#UNHOLY11

3.8K 70 5
                                    

Kinabukasan ay nagpasya akong magliwaliw. I don't wanna be stressed about my asshole husband. Ang mahal mahal ng skincare ko tapos lolokohin lang ako? The fuck?

I decided to go to a mall. This is actually what I do when stressed. Either online shopping or I'll go to a mall and buy things I want to buy.

Wala akong pakialam kung maubos man ang perang ibinibigay sa akin ni Adrian. Asawa niya naman ako. May karapatan ako sa lahat ng sa kanya. Sa lahat ba naman ng stress ma binibigay niya sa'kin? Deserve ko ito. Pampalubag loob man lang.

I went to every shops I wanted. I chose to buy the expensive things kahit hindi ko naman kailangan. Sa ngayon.

I was checking on some of the clothes in a store when I heard someone spoke behind me.

"Hindi ko alam kung bakit gusto kong pumunta ng mall ngayon. Ah, I think because I felt that you'll be here." I can hear the playfullness in his voice.

Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang sa pagtingin tingin sa mga damit.

"Konti nalang at iisipin ko na na pinasusundan mo'ko."

"What? Of course, not! I'm here to buy some clothes."

I smirked and looked at him while holding the hanger.

"So you're a cross dresser now? Ngayon ka lang ba laladlad?"

He looked at me with confusion. Napatawa naman ako.

"Pero...wala namang problema doon. I will still respect you as a person. And I love the people that are part of LGBTQ+ and all the letters in the alphabet."

Hindi parin nito makuha kung ano ang sinasabi ko kaya nilahad ko ang kamay sa mga damit.

"You are in women's section, Vladislav. Good luck finding for clothes that'll fit you." I gave him a smirk and turned around. Deretso akong pumasok sa fitting room.

Natatawa pa rin ako dahil na-iimagine ko parin ang reaksyon nito.

Bakit ba palagi kaming nagkikita ng damuhong iyon?

After trying all the clothes I brought inside the fitting room, lumabas na ako ngunit bigla akong napahinto nang makita kong nandoon parin si Nikolai kung saan ko iya iniwan.

Nakatayo lang naman siya doon pero para siyang model ng mga damit. Kahit na gawin siyang model ng damit na pambabae kahit nakatayo lang siya doon ay paniguradong bibili parin ang mga tao.

Naramdaman niya ata na may nakatingin sa kanya kaya napabaling siya sa akin sabay taas ng kilay.

I silently sighed when I felt the weird butterflies in my stomach again. I think may kabag ako. Makainom nga ng gamot mamaya. Naglakad ako papunta sa counter at ramdam kong nakasunod ito. Medyo nasa dulo ang women's section ng store kaya hindi kaagad kami makikita.

"Done?"

I stopped and turned around to face him. Sumalubong sa akin ang mga berde niyang mga mata. Inilipat ko ang tingin sa noo niya dahil hindi ko makayanan ang intensidad ng mga tingin niya.

"What is it that you want, Vladislav?" I seriously asked.

Napatiim ito ng mga labi dahilan kung bakit lumabas ang dimples nito sa magkabilang pisngi. He scratched the back of his head although alam ko naman na walang makati doon.

"Dinner?"

I folded my arms in front and looked at him.

"Hindi ako naniniwalang hinintay mo lang ako dahil sa dinner. Ano ba talaga ang gusto mo?"

I waited for his response while tapping my other feet on the ground. Kita kong nagpipigil ito ng ngiti na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. O nakakatawa ang mukha ko?

"Do you think I am playing here, Vladislav?"

He clicked his tongue inside his mouth and sighed.

"I'm sorry...I just can't take you seriously..."

Kunot-noo ko naman itong tiningnan ngayon.

"You just...you still look pretty and beautiful kahit...inis o galit ka na..sooo."

Tumambling naman ang puso ko dahil sa narinig. It's so funny 'cause Adrian showered me with compliments before but I haven't felt this. Nagamit na ata niya ang mga adjectives na made-describe sa akin pero ni minsan hindi ko man lang naramdaman na parang tumalon ang puso ko kahit isang segundo.

Tsaka...bakit parang inaakit ako ng mga mata nito? Kung makatingin parang hindi tatanggap ng "hindi" na sagot.

And so I decided. It's also  just a dinner. A harmless dinner.

At mas lalo naman akong ipinagkanulo ng tiyan ko nang tumunog ito. Para namang natatawa ang lalaki ngunit nang makita akong nakatingin sa kanya ay pinipilit nitong pigilan ang tawa dahilan kung bakit pasulpot sulpot ang biloy nito sa mukha.

"Uh..I know a very good restaurant. A wife of a friend of mine owns a restaurant. I can call him and make a reservation for us."

Tinaasan ko ito ng kilay. "Mukhang hindi mo naman ito plinano, ano? Nakaisip ka kaagad ng kainan, e."

He chuckled. "Well..kung gusto mo lang naman."

Natatawa ako sa reaksyon nito ngunit itinago ko iyon sa irap.

"Just this once, Vladislav. Pagbibigyan kita. It's just a dinner anyway. A dinner between friends."

He raised his eyebrow and smirked. Tumango tango rin ito.

"Yeah, dinner between friends." Inulit pa ang sinabi ko na para bang may kahulugan iyon lalo na ang pagbanggit niya sa salitang "friends".

"I'll go and pay this. Let's just meet at the restaurant." Akmang aalis na ako ngunit hinawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako doon. Kaagad naman nitong binitawan ang braso ko nang makita nitong nakatingin ako doon.

"I brought my car...and you went here alone, right? Sumakay ka na sa'kin. I mean...sa sasakyan ko. I'll wait for you outside."

Hindi man lang ako hinintay na makasagot at tinalikuran na ako. Napabuntong hininga nalang ako at dumeretso na sa counter para magbayad.

Ibibigay ko na sana ang card ko pero pinigilan ako ng cashier.

"Hindi na po, ma'am. Bayad na po ni sir."

"Who?" Nalilitong tanong ko.

"Uh..binayaran na po ni sir noong nasa fitting room ka pa po. Iyon pong kasama n'yo."

And then I realized. Wala naman akong ibang lalaking kasama kanina.

That beast. Tsk.

UNHOLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon