#UNHOLY21

3.3K 65 11
                                    

Pagkatapos nang nangyari kahapon ay napagdesisyonan naming mag usap ng masinsinan ni Adrian. I Did not expect that from him kasi of all people, siya ang laging umiiwas sa seryosong usapan lalo na at involved ang kasal namin sa usapan.

Sinabi kong pagpahingahin na muna si Kayla kasi nga buntis. Nagdalawang isip pa nga siya at tila ba tinitimbang ang mood ko kung seryoso ba ako o sarcastic. 

I watched him as he held the woman. He held her with so much care and I can really see how he feels towards the woman. At sa totoo lang, naging maginhawa ang pakiramdam ko sa isiping hindi ako baliw at hindi ako naghahanap ng rason upang makawala sa kasal namin ni Adrian. Na totoo ang ang mga hinala ko dati. I felt betrayed, yes. But at the same time, relieved and happy for him.

Gago siya sa mga ginawa niya sa akin pero alam ko naman na aalagaan niya ang mag ina niya. I won't make an excuse for him though, pero naniniwala kasi akong kahit gawin mo ang lahat, hinding hindi mo mabababago ang tao. Kasi, kusa iyang magbabago kapag nasa tamang tao. And I guess, hindi ako iyon. At hindi siya ang para sa akin.

Nikolai keeps on calling me simula kahapon pa. Kahit isa wala akong sinagot kahit miss na miss ko na siya. Pakiramdam ko kasi mas lalo lang magiging complicated kapag iisipin ko pa siya sa ngayon. Gusto kong ayusin na muna itong gulo namin ni Adrian sa mga magulang ko bago ko ibigay ang buong atensyon ko sa kanya.

Because he doesn't deserve a half-baked love. He deserve so much more.

And I promise to myself na pagkatapos nito ay sarili ko naman ang bibigyan ko ng pagkakataong sumaya. At alam ko kung sino ang magpapasaya sa akin.

Napangiti ako sa naisip. Konti nalang, kakausapin ko nalang ang mga magulang ko kasi hindi ko rin kayang maging masaya na may iisipin pa. 

"Hey." 

Umupo si Adrian sa upuan na nasa tapat ko. Binaba ko ang kape ko sa mesa at tiningnan ito. Binigyan ko ito ng maliit na ngiti at ganoon din ito. 

Nandoon parin ang hiya at lungkot sa mga mata nito kahit na sinabi ko naman na okay lang ako. 

"Hi."

Tumikhim ito. Kita ko ang aliwalas ng mukha niya na para bang wala na itong pino-problema pa.

"How are you?" He asked.

"I'm okay...I just..feel so relieved na...totoo naman talaga ang mga iniisip ko at hindi baliw gaya nang pinipilit mo sakin dati. Kahit naman kasi pilit ko ring binabaliwala ang mga bagay bagay, tumatanim parin siya sa isipan ko." I chuckled.

He surprisingly took my hand that is on the table between us. " I'm really sorry...for what I did to you, Dakota. I haven't said sorry yet but please know that I am beyond sorry for what I did. Kasalanan ko. Hindi mo kasalanan."

Tumango ako. "Alam ko na iyan ngayon. Nakahinga na rin ako ng maluwag." Mahina akong tumawa at bumuntong hininga.

"Sabihin mo lang sa akin ang gusto mong gawin ngayon. Makabawi man lang ako sa lahat ng panggagago ko sa'yo."

"Aba dapat lang! Gabi gabi kaya akong hindi makatulog noon dahil kakaisip sa'yo! Puro stress binigay mo sa'kin!" Sabi ko sabay tawa para gumaan man lang ang atmosphere. Sawa na kasi akong maging malungkot at galit.

Tumawa rin siya ngunit naging seryoso maya maya.

"Are you going to talk to your parents? Because if you want, sasamahan kita. I will tell them everything."

Suminghap ako bago inayos ang buhok na nilipad ng hangin. Nasa garden kasi ako kanina  bago dumating si Adrian. Nagkakape ako habang nag iisip.

"Yes. And I need your help. Alam mo naman kung anong nangyari dati. Ayoko lang maulit iyon kasi...delikado si daddy. Pero...gusto ko na ring tuluyang maging masaya.."

Nagsimulang uminit ang mga mata ko. Kinakabahan kasi ako sa kalalabasan ng pakikipag usap ko sa mga magulang ko pero at the same time, masaya kasi tutulungan ako ni Adrian.

"And...pagkatapos ng lahat ng ito...gusto ko sanang asikasuhin ang annulment. So we can free ourselves from this situation. You can be with your woman and your child without hiding them and I can do the same for myself."

"Yes..I promise you, Dakota. I am with you in fixing this and again, I am really really sorry."

"Let's just stop apologizing and start fixing this mess, Adrian. Gusto ko nang maging maayos ang lahat."

Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay umalis na rin si Adrian upang bumalik sa condo niya kung nasaan si Sheena. Kinailangan nito ng kasama dahil maselan ang pagbubuntis.

While me? I stayed at home.  

Kating kati ang kamay kong tawagan at i-text si Nikolai at matinding pagtitimpi ang kailangan kong gawin upang mapigilan ang sariling gawin iyon.

Ang ginawa ko ay binasa ko nalang ang mga messages niya sa akin.

I smiled while reading his texts. There's I miss you and I love you in every messages he sent me. 

My heart pounded with so much love now that I am wholely accepting my feelings for him.

Konti nalang, love. Aayusin ko muna ang lahat at pupuntahan kita. Pangako.

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang magpunta sa bahay ng mga magulang ko. I already texted Adrian na magkita nalang kami doon dahil out of the way kung susunduin niya pa ako dito. Isa pa, hindi na ako mapakali at gusto ko na talagang umalis.

Nang makilala ng security ang kotse ko ay kaagad nitong binuksan ang gate para makapasok ako. Tumingin ako sa rearview mirror at nakitang nakasunod ang kotse ni Adrian. 

Doon na nagsimula ang kabog sa dibdib ko. My hands are actually shaking because I am so nervous. Hindi parin kasi mawala sa isip ko ang nangyari dati kaya't ganito nalang ang kaba ko.

Pumikit muna ako nang mariin at pilit kinalma ang sarili bago tuluyang bumaba ng kotse. 

Adrian is already waiting for me outside. Nagtanguan lang kami at ngumiti ito sa akin ngunit hindi ko magawang suklian iyon dahil sa kaba. He took my hand and looked at me. Ramdam niya siguro ang lamig nito.

"Relax. Everything's gonna be alright." 

Tumango lang ako. Humugot muna ako ng malalim bago kami tuluyang pumasok ng bahay.

Nagulat ako nang makitang nasa living room ang daddy at mommy ko. They don't seem to be in a good mood at halata ang galit sa mga mukha nito. Usually kasi ay ngingiti at i-we welcome kaagad kami lalo na kapag kasama ko si Adrian.

Nagulat nalang ako ng may itinapon si daddy sa harapan namin. Ilang pirasong papel na nagliliparan hanggang sa mapunta sa paanan namin. 

Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung ano iyon! 

"You're a whore! Flirting with another man while still married!"

Hindi ako nakasagot dahil sa gulat at lakas ng kabog sa dibdib.

Those are pictures. Mine and Nikolai's faces are there. Nandoon iyong papasok kami sa condo ni Nikolai, noong mag date kami sa mall sa kabilang bayan at madami pang iba. Magaling kumuha ang kung sino mang nasa likod ng camera dahil lahat ng nasa litrato ay naglalandian kami ni Nikolai. 

Ramdam ko ang gulat ni Adrian sa tabi ko. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kay Nikolai kaya ganyan ang reaksyon niya.

"D-dad.." 

"Don't call me that! I don't have a daughter! Wala akong putang anak!" 

"D-dad...p-please. l-let me explain-"

I gasped when I felt his hand on my cheek. 

"You are really a disappointment! Wala ka nang ginawang tama! Wala kang kwenta-!" 

Ganoon nalang ang sigaw namin ni mommy nang hindi naituloy ni daddy ang sasabihin ay napahawak sa kanyang dibdib. Kung hindi ito kaagad nahawakan ni Adrian ay matutumba ito. Tiningnan ako ng masama ni mommy habang sumisigaw sa katulong para madala si daddy sa ospital.

Ako? Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Scenes of what happened the first time I talked to them about Adrian flashed back.

And I am also wondering where the pictures came from....

UNHOLYWhere stories live. Discover now