#UNHOLY24

2.9K 60 2
                                    

Tulala ako habang nakatayo sa entrance ng ospital. Sinabi ko kay Nikolai na maghihintay ako dito kaya't dito na niya ako sunduin.

Masakit parin ang dibdib ko dahil sa kinalabasan ng pag uusap namin ni mommy.

Makikita ko pa kaya sila?

Habang nakatayo ay nagliwaliw ang isip ko sa kung ano ang gawin ngayon. Siguro naman ay...okay nang unahin ko muna ang sarili ko ngayon? Hindi lang ito para sa akin kundi para sa anak ko.

Anak...

Hindi parin ako makapaniwalang nagdadalang tao ako ngayon. Ni hindi pa masyadong nag sink in sa utak ko na may nangangailangan na ng pagmamahal at aruga ako.

Naputol ang pag iisip ko nang may nakahintong pamilyar na kotse sa aking harapan. Unti unti namang kumabog ang dibdib ko dala ng sobrang pagka miss sa taong may ari ng kotse.

And in his folded black long sleeve and pants...

He walked towards me with worry in his eyes. Gustong tumalon ng puso ko dahil sa sobrang pagka miss sa kanya. Gusto kong yumakap ng mahigpit at umiyak sa mga bisig niya. Tila nabasa niya ang iniisip ko dahil nang makalapit siya sa akin ay ganoon kaagad ako nitong kinabig paloob sa mga bisig niya.

My tears fell like waterfalls when I felt his warmth. Hanggang sa naging hagulhol ang pag iyak ko. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya at ang paghaplos sa likod ko.

"Its okay, love. You can cry. I'm here. I'll never leave you."

He whispered sweet and comforting words to my hears that gave me strength. Maya maya nang kumalma ako ay kaagad nitong pinunasan ang mga luha ko at hinagkan ako sa noo.

He gave me an assuring smile na para bang nagsasabing okay lang malungkot at umiyak kaya mas lalo lang akong naging emosyonal. Siguro dahil na rin sa kundisyon ko.

He pulled me to his car and opened the door from the passenger seat. He even covered the roof of his car para hindi ako tamaan. Siya din ang naglagay ng seatbelt ko at nang makitang maayos na ako ay kaayad niyang sinarado ang pinto at kaagad na umikot papuntang driver seat.

He maneuvered his car and we were just there...sitting with just comfortable silence between us.

Walang umimik sa amin. Ako na hindi alam kung ano ang sasabihin sa daming nangyari at siya na parang hinihintay lang akong magsalita.

Nakita kong pamilyar ang daan na tinatahak namin kaya alam kong sa condo niya kami de-deretso. Gusto ko siyang makasama ngayon at hindi ko naman siya madala sa bahay namin ni Adrian.

Ni hindi ko nga rin naisip na niyakap niya ako sa harap ng ospital kanina. Baka may nakakita sa amin at nakunan kami ng litrato pero hindi ko na inisip iyon.

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa pag akyat namin sa floor kung nasaan ang condo niya. He opened the door for me and I went inside right away. Afraid that someone might see us. Dagdag na naman sa problema. Ayoko rin na madamay pa si Nikolai dahil hindi niya deserve iyon.

"Are you hungry, love?"

Napabaling ako sa kanya. Umiling naman ako at binigyan siya ng maliit na ngiti kahit alam kong hindi umabot iyon sa mga mata ko.

"I want to rest." I whispered. Sobrang exhausted ko na siguro dahil ngayon ko lang naramdaman ang panghihina.

He nodded and brought me in his room.

Nagpadala lang ako sa kanya hanggang sa maiupo niya ako sa kama niya.

He knelt and took off my shoes and massaged my feet for how many seconds and looked up to me.

"If you want to wash up, you can use my clothes. I'll cook and prepare your food incase you get hungry."

I stared at him for how many seconds. I know I am so blessed for having him in my life. I thank God for allowing and for letting me experience love in this man's arms.

Napakurap ako nang hinaplos nito ang mukha ko.

"Please talk to me once you are okay. I will not force you to tell me what happened but if you want to talk to someone, please know that I am just outside in this room. Waiting for you...always."

I was about to cry pero pinigilan ko ang nararamdaman. Hindi pa nakatulong na buntis ako kaya masyadong emosyonal dahil sa hormones.

Nginitian ko nalang ito pagkatapos ay niyakap. Napasinghap naman ako nang sinuklian niya rin ako ng mahigpit na yakap.

He left me after that and I made myself comfortable. Humiga ako sa kama at nakatulala hanggang sa hindi ko na nalabanan ang antok at tuluyang nakatulog.

*********

Dalawang linggo pagkatapos noong mangyari ang pagbisita namin ni Adrian sa bahay ng mga magulang ko, noong atakihin ang daddy ko sa puso at ang pag uusap namin ni mommy.

Nagpapasalamat din ako kay Adrian dahil parati niya akong binibigyan ng update tungkol sa kundisyon ni daddy. Medyo maayos naman na daw ang lagay nito. Sinabi nitong huwag akong mag alala dahil siya ang magpapaliwanag kay daddy kapag okay na ito.

Pero a loob loob ko...wala na akong pakialam kung tatanggapin pa rin nila ako o hindi. Ang gusto ko nalang ngayon ay mabuhay para sa sarili ko na walang iisiping problema. Para sa akin at lalo na para sa anak ko.

Nasa puder parin ako ni Nikolai. Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang mga nangyari dahil alam kong sisisihin niya ang sarili niya. Na naiintindihan naman niya dahil kahit palagi akong walang kibo at madalas ay tulala...patuloy niya parin akong inaasikaso. Niyayakap ng mahigpit sa gabi na para bang ayaw niya akong pakawalan at mawala.

Kabaliktaran sa naiisip kong plano.

Ilang araw ko nang iniisip ang plano ko. Tinitimbang kung pagsisisihan ko o hindi. Pero alam ko namang pagsisisihan ko talaga. Mas matimbang lang ang kagustuhan kong maging maayos ang lahat.

The next day... I decided to talk to Nikolai.

Sasabihin ko na sa kanya ang lahat...

Kung ano ang nangyari...

At lalo na sa plano kong alam kong masasaktan siya...

Mahirap pero kailangan...sa ngayon.

UNHOLYWhere stories live. Discover now