Wicked Love 1

263 9 3
                                    

"Nariyan na si Gov! Nariyan na! Tumabi kayo!" sigaw ng isang lalaki na may kulay abo na pares ng mga mata. "Huwag kayong humarang sa daan!"

Nahawi ang buong hallway sa third floor ng College of Law building dahil sa kaguluhan na naganap mula sa mga freshmen. Nakaupo sa sahig ang isang babae na masama ang tingin sa Higher Supreme Council secretary na gulo-gulo ang buhok habang nakataas ang kilay.

Nagbulong-bulungan na naman ang mga bubuyog sa paligid ngunit ang iba ay mistulang kinikilig pa.

"What's the matter here?" Tanong niya gamit ang malamig na boses.

Kunot ang noo niyang napatingin sa babang nakaupo sa sahig bago ibaling sa sekretarya ng Higher Supreme Council.

Namulsa si Tyron. "It's you again, Ms. Cereneo." malamig pa rin ang boses nito. "The rule breaker," aniya.

That's Governor Tyron Ezekiel Lanchester, the UNP baseball team captain. Cold and has a charming and piercing blue eyes that every girls from the College of Law likes.

Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kung ang Governor ng student council ay may pares ng kulay asul na mata, malamig ang buong presensya at walang emosyon na nakapaskil sa kaniyang mukha.

Lingid sa kaalaman ng mga freshmen, maraming natatakot kay Tyron Ezekiel dahil siya lang naman ang isa sa malupit na naging student council governor sa departamento ng kolehiyo ng batas.

"Oh, yes, Gov!" Hazel, the rule breaker and secretary of the higher student council. "It's me again. Can you do anything?" pabalang na sagot niya.

"No wonder, you're a rebellious daughter of the Cereneo's," sarkastikong sambit niya. "Indeed a rebellious and insolent daughter who breaks rules and regulations." dugtong niya sa paraan ng patutyang tinig.

"Told the guy who's rebellious too," sumbat ni Hazel.

Napasinghap ang mga estudyante sa paligid. Ngunit mas lalong lumamig ang buong hallway nang magsalita ulit si Tyron.

"You know nothing, Ms. Cereneo," he said. "I'm rebellious, yes that's indeed true but I'm not like you, always breaks the rule because of your immaturity!" malamig na at seryosong usal ni Tyron.

Maraming bulungan na naman ang naririnig. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Hazel. Tila nagdilang-demonyo na ang kaniyang itsura.

Umangat ang kaniyang kilay, humalukipkip at masamang tinitigan ang binata. Walang takot na mababakas sa kaniyang mukha.

"Immature..." aniya. "That's what I am? Look who's talking," sumilay ang isang ngisi sa kaniyang labi. "Is defending myself looks immature to you?" kwestyon niya.

Namayani ang katahimikna sa buong paligid. Maya't-maya pa ay, tumayo ang babaeng nakaupo sa sahig, inayos ang kaniyang posture.

"Kasalanan mo naman kasi, e!" agaw atensyon na sabi nito. "At isa pa, totoo naman na anak ka sa labas ni Congressman Lafee!" aniya.

Napahilot sa sentido si Tyron, sumasakit ang kaniyang ulo dahil sa maingay na boses ng babae na tantiya niya ay mula sa kabilang section ng freshmen.

"See? She's the one who's immature in here. Did I attack her when she said that I am illegitimate? I didn't do anything right?" sarkastikong sabi niya.

"Miss, can you tone down your voice?" malamig na turan ni Tyron sa babae. "And do you have proof that she's illegitimate?"

Napayuko ang babae dahil sa takot. "Pero 'yon naman ang usap-usapan. Kaya lang naman siya nakapasok dahil Congressman ang tatay niya kahit marami siyang bad record sa previous school niya." paliwanag nito.

Wicked Love (COMPLETED)(TO BE PUBLISH UNDER TWINKLE DREAM PRESS)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum