Chapter 23 - Lost In Love

1.2K 23 3
                                    

Hindi alam ni Aminah ang mararamdaman ngayong magkasama na sila ni Knife sa iisang silid. The Olivero's didn't know their issue. Ang alam lang ng mga ito ay kailangan niya munang manatili sa Barangay Olivero para sa kanyang seguridad.

Hindi pa sila nakakapag-usap ng maayos ni Knife kung bakit ito nandito ngayon. At kung bakit ito umaaktong parang mag-asawa talaga sila sa harap ng mga Olivero.

Her eyes drifted to the flower vase na kinalalagyan na ngayon ng bulaklak na bigay ni Knife. Pagpasok niya sa silid na inuukopa ay may flower vase na sa side table. Kaninang umaga ay makalat pa ang ibabaw niyon ng kung anu-anong gamit niya.

Then her eyes caught him undressing himself. Taking off his button down shirt. She immediately look away.

"I'll take a shower." Said the man casually who's acting like nothing happened three months ago.

Hindi siya kumibo. Hinayaan niyang gawin nito ang nais. Kahit kanina sa photoshoot. Kung makayakap at halik sa kanya, akala mo mahal na mahal siya. Impossible, right? Pero dahil ayaw niyang makahalata ang mga Olivero ay nakikisama siya sa trip ng kanyang asawa.

Nakuha ng matapos ni Knife maligo ay hindi pa rin niya ito pinapansin. Siya ang sumunod naglinis ng sarili. Hanggang sa paliligo ay laman ng isip niya kung bakit bigla ay kasama na niya si Knife na sa pagkakaalam niya ay galit sa kanya. Nagkatotoo kaya ang piping hiling niya na sana ay ma-realize nitong siya pala talaga ang mahal ng lalaki?

What happened to her and Luisa?

Puno ng katanungan siyang lumabas ng banyo matapos makapagbihis. She wore a pair of pajamas instead her usual nightgown. Mahirap na at baka ano pa isipin ng lalaking kasama niya ngayon kung magsusuot siya ng revealing na pantulog.

Naabutan niyang may kausap sa cellphone si Knife. Business as usual. He's facing the glass window. Napaismid siya at inirapan ang likuran nito. She went to where her phone is so she can busy herself to avoid the man standing few meters away. She decided to go outside to look for Odalie na lang at makipagkwentuhan kesa makasama sa loob ang lalaking nagpapagulo lagi ng buhay niya at ng buong sistema niya.

"Where are you going?"

Akma na sana niyang bubuksan ang pinto ngunit napatigil siya sa tanong na iyon. She rolled her eyes. "Outside, obviously."

"I thought you're already tired? I heard you while talking to Sylvester's wife." He said softly. Parang gusto niyang manlambot sa lambing ng pagkakasabi nito ng mga salitang iyon.

She sighed. Umikot siya upang harapin ito ngunit hindi na lang sana niya ginawa sapagkat napakalapit na pala nito sa kanya. What the hell!? Hindi man lang niya namalayan at narinig ang paghakbang nito palapit sa kanya!

"And I also heard that your legs hurt. So I think you must stay here and rest. Or maybe I should give you a massage to help you feel better."

Napamaang siya rito. Really? Si Knife ba talaga ang nagsasalita ngayon sa harap niya? Never itong nag-initiate ng kahit ano para sa kanya. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga inaakto nito kanina pa. But his expression didn't change. Ganoon pa din simula kanina ng pagdating nito. Puno ng.. pagsuyo? Oh, dang it! She's being delusional now. Kung anu-ano na kasi ang naiisip niya. Kailan pa nagkaroon ng ganoon sa katawan ang lalaking 'to?

"I'm okay now." She replied. Flatly. She's not giving him any emotion.

"No I insist."

"I said, I'm okay. It's fine." May diin na niyang sabi. 'Bat ba ang kulit?

Totoong sumakit ang binti niya kanina katatayo suot ang high heels pero bearable naman. Nakakalakad nga siya ng maayos, eh. At isang kalabit na lang talaga ay mapipigtas na ang maikli niyang pasensiya kapag hindi pa siya tinigilan ni Knife.

Hate Me Now Love Me LaterWhere stories live. Discover now