi na siya pumasok nag-abang nalang sa gate namin.

Lumabas na ako ng bahay at nakangiti si Sean ng makita ako.Tinignan  niya ako at kumagat pa sa kanyang labi.Natawa ako kasi alam ko na ang ibig sabihin nun.
Nandito na kami ngayon sa bahay nila Pauline nandun nadin ang mga iba pang pinsan namin.Kasama si Enzo.

“Guys si Sean pala boyfriend ko” pakilala ko sa kanila.At pinandilatan nila akong lahat maging si Enzo .

“Seryoso?” taas kilay na tanong ni Pauline.Tumango lang ako.Umupo na kami ni Sean katapat ni Enzo.

“Sana lahat may poging boyfriend kawawa naman kaming mga babae naubusan na ng lalaki” dagdag pa ni Pauline.

“Happy Birthday nga pala Pauline” bati ni Sean.

“Thank You”. Sagot naman nito.

3rd Person POV

Nagsimula na silang tumagay at napapasarap na ang kwentuhan.Hindi parin makapaniwala si Enzo na boyfriend ni Ace si Sean.

Kinakausap ni Enzo si Ace at sinasabing matutulog ito sa bahay nila Ace.Umiba ang aura ng mukha ni Sean ng marinig ito.

Kinurot ni Sean si Ace sa may legs tinignan lang ito ni Ace at bumulong ng “bakit”.Hindi naman umimik si Sean.Nagpatuloy parin sila sa pag-inom hanggang sa kinurot ulit niya ulit si Ace.

“Bakit? Masakit kanina pa yan ahh” sabi ni Ace na naiirita na.

“Nakabukaka ka oh” sabi nito.

“Eh ano ngayon?” ani Ace.

“sige na tumagay ka nalang” naiinis na sabi ni Sean.

Nag-CR si Ace at sumama si Sean.Dahil naiihi narin ito dahil narin sa alak na medyo madami-dami narin.

“May something sa inyo ni Enzo before?” tanung ni Sean.Naweirdohan naman si Ace sa tanung ni Sean.

“Pinsan ko si Enzo” sagot ni Ace.

“Magkatabi kayong natutulog dati?” tanong pa niya.

“Oo bakit nagseselos ka?” tanong ni Ace

“Hindi” tipid na sagot ni Sean pero bakas sa mukha nito ang inis.

PABALIK na sila sa inuman nun habang naglalakad ay may sinasabi si Sean.

“Sa bahay tayo matutulog ngayon ah” sabi ni Sean.Nagtaka naman si Ace.

“Bakit?” tanong ni Ace.

Kape Isa Pa With LoveWhere stories live. Discover now