Part 5: Shades

5 0 0
                                    


"Hoy pinsan anong nangyayari sayo?" Tanong ni Enzo kay Ace habang tulog na tulog pa ito at nanaginip.

TINAPIK niya ito ng medyo malakas para magising.Dahan-dahang minulat ni Ace ang mata niya at hanggang sa ngayon ay nakanguso parin.

NANG marealize ni Ace na si Enzo ang nasa harapan niya.Bumangon ito.

"Oh pinsan Goodmorning" bati nito sa pinsan niya.

"Anyari sayo bakit nakanguso ka habang tulog". panimula ni Enzo.

"Ewan ko din tulog ako,anong malay ko kung anong ginagawa ko". Sagot naman ni Ace.

Tumawa nalang silang dalawa.

-------

ACE POV

So panaginip lang lahat yon? Hindi talaga siya nangyari?. Hindi ko na namalayan na nakatulala na pala ako.

"Ace Gallardo" tawag sakin ni Enzo.

"Hoy pinsan!!!" Nilakasan niya talaga na kinagulat ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" naguguluhang tanong niya.

"Baka bagong gising ako Pinsan". sagot ko.

"Sabagay,inaantok ka pa ba?" Tanong ni Enzo.Tumango tango lang si Ace.

"Baba na ako ha?"

"Matulog kana ulit bye pinsan Thank you dito". Sabi pa niya at nakangiti pa saka umalis.

BAKIT SA panaginip nagconfess kaming dalawa? Ano kaya yon?.

Gulong-gulo parin ang isip ko sa mga oras na yon.

(Phone Ringing)

"Hello po" sabi ko.

"Drawlots today" sabi ng nasa kabilang linya.

"For what po?". tanong ko

"For pageant!!! Get up and go here okay" medyo mataas na boses.

Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maligo na at papasok na sa school.

Kahit nasa banyo ako iniisip ko parin yong panaginip ko.Hayyysss.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako agad.Wala na si Enzo umuwi na siguro di man lang nagbreakfast muna.Ewan ko ba dun matagal ng natutulog dito pero mahiyain parin.

----
Naglalakad na ako sa hall papunta sa gym dun kasi ang meeting place ng lahat ng candidates.

Nakarating na ako dito sa gym at medyo marami ng co-candidates ko.Nagpalinga-linga ako sa palagid at hinahanap si Sean,pero diko mahanap.Saan kaya si Sean?.

"Nandito na ba lahat?" Tanong ng matangkad na ewan ko kung bading or what basta malambot siya magsalita.

May sumigaw sa bandang likod.Lumingon ako at....

Nakita ko si Sean pawis na pawis at oh my God naka-SHADES ang gara niyang tignan.Para siyang anak ng mayaman sa mga teleserye or Leading man ganun.Basta ang pogi niya tignan.

"Sorry Sir I'm late" sabi ni Sean na hingal na hingal pa.

"Okay lang,lets start". Sabi niya.

MGA partners namin ang bumonot ng number.Mula pala sa english major ang partner ko si Stephanie Montemayor.

"Galingan mo Steph" sabi ko.Tumango naman siya at nagtumbs-up.

Lumapit si Sean sakin.Nakasuot parin shades niya.

"Wag lang number 1 ang mabunot ng partner ko" sabi niya.

"Ako nga din ehh medyo kabado tuloy ako". Sabi ko na may patawa pa sa huli.

"Sean " pinakita ng partner niya ang number nilang dalawa.Number 3.

"yesss" nasambit nalang ni Sean.

"Tayo Steph?" Tanong ko kay Steph.

Pinakita niya ito ng dahan-dahan.

"Number 5"

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi #1 ang nabunot ng partner ko.

"So guys by nextweek or this week is our Pictorial".

"Have a goodday"

"Bye".

Nagsialisan na kaming lahat.Lumapit sakin si Sean at sumabay sa paglakad.

"Bading yon noh?" Tinutukoy niya ay yong nagsasalita kanina.

"Ewan ko bakit dimo tinanong" sagot ko.

"Hiya ako ee " sabi niya.

"Ayy Sean tanong ko lang,Bakit ka pala nakashades?" sabi ko.

"Wala lang trip ko lang". tipid na sagot niya.

"Ace" tawag niya.

"Hmm" tugon ko.

"Anong paborito mong ulam?" Tanong niya.Teka! Teka ! Teka! Nangyari na to ee sinagot ko ee sinigang na baboy tapos same kami ni Sean ng paborito.

"Sinigang na baboy,ikaw". Balik ko.

"Adobo" tipid ang sagot niya.So ibig sabihin imahinasyon ko lang lahat ng iyon.

Nakatingin lang sakin si Sean.Naguguluhan narin siguro sa mga kinikilos ko.Inakbayan niya ako at nagpatuloy na kami sa paglakad.

Kapag nag-start na ang practice araw-araw ko na siyang kasama.Paano kaya kung mainlove ako sa kapwa ko lalaki.Luh.

After 3 weeks

Ito na ang huling araw ng practice kasi kinabukasan ay Pre-Pageant na.Masaya kaming lahat kasi masaya iyong choreographer namin.

Lagi siyang nagpapatawa at pinapalakas ang loob namin.Kaya siguro agad naming natutunan ang mga steps na tinuro niya.

Masayang masaya ang lahat sa araw na ito.Nasa tabi ko lang palagi si Sean tuwing break,pero seryoso siya pagdating sa practice.

Sinabi narin ni Sir Pinquihan lahat mga gagawin at isusuot,naipaliwanag na ito sa mga make-up artist namin.Kaya kami nalang ang hinahanda ni Sir Pinquihan.

"So Goodluck sa inyong lahat". sabi niya sa amin at sabay-sabay naman kaming nagpasalamat sa kanya.

-------

Sa mga nakalipas naming practice laging kami ni Sean ang pinagtitripan niya.Sinasabi niya na daks daw kami ni Sean at sure na sure daw siya doon.Tinatawanan nalang namin iyon ni Sean.This batch of pageant ang saya lang hindi namin iniisip ang kompetesyon,lalo na ako.

Magkakaibigan narin kaming lahat dahil kay Sir Pinquihan ,kasi ganun naman dapat.Hindi porket magkalaban sa pageant ay hindi na pwedi maging kaibigan.

After ng words of wisdom ni Sir Pinquihan ay naghiwahiwalay na kami.

Nagreready na ako for tom. Kahit kabado kakayanin ko.AJAH

----------



Kape Isa Pa With LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang