Wicked Love 15

76 4 0
                                    

"WHO'S that guy, huh, Hazel?" birong tanong ng tatay niya.

Napakagat labi si Hazel. "K-Kaibigan ko po, Dad."

"I want to meet your guy friend," sabi ng ama niya. "Baka mamaya, gusto ka na niyang tangayin palayo sa amin ng Mom mo."

"Dad! He's just... a friend," she was hesitant to call him a friend when in fact, she has something to do with her heart whenever she sees him.

Natawa ang kaniyang Ina na nasa tabi lang ng kaniyang ama. "Sus! Akala mo siguro hindi namin siya nakita kagabi, e. Nakita namin siyang nakangiti. Aminin, ang guwapo niya anak."

"Mom... stop it," she hissed, annoyed. "Guwapo nga siya, gago naman." giit niya.

"Ay nako! Kung siguro sa ibang babae 'yon ngumiti, magwawala pa siguro. Kasi kahit saang anggulo, likod man o harap, ramdam mo na ang karisma niyon, e." Her mother said while giggling.

"Hon, I'm just here," singit ni Congressman Lafee.

Natawa na lang si Hazel sa kakulitan ng parents niya. Naninibago pa rin siya hanggang ngayon pero mas nanibago siya nang sinabi ng ama niya na dalhin niya si Tyron sa bahay nila.

What the fuck just happened to my parents? Oh, Lord! Usal niya sa kaniyang isipan.

"I want to meet him too, baby girl," ani ng kaniyang Ina.

She gasped. She wasn't even prepared for this. Meeting the parents na ba ito... muli niyang sambit sa kaniyang utak.

"Busy 'yon kasi marami siyang ginagawa. Siya ang Governor ng College namin." rason nito para hindi na siya kulitin ng magulang.

"Hmm, then I will be the one inviting him, though. Pupunta ako sa University niyo para kilalanin siya." Nagkibit-balikat ang kaniyang Ina habang sinasabi ito.

Umawang na lamang ang kaniyang labi.

"I'm done here," she rolled her eyes and stood up. "I'll get going now. I'm late." Tumayo na siya at umikot sa upuan ng parents niya para halikan ang mga ito.

Nagulat siya ng tumayo ang kaniyang Ina na siyang ipinagtataka niya.

"Sasama ako. Ihahatid kita." Her mom giggled. "Ihahatid ko lang siya, hon," paalam nito sa asawa.

"Alright. Just take care, hon." sabi ng kaniyang ama at hinalikan ang kaniyang Ina. "Don't forget na isama ang kaibigan ni Hazel mamayang gabi." kumindat pa ito.

Umalis na si Hazel at ang kaniyang Ina at tinungo ang University. Nagkwentuhan pa silang dalawa sa sasakyan at inaasar pa ito ng kaniyang Ina hanggang sa makarating sila sa harap ng University.

"Oh, I know, baby. He won't regret meeting us!" tuwang-tuwa na sabi ng Ina.

"Mom, stop giggling. Stop it! He's a busy man and he's not my type. He doesn't even set my standard." angil niya sa kaniyang Ina.

Sinimangutan siya nito. "He's handsome and I can sense that he came from a decent family," her mother guess.

Umingos naman siya, hindi sang-ayon sa sinabi ng Ina. "Kung alam mo lang, Mommy. He's not a type of guy that you think."

Tinawanan lang siya ng kaniyang Ina at sabay na silang pumasok sa loob ng University. Bawat madaanan nilang estudyante ay napapalingon sa kaniya. Masama rin ang tingin ng mga ito pero naglakad lamang siya ng nakataas ang noo.

Narating nila ang College of Law building at sakto naman na palabas si Tyron sa office ng student body. Napalunok si Hazel nang magtagpo ang mga mata nila at napakamot na lang sa kaniyang batok nang lapitan ng kaniyang Ina ang binata.

Wicked Love (COMPLETED)(TO BE PUBLISH UNDER TWINKLE DREAM PRESS)Where stories live. Discover now