But... I guess everything has a right time. Noon kasi, meron pang ibang problema. About the game. And I think that's why everything's going well now. Dahil tapos na ang game, wala nang ibang aalalahanin si Kuya. Mas marami na ang oras n'ya sa 'kin ngayon.

"Kuya, may usapan pala kami ni Apollo mamaya. Magkikita kami sa Club Inferno."

Napalingon si Kuya sa 'kin na nasa passenger seat. He was driving the car.

"Iinom ka?"

"Malamang, Kuya. Club 'yun, eh. May mga alak do'n, syempre."

"Hindi naman dahil may alak, iinom ka na rin."

I frowned at him.

"Pinagbabawalan mo ba akong uminom? Club ko 'yun, eh!"

"Inaangkin ko ba?"

"Hindi! Pero club ko 'yun! Kaya pwede akong uminom! Kung pagbawalan mo 'ko para akong bata, ah."

Kuya Hunter took a deep breath. I could tell that he had something more to say but chose to stay quiet and pursed his lips. Napangisi ako. Alam kong kung minsan, nauubos ang pasensya ni Kuya sa kakulitan ko. But I could also feel that he was trying his best to give me what I want. Bumabawi talaga s'ya sa 'kin.

I chuckled.

"Hindi naman ako iinom ng marami. Gusto ko lang din kumustahin ang club."

Kuya Hunter sighed.

"Just make sure you'll do that, Gray. Kapag umuwi kang lasing na lasing, hindi kita pagbubuksan ng gate!"

Malakas akong natawa.

"Kaya kong i-hack ang security n'yo!"

Kuya Hunter glared at me.

"Oh, shut up."

I heard that it was Apollo who took care of the club when I was away. Naaalala ko pa naman na ilang beses n'yang ipinilit na hindi na raw s'ya magpapakalasing dahil sa nangyari noon. 'Yung pinaubaya n'ya si Daphne sa ibang lalaki. Ang loko. Para namang alak ang dahilan no'n.

Pumasok ako ng club at napansin na wala pa ring ipinagbago iyon. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Just trying to know if Zeno would make trouble again but he's been very quiet since the last time we've talk. Nagfo-front pa rin naman s'ya pero hindi na gaanong madalas. Hinayaan n'ya na nga ring ibalik ko sa dating kulay 'yung buhok ko, eh.

I smiled. Although, I was missing those times with my alters, I'm glad that everything's settled now.

"Gray! Dito!"

I smirked when Apollo waved at me to get my attention. Nandoon s'ya sa bar counter. Ewan ko. Nakikigulo lang yata sa bartender. Wala naman 'yang alam sa paghahalo ng drinks.

Mas lalo akong napangisi nang mapansin ang mga babaeng nakapaligid sa bar counter, hoping to get his attention. Once upon a time, Apollo would entertain them. Pero hindi na ngayon.

"Isusumbong kita sa asawa mo," sabi ko nang maupo ako sa isa sa mga high stool doon.

He frowned.

"Wala akong ginagawang masama, ah!"

I chuckled. Nag-order s'ya ng drink sa bartender para sa 'ming dalawa bago lumabas ng counter at umupo sa high stool sa tabi ko. Sabi na nga ba't nakikigulo lang 'tong isang 'to.

We drank our alcohol in silence. Si Apollo, hinayaan lang akong pagmasdan ang kabuuan ng club. Ngayon na lang ulit kasi ako nakapasok dito magmula nang umalis ako noon. I was thankful to Apollo dahil hindi n'ya pa rin pinabayaan ang club kahit na may pamilya at sariling airlines s'yang inaasikaso.

SHIELDER (CPAGS Epilogue)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon