Chapter 15 - Consequences

882 22 2
                                    

Hindi inaasahan ni Aminah ang mabubungarang bisita kinabukasan. It was Reed. At seryoso itong nakikipag-usap kay Knife sa kaharap na upuan sa kanilang sala. Malamang ay alam na ng kanyang dating nobyo ang sitwasyon.

Hindi pa sana siya handang humarap kay Reed ngunit kailangan. Marahan ang kanyang naging pagbaba sa hagdanan.

Una siyang napansin ng kanyang asawa. May kung ano sa mga mata nito habang pinagmamasdan siyang pababa. Napaiwas na lang siya ng tingin dahil doon.

Maagap na tumayo si Reed nang makalapit siya sa dalawa. Napansin niyang parehong madilim ang anyo ng dalawang lalaki.

"Aminah."

"Reed."

Halos sabay nilang anas. Lumapit sa kanya si Reed at sa marahang paraan ay hinawakan siya sa dalawang siko. Puno ng pag-iingat. Magkahinang ang kanilang mga paningin at agad niyang napagmasdan ang pagod na hitsura nito.

"K-kanina ka pa?" Ang tangi lamang lumabas na salita sa kanyang bibig sa dami ng gusto niyang ipaliwanag dito. Nais niya sanang kahit paano'y ibsan ang nararamdaman nito ngayon.

Marahang tumango ang binata.

"Kakadating ko lang halos. I went straight to... to the other house. Pero wala na pala kayo doon ni Knife." Halos pabulong nitong sagot. Sumasalamin sa mga mata nito ang pinagdadaanang sakit na dulot niya.

She bit her lower lip. Suppressing herself from bursting into tears in front of him. She's feeling guilty for hurting this man so much. "I... I g-guess you already knew what happened w-why we're on a different house now?"

Muling marahang tumango ang binata. "Yes... Mama Divine told me everything."

Nagyuko siya ng ulo. Hindi niya kayang makita ang pagdurusa sa mga mata ni Reed. Sobra siyang nasasaktan para dito. She caused him pain. Big time.

"Eh kung umuwi ka na lang kaya sa Pinas, Aminah. Sumama ka na lang sa'kin. Kaya din kitang protektahan d'on--

"She's already my wife, Reed."

Napatda siya sa pagsabad ni Knife. Natahimik din si Reed. Nagkatinginan sila ni Knife saka muling bumaling kay Reed. Seryosong-seryoso ang anyo ng kanyang asawa.

"Aminah is now a Marquez. Hindi siya pwedeng malayo sa akin... sa'min, because of the potential danger she might encounter. I already explained that to you, didn't I?" Walang kangiti-ngiting saad ni Knife.

Tumigas ang anyo ni Reed. Marahan nitong pinakawalan ang kanyang mga braso saka muling hinarap si Knife na prente pa ring nakaupo sa sofa.

"Yes you did. But what's the point of this marriage, huh?" Pinag-diinan nito ang salitang marriage. "Akala ko ba hindi na siya pwedeng saktan ng mga taong 'yon dahil isa na rin siyang Marquez ngayon?"

"Ibang mag-isip si Marcus Jacobs. Wala siyang pakialam sa mga patakaran ng organisasyon." Tiim-bagang naman na sagot ni Knife. Tila nauubusan na ito ng pasensiya.

"Bakit ba kasi kailangan na dito pa kayo mag-negosyo sa Macau? Ang daming bansa, Knife. Why are you letting those motherfvckers run your lives?" Reed hissed. May diin ang bawat salitang binitawan nito.

Pakiramdam niya ay may namumuo nang tensiyon sa pagitan ng dalawa kaya naisipan na niyang magsalita.

"Knife is right, Reed. D-delikadong tao ang mga Jacobs." Napalunok siya ng bumaling sa kanya ang binata. Pagak itong natawa. Parang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. "At n-natatakot ako sa mga pwede nilang gawin. Kaya sa t-tingin ko hindi magandang ideya na malayo ako kay K-knife." Patuloy niya. Hoping that Reed will understand her now.

Hate Me Now Love Me LaterWhere stories live. Discover now